Chapter 19 : Beach

1.3K 41 13
                                    

Beach

Yam's POV

"Hoy masusunog na yang iniihaw mo friend!" Agad naman akong napatingin sa karne at agad itong binaliktad.

"May problema ba?" Takang tanong ni Iris.

"Wala." Simple kong sagot.

"Ay sus huwag mo nga akong lokohin.Kanina ka pa kaya tulala dyan."

"Wala nga sabi.Kulit mo talaga." Nilagay ko sa plato yung karne sabay lapag neto sa lamesa.

"Wow Yam anong ginawa mo dyan?" Pang-aasar ni Nico.Lumapit na rin si Liam at agad na sinubo yung sunog na karne.

"Masarap pa rin basta gawa ni Yam." Sambit nya sabay kindat ,ngunit maya maya pa ay biglang umasim ang muka nya.Sira ulo talaga.

"Huwag mo kasing kainin , kita mong sunog." Akmang pupuntahan ko na uli si Iris nang biglang dumating ang asawa ko.Ni hindi nya ako tinabunan ng tingin.Diretso lang sya sa kinaroroonan nila Liam.

"Ayun naman pala.No pansin si hubby." Biglang sulpot ni Iris.

Binatukan ko naman sya.Pasalamat sya buntis sya.Kundi baka mas malakas pa ang ginawa ko.

"Joke lang gaga!Ikain nalang natin yan.Halika na!" Sabay hila nya sa akin pabalik sa hapag kainan.

Hindi ko namalayan na andun na rin pala si ate Kelly at naka swim suit na pala sya.Kami lang ata ni Iris ang naka T-shirt at shorts dito.

Natapos kaming kumain ng tanghalian ,ngunit talagang hindi ako pinansin ni Keene.Hindi ko alam kung dahil pa rin ba kay  Zach kaya sya nagkakaganyan.

"Guys let's play volleyball!!!" Masiglang sambit ni Nico.

"Sure!Ang matalo ,sila magpreprepare ng dinner ."Sagot naman ng gaga.

"Hmm Iris are you...sure?" Nanghihinayang na tanong ni Nico sabay tingin sa tyan ni Iris na medyo halata na ang umbok.

"Oo naman! Kaya ko toh! MVP ata ako nung high school!"Pag yayabang nya.

"Stupid.You will kill our child." Inis na sambit ni Liam.

"Mas may alam ka pa kesa sa akin?!  Sabi kong okay lang ako eh!"

"Okok Liam just let her play.Baka mag talo nanaman kayong dalawa." Singit ni ate Kelly.

"Okay good.Yam? Keene? Sali ba kayo?" Tanong ni Nico sa amin.

Tumango naman ako.

Hindi nagsalita ang asawa ko,tumayo lang sya at mukang naghihintay kung ano ang susunod na gagawin.

"Okay so lets start making the tea--" naputol ang sasabihin ni Nico nang bigla nanamang sumulpot ang lintek kong boss.

"YAM!!!" Sigaw nito sabay takbo papalapit sa amin.

Napapikit nalang ako ng madiin sabay pilit na ngumiti sa kanya.

Kung mamalasin nga naman ako oh.Mas lalo akong di papansinin ni Keene neto.

"Yam! So nice to see you here."nakangiti nitong sabi nang makalapit na sya sa amin.

Tumango nalang ako at medyo lumayo sa kanya.Ang lapit kasi nya eh.

"*cough Bro , baka gusto mo pa sumali sa amin?" Alok ni Liam sabay tingin ng nakakaloko kay Keene.Ang sarap lang suntukin ng pagmumuka ng loko.

"Really?! Sige ba!"

Tinignan ko si Liam ng masama ,pero kumindat lang ito sa akin.

"Okay so prepared ako ,pasalamat kayo." Nakangiting sambit ni Nico sabay labas ng isang container.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon