Chapter 8: St. Peter!?

47 0 0
                                    

Gail's POV

"Hello?!" Puchang Jessilyn naman oh! Hindi marunong sumagot sa tawag!

[.....]

"Hoy Jessilyn! Sagutin mo na ang tawag dali!" Nagpapadyak na ako sa gate ng school namin. Ikukwento ko lang naman sana yung nangyari kanina. Pero tignan mo nga naman ang mahal kong bestpren. Hmph!

Ng hindi niya pa rin sinagot, naubos na ang pasensiya ko. Muntik ko ng ihagis ang cellphone ko sa kalye! She's annoying!

***

Umuwi na ako sa bahay. Dire-diretso akong umakyat sa hagdan. Nakita naman siguro ni Ate na bad mood ako kaya hindi na niya ako pinansin. Baka ano pa ang masagot ko sa kanya 'pag nagkataon.

Ng makaakyat na ako sa hagdan, kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan siya.

"Hello?"

[ Bessy. Nagalit ka ba kanina? ]

Wow. Ngayon pala may plano na siyang sumagot ha!

"Ay hindi. Nasiyahan nga ako eh. Ang haba-haba nga ng pasensiya ko Bessy! Muntik ko ng matapon ang cellphone ko sa highway! Grabe. Ulitin mo pa yun ha? Para ipafiring-squad na agad kita bukas." Insert sarcasm here.

[ Sorry Bessy ha? Gusto ko lang kasing marinig kung paano ka nagagalit. Namiss ko na yun! Hihihi. ]

=_=

"Gusto mong hindi mapansin ng 1 year?" Seryoso kong sabi. Pero hindi ko naman siya kayang pansinin ng ganun katagal.

[ Bessy naman. Sorry na! Ikaw lang naman ang best best bestfriend ko eh! ]

Napangiti naman ako. Hays. Basta bestpren mo talaga hindi mo matitiis.

[ Bessy. Iiyak ako dito! Sige ka! ]

"Uy wag na. Accept ko na ang sorry mo bruha."

[ Yey! Sige ano na yung ikukwento mo? ]

Bigla naman akong nakilig ng maalala ko yung nangyari sa garden. Waaaah!

"Bessy! Ito kasi yun-"

*End call*

What. The!

Bakit naputol?!

Nakareceive agad ako ng message na wala na daw akong load.

=_= Enseye.

Padabog akong pumasok sa kwarto. Nilagay ko yung bag ko sa gilid at nagbihis.

Paglabas ko ay may na sense akong parang mali. Napatingin ako sa balahibo ko at nakita kong naninindig ang mga ito. Something's different.

Napansin kong unti-unting nagiging foggy yung kwarto.

O-kay? What's happening?

Clyde's POV

"Are you serious?" Ang babaeng yan ang makakatulong sa'ken? Is this oldie joking?

"I'm dead serious." Nakangiti niyang sabi. Napatingin ulit ako sa babae na nag-aaral na sa ngayon. Hindi niya man lang ba nakita ang nagkakalat na libro sa sahig? Ang magulo niyang kama at ang mga damit niya sa couch? Halata namang masipag siya no?

"Clyde, is that clear?" I look at this oldie.

"Say what?" I look boredly at him.

"Ang kulit mo talagang bata ka ano? Ang sabi ko kanina, kailangan mo siya para sa misyon mo at..." he look at his watch then to me again.

"At ano?" Tanong ko. Pa-thrill pa ang matandang to eh.

"Tsk. May gagawin pa pala ako ngayon. Sa susunod ko na lang sasabihin sa'yo yung mga rules ng multo."

"Rules? Kelangan pa 'yun? May kailangan ba akong patayin!?" The hell! Multo na nga ako tapos mamatay pa ng tao? Ano ang parusa ko nun!? Double dead ganun?

"Huwag ka ngang OA mag-react Clyde. Mukha kang bakla eh. Ang mga rules na yan ay kelangan para maaccomplished mo agad ang misyon mo within the said deadline. Dahil kapag pumalpak ka... Impyerno ang bagsak mo." I look at him weirdly. Bakit ba ang daming alam ng matandang 'to? Umiling na lang ako at nagshrugged.

"So, I'll be going Clyde." Ngumiti siya at nagsalute sa'ken.

"Teka, saan ka naman pupunta?" Tanong ko.

"Somewhere out there." He laughed. Okay. Whatever. Then nagflash sa utak ko na hindi ko pa pala kilala ang matandang 'to. Magaling lang magdaldal eh.

"Wait! I didn't even know you!" Napalingon naman siya at ngumiti.

"Oh? So may balak ka pa palang kilalanin ako?" He smirked.

"Psh. Just say your name dork."

"Well, Clyde.. People prefer to call me St. Peter. But I prefer you to call me bro Pete." he winked then fade after seconds.

My jaws fell open.

S-St. P-peter?

What. The. Hell.

When He Came in my Life (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon