Chapter 7 : Date or Not

5.5K 110 3
                                    

A/N : Sorry po at matagal akong di nakapagupdate! Super busy kasi sa school. Pero Finally!! Summer vacation na namin haha! Sorry talaga!Gayeol forever cute nila noh?joke. Anyways, enjoy!

Date or not

"Wag mo akong dramahan! You f*cking peasant !Wala ka ng naidulot na maganda!" Galit na galit nyang sigaw sakin.

Hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko nalang syang sigaw sigawan ako.Simula nung nagbar kami ,mas lumala ata ang galit nya sakin .Para bang mas lumaki ang kasalanan ko sa kanya.

"Sinabi ko ng plantsahin mo ung suit ko diba?! Alin ba dun ang di mo maintindihan ha?!" Sabay duro sa nuo ko.Napapikit nalang ako .Pag dating sa asawa ko ,hindi ko alam pero humahaba ang pasensya ko.

"Sorry ,nalate ako ng gising." Pagpapaliwanag ko.

"Wala ka talagang kwenta! P*ta!Tumabi ka nga !" Bwisit nyang sabi at tinulak ako sa gilid.

"Keene,l-lalabas ako ngayon." Pagpapaalam ko sa kanya.Tumigil naman syang maglakad at maya maya'y nagsalita.

"Wala akong pake! Kahit di ka na nga bumalik !" Inis nyang sambit at umakyat sa kwarto nya.

Napabuntong hininga nalang ako.Tanga mo talaga Yam.Nag effort ka pang magpaalam alam mo namang wala syang pake.

Nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis ,ilang buwan na rin pala simula nung huli akong nagsimba.

Ang huling beses atang pagpunta ko ng simbahan ay nung may sakit pa si nanay.

Hindi naman kasi kami kinasal ni Keene sa simabahan.Simpleng garden wedding lang ang naganap.

Binuksan ko na ang pinto at akmang lalabas nang biglang sumulpot si Keene at muli akong hinila papasok sa kwarto ko.

Muka syang natataranta na ewan.

"F*ck this!" Mura nya at nagsimulang hakutin ang mga damit ko sa cabinet.

"Keene! Anong ginagawa mo?!" Taka kong tanong at akma syang pipigilan.

"Go pack your things and bring it inside my room! " utos nya kaya naman ay napatahimik ako.Anonh meron?

"Move peasant!" Muli nyang utos.Wala na akong nagawa at tinulungan nalang syang ilipat ang mga gamit ko sa kwarto nya.

Maya maya pa ay biglang may nagdoorbell.Napatigil sya sandali at napamura.

"Sh*t"

Akamang aalis ako at bubuksan ang pinto nang bigla nya akong higitin pabalik.

"Umayos ka, si mama yan." Bulong nya sabay hawak sa kamay ko at sabay kaming bumaba upang pagbuksan ng gate si tita.

"T-tita." Gulat kong sambit,pano ba naman medyo kalat ang make-up nya at naiyak pa.

"Oh my god! *sob " nahihirapan nyang sabi.

"Ma!Ano nanaman?" Walang ganang tanong ng asawa ko.

"Tell your dad im not going home!" Inis na sambit ni tita sabay punas sa luha nya.

Nanlaki naman ang mata ko ng mapansin kong may mga dala dala syang bag....Ibig sabihin dito sya magpapalipas ng sama ng loob.

"Tss.Ilang beses mo ng sinabi yan."

"This time ,I'm serious son! I'm staying here!Ok lang naman diba iha?" Paglalambing nya sakin.

Ngumiti naman ako at tumango.

Pumasok na kaming tatlo sa loob ,habang di pa rin binibitawan ni Keene ang kamay ko.

Gusto ko ng bawiin dahil nahihiya ako.Feeling ko kasi namamawis na ang palad ko ,nakakahiya naman sa kanya.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon