A/N : Keene ~ :D
Third Person's POV:
Naglakad patungo sa pinto ang binata nang marinig nya ang doorbell.
Binuksan nito ang pinto at bumungad sa kanya ang muka ni Yen.
"Thank God." Sambit ni Keene .
"Ano nangyari sa muka mo?!" Gulat na tanong ni Yen sabay titig ng maigi sa namumulang muka ni Keene.Nakita din nito na may pasa ito malapit sa mata.
"Don't ask me! Go see it yourself!" Inis na sambit nya sabay papasok kay Yen.
"Uhh anong nangyari dito?" Naguguluhang tanong ni Yen kay Keene nang makitang sobrang kalat ng bahay.
"Yam." Tanging sagot nya sabay tungo sa kusina.Sinundan naman sya ni Yen at mas lalong lumaki ang mata nito nang makita ang basag basag na plato sa sahig.
"Yeh, kelangan ko tong linisin.I just need you to feed her for me." Utos ni Keene.
"Sya ba may gawa ng lahat ng toh?" Di makapaniwala nyang tanong
Tumango ang binata.
Napatawa naman ng malakas si Yen kaya masama syang tinitigan ni Keene.
"Opps sorry.Nakakatawa lang talaga ,but don't worry hindi ko pa nasasabi sayo pero mas malakas ako sa ugok kong kambal." Sambit nya sabay kindat kay Keene.
"Well.I hope so.If not magiging katulad kita." Sagot nya sa dalaga.
"Tignan nalang natin.Nasan ba kwarto nyo?I mean nya." Nakangiting sabi ni Yen .
"1st room upstairs on the right." Paliwanag ni Keene habang nililinis ang dumi sa kusina.Hindi ito makapaniwala na kakailanganin nyang maglinis ng bahay kaya asar na asar sya sa nangyayari.Kaya naman ay humingi ito ng tulong sa kakambal ng kanyang asawa.
Agad umakyat sa taas si Yen at maya maya pa ay narinig ng binata ang pagsisigaw ng kanyang asawa.
"Oh God." Sambit ni Keene sabay takip sa kanyang tenga.
Makalipas ang ilang minuto ay napalingon sya sa hagdan at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Uh...does she really need that?" Tanong nya nang makitang nakagapos ang kamay ni Yam at nakatakip din ang kanyang bunganga.
"Malamang! Bwisit toh muntik na din akong suntukin !Hmm!" Inis na sambit ni Yen sabay batok kay Yam.
Nanlaki lalo ang mata ni Keene nang makita ang ginawa ni Yen kay Yam.
"Oh ano tulala ka.Asan na pagkain nya?! Kung pwedeng ipasok ko lahat sa bunganga nya gagawin ko." Sambit ng dalaga.
"Mmmhhhmmmhhhshjwywoaj" sambit ni Yam ngunit walang makaintindi sa kanyang sinasabi dahil nga nakatakip ang kanyang bunganga .
"Ah wait .Painitin ko lang sa microwave." Sagot ni Keene sabay punta sa may fridge.
"Kitam man ta itsuram , kababain ka! ( Tignan mo nga yang itsura mo , nakakahiya ka.)" Bwisit na sabi ni Yen habang tinititigan ang kanyang kambal na patuloy pa ring nagwawala.
"Here." Sambit ng binata sabay lapag ng pagkain sa mesa.
Tinanggal naman ni Yen ang nakatakip sa bunganga ni Yam.
"Mangan ka or pakanen ka ah?(Kakain ka or papakainin kita?)" Pananakot nya sa kanyang kambal
"Nagtawag ka pa talaga ng iba?!" Asar na sabi ni Yam habang masamang tinitigan si Keene.
"Kumain ka na kung ayaw mong kumain tatakpan ko uli yang bunganga mo." Naiinip na sabi naman ng kanyang kambal.
"Pakyu." Mura ni Yam sakanya .
BINABASA MO ANG
Cold Marriage [ COMPLETED ]
Romance"Ganyan ka ba talaga?Wala ba talaga akong pag-asa?!" - Yam Manon Perez "Once a monster,always a monster. You can't change me for who I am peasant b*tch." - Claud Keene Monesterio