Mails
Yam's POV :
Nagising ako at napahawak sa nuo ko.Mukang bumaba na ang lagnat ko.Hanggang ngayon ,hindi ko pa rin talaga alam kung bat bigla nalang akong nilagnat kagabi.Hindi naman ako naulanan.
Bumangon ako sa pagkakahiga at nagulat nang makita si Keene na natutulog sa sofa.Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa nakita ko.
Linapitan ko sya at nilagyan ng kumot ,medyo malamig kasi sa kwarto nya at manipis lang ang gamit nyang kumot.Baka magmasakit pa sya, mahirap na.
Bumalik ako sa kama at muling humiga nang may napansin akong kakaiba.
Tila biglang nag-init ang pisnge ko nang mapansin kong iba na ang suot kong damit.
Binihisan kaya nya ako?
Agad akong napapikit nang biglang gumalaw si Keene sa higaan nya at tumayo.
Naramdaman ko nalang ang presensya nya sa harap ko at ang pagdapo ng palad nya sa nuo ko.
"I know you're awake." Rinig kong sabi nya.
Agad naman akong napamulat at agad nagtama ang aming mata.
"Wash your face and wait for me here ." Utos nya sakin.
Tumango naman ako at dahan dahan na tumayo sabay nagtungo sa loob ng banyo.
Kahit pa medyo may lagnat ako ay napagdesisyunan kong magshower.Nakakahiya,natulog akong hindi man lang naglinis ng katawan a-at ..hindi naman siguro sya ang nagpalit sa suot kong damit.
Natapos ako at lumabas na ng banyo.Hindi parin nakakabalik ang asawa ko.Ano kayang ginagawa nun?
Naputol ang pag-iisp ko nang marinig kong nagtatalo uli silang dalawa, si ate Kelly at si Keene.Wala na atang araw na hindi sila nagtalo.
Lumabas ako ng kwarto upang silipin kung ano ang nangyayari sa kusina.
"You and your dirty mouth!!"inis na sambit ni ate Kelly sabay pokpok ng sandok sa ulo ni Keene.
"Ow! What the f*ck?!" Iritable namang reklamo ni Keene.Sabay hawak sa ulo nya.
Napangiti naman ako sa nakikita ko.Kahit kelan talaga.
Lumapit ako sa kanilang dalawa ngunit ,mukang di pa rin nila napapansin ang presensya ko.
"So you're cussing me?" Lumapit si ate Kelly sa kanya at piningot sya.
"O-oww get your hand--ouch!"
Bago pa sila magkainitan ay nagsalita na ako.
"Ate Kelly." Napatingin naman silang dalawa sa akin.Agad binitiwan ni ate Kelly ang tenga ni Keene ,samantalang ang asawa ko naman ay muling kumunot ang nuo nang makita ako.
"Ohh Yam! Are you ok?Do you still feel sick?" Nag-aalalang tanonh ni ate Kelly.
"You were really hot last night and your husband don't even know what to do.He even asked me to chang--" tinakpan ni Keene ang bunganga ni ate Kelly at agad akong nilapitan.
"I told you to stay inside our room." Puna nya sakin.
"Sorry." Simpleng sagot ko naman.
"Heh!You're over acting again Keene the brat." Pang-aasar ni ate Kelly habang tumatawa.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Keene sabay inalalayan akong umupo sa dining table.
"Wait ok?"
Tumango naman ako.Muli syang pumunta sa kusina kung asan si ate Kelly at maya maya pa'y bumalik sya na may hawak na bowl.
BINABASA MO ANG
Cold Marriage [ COMPLETED ]
Romance"Ganyan ka ba talaga?Wala ba talaga akong pag-asa?!" - Yam Manon Perez "Once a monster,always a monster. You can't change me for who I am peasant b*tch." - Claud Keene Monesterio