Chapter 20 : Alone

815 18 3
                                    

Third Person's POV

Hindi namalayan ng dalaga na napadpad na pala sya sa appartment ng kanyang kaibigan na si Jayson.

"Yam?" Takang tanong ng binata habang kinukusot kusot ang kanyang mata.

"Yam okay ka lang?" Alala nyang tanong .

"Pwedeng makitulog?" Tanong ng babae sa kanyang matalik na kaibigan.

"Bakit?!Anong nangyari??" Nagtatakang tanong nya.

Hindi ito pinansin ni Yam at pumasok nalang sya sa loob.

"Yam...may nangyari nanaman ba sa inyo ng asawa mo?" Pangungulit nya sa kanyang kaibigan.

"Magdidivorce na kami." Kalmadong sagot ng dalaga sabay diretso sa kusina ng kanyang kaibigan at kumuha ng isang baso ng tubig.

"Ahh..magdidiv-- teka ano?! Divorce?!" Gulat na tanong ni Jayson.

Tumango ang dalaga sabay inom sa baso na hawak nya.

"Hindi ka nagbibiro?"

"Hindi." Sagot ni Yam at nagtungo sa sala.

"Pagod ako Jayson.Gusto ko munang magpahinga." Kalmado nyang sabi.

Hindi naman nagreklamo ang binata at binigyan nalang ng kumot at unan ang kanyang kaibigan.

"Ito toothbrush tsaka shirt ko.Magpalit ka muna." Sambit ni Jayson sabay abot ng isang toothbrush kay Yam at isang malaking itim na t-shirt.

Dumiretso naman agad ang dalaga sa banyo upang maglinis ng katawan.Matapos syang magbabad sa banyo ay agad na syang nahiga sa sofa at pinilit ang sariling matulog.

Nagising ang dalaga nang marinig nya ang pag balibag ng pinto at ang boses ng dalawa nyang kaibigan.

"Iris ano ba ,natutulog pa nga si Yam!" Suway ng binata.

"Yam!!! Ano nanaman nangyari sa inyo ng asawa mo?!Sinaktan ka nanaman ba nya?!" Dire diretsong tanong ng dalaga.

Pumikit pikit muna si Yam bago ito tumayo sa pagkakahiga.

"Ang aga aga pa .Bakit ka andito?"Malamig nyang tanong sa kanyang kaibigan.

Umarte naman na parang nasasaktan si Iris at sumimangot.

"Concern lang naman ak--teka nga ! ANO YANG NASA LEEG MO?!" Gulat na tanong ng kanyang kaibigan.

Kumunot naman ang nuo ni Yam sabay punta sa loob ng banyo upang tignan ang kanyang sarili sa harap ng salamin.

Sumunod ang dalawa nyang kaibigan at tinitigang mabuti ang hickey sa leeg ng dalaga.

"Walang hiya gumawa pa ata kayo ng milagro bago kayu nagtalo." Di makapaniwalang sambit ni Iris.

"Nakikita mo toh?" Seryosong tanong ng dalaga sabay pinakita ang kanyang kamao.

"Oo , kamay mo.Bakit?" Nagtatakang tanong ng kanyang kaibigan.

"Tatahimik ka or patatahimikin kita." Pananakot ni Yam. Agad namang nagtago sa likod ni Jayson si Iris.

"Biro lang toh naman! Ano nga kwento na ano nangyari?!" Pangungulit ni Iris.

"Yam, magbihis ka na dun ako na bahala dito." Sambit naman ni Jayson.

Naglakad na patungong banyo ang dalaga ngunit patuloy pa rin sa pagsasalita si Iris.

"Gago ka talaga ,masama magtanong?" Inis na tanong ni Iris kay Jayson .

"Kita mo ng wala sa mood yung tao, tsaka ka na magtanong." Pailing iling na sabi ng binata.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon