Chapter 29 : Proposal

635 8 1
                                    

Proposal 

Yam's POV : 

" Ay bakit hindi nyo sinabing dadaan kayo?" Tanong ni nang sa amin.

Medyo kinakabahan ako .Kasi hindi nya alam yung nangyari sa akin.Hindi pa din nya alam na pilit ang kasal namin ni Keene.Ugh.

Sasabihin ko na lahat sa mga magulang ko.Ayaw ko na talaga ng may tinatago.

"Mangangamusta lang nang." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah ,ay pasok pala!" Pag-aya nya sa amin ni Keene nang mapansin nyang nakatayo pa rin kami sa labas.

"Ni tatang ngay? (Si tatay ?) " Nagtatama kkng tanong nanag mapansin na wala ang papa ko a loob.

"May gusto sana akong aminin sa inyo." Panimula ko habang kumakain kami ng hapunan.

Napatigil naman sila sa pagkain pati si Keene.

"What?" Tanong ni Keene sa akin.Nginitian ko lang naman sya at nagpatuloy magsalita.

"Nang , tang , pilit lang yung kasal namin.Binayaran ako ng mama ni Keene." Panimula ko.Lumunok ako at ready na akong mapalo ng nanay ko pero laking gulat ko nang nagpatuloy lang silang kumain ng tatay ko.

"Haan nak bauten? (Hindi mo ako papaluin?)" Nagtataka kong tanong.

"Apay kayat mo nga bauten ka?(Bakit gusto mong paluin kita?) " Sagot nya pabalik sa akin.

Umiling naman ako.

"Alam na namin.Sinabi ng kambal mo." Simpleng sabi naman ng tatay ko.

Agh.Lintik talaga yung babaeng yun.Sinabi ng wag sabihin eh.Pero at least nakahinga na ako ng maluwag.Hindi na nila kailangang malaman yung pag kidnap at pagkaospital ko.Baka matuluyan na talaga ako.

"Sorry nang! Tang!" Pag hingi ko ng patawad .

"Sorry po." Dugtong din ni Keene na mukang naiilang sa sitwasyon.

"Ano pa magagawa .Wala , ang magalaga masaya kayo sa kung nasan kayo ngayon.Masaya ba kayo?" Seryosong tanong ng tatay ko.

Nagtinginan naman kami ni Keene.Ako masaya ako, pero hindi ko alam kung ganun din ang nararamdaman nya sa akin.

"Opo ." Nakangiti nyang sagot sa tatay ko .

"Mabuti naman." Natutuwa ding sagot ni tatay.

"Ay sya .Kain nalang tayo.Dito ba kayo matutulog?" Tanong ng nanay ko.

"Wen nang." Sagot ko sa kanya.

"We are?" Naguguluhang tanong naman ni Keene.

"Oo , bukas pa tayo babalik kung okay lang sayo?"

"Yes of course!" Pag sang ayon naman nya sa akin.

Natapos kaming kumain at parang ako pa talaga yung na out of place.Pano ang kinakausap lang ng magulang ko ay si Keene.Di man lang nila ako tinabunan ng tingin .Ako din yung pinaghugas nila ng mga pinagkainan.Natapos na akong maghugas at lahat ay di pa rin sila tapos mag-usap.Nagtatawanan pa din sila at mukang hindi nila naalala ang presensya ko.Agh.Bwisit.

Dahil sa bwisit ko ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Yen at inayos na ang hihigaan ni Keene.Tig isa kasi kami ng kama ni Yen.

Hindi ko na hinintay si Keene at nauna ng natulog.Nagising ako at pansin kong hindi nagulo ang hinanda kong higaan para sa kanya.Asan naman kaya yun natulog?

Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko sa may sala si Keene na nagkakape kasama nanaman ang mga magulang ko.Walang hiya.Natulog ba tong mga toh?

"Ayan na yung prinsesang late ang gising." Bungad ng nanay ko.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon