A/N : Yen :D
True Self
Yam's POV :
"So , who's coming tonight?" Tanong ni Keene habang inaayos ang buhok nya.
Kauuwi lang kasi namin galing sa sementeryo.Dito kami dumiretso sa bahay ng parents nya.
" Iris , Yen tapos si Zach." Sagot ko sakanya.
"Hmm , how about Jayson?"Nagtataka nyang tanong.
"Hindi sya pwede may trabaho sya." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Perfect.Come!" Pag- aya nya sa akin naguguluhan ko naman syang sinundan.Nagtungo sya sa may sasakyan at pinaandar .Hindi na ako nagtanong at sumakay nalang ako.
Maya maya pa ay nakarating kami sa pinagtatrabahuan ni Jayson.
"Uhh anong gagawin natin dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
Ngumiti sya sa akin sabay sabing , "We are going to get him."
Agad syang bumaba ng sasakyan.Laking gulat ko nang bigla syang pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat." Nakangiti kong sabi.
Hinawakan naman nya ang kamay ko sabay hila sa akin papasok sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay sumulpot agad si Sena na masamang nakatingin sa akin.Oo nga pala.Nasuntok ko sya.
Akmang lalapitan nya ako nang mapansin nyang may kasama ako.Gulat ang muka nya at bigla nalang umiwas ng tingin sa akin.
Tumingin ako kay Keene at kita ko kung pano nya tignan ng masama si Sena.Kaya pala.
"Yam! " Gulat na sabi ni Jayson sabay lakad palapit sa amin ni Keene.
"Oh?" Tipid kong sagot.
"Rinig ko kay Iris bumalik na ala ala mo?" Tanong nya.
Tumango naman ako habang sya naman ay patuloy lang akong tinitigan na para bang chicheck nya kung may nagbago sa akin.
"Pumayat ka ata." Pag puna nya sabay iwas na ng tingin.
"Oo ,kunti lang naman." Sagot ko sa kanya pabalik.
"Haha ganun ba.Bakit pala kayo napadaan?" Nagtataka nyang tanong.
"Ewan ko din." Naguguluhan kong sabi.
"Come tonight." Biglang singit naman ni Keene.
"Sa karaoke bar? May work ako hanggang 10 pm eh." Malungkot na sagot ni Jayson .
"Kaya nga kami pumunta dito." Sagot naman ni Keene.
"Huh?" Pareho naming tanong ni Jayson.Ang gulo talaga ni Keene.Hindi ko talaga kayang basahin ang tumatakbo sa isip nya.
"You.Come here." Madiin nyang sabi na para pang aso ang kausap nya.
Napalingon naman sa amin si Sena at unti unting lumapit.Hindi sya makatingin ng maayos kay Keene.
"We'll take him out." Simpleng sabi ni Keene.
"A-ah okay." Nauutal naman na sagot ni Sena sa kanya.Para syang maamong tupa ngayon.Nakakapanibago.Bakit kaya sya takot kay Keene.
"Also...." dugtong ni Keene at biglang sumeryoso ang muka nya.
"I want you to apologize to her." Mapang utos nyang sabi kay Sena .
"H-huh?!Gusto mo akong mag sorry sa kanya?!" Sigaw ni Sena kaya napalingon ang mga customer sa amin.
Nagulat din ako sa sinabi ni Keene, pero mukang hindi sya nagbibiro.Kita ko kung gano kaseryoso ang muka nya .
BINABASA MO ANG
Cold Marriage [ COMPLETED ]
Romans"Ganyan ka ba talaga?Wala ba talaga akong pag-asa?!" - Yam Manon Perez "Once a monster,always a monster. You can't change me for who I am peasant b*tch." - Claud Keene Monesterio