Gail's POV
"HAPPY BIRTHDAY ABIGAIL!!"
Sa sobrang gulat ay nahulog ako sa kama.
"Aray!"
"Kita niyo ang ginawa niyo sa birthday girl?!" pinagalitan ni Mama sina Ate at Papa.
"Eh di, Sorry!" sabay pa nilang sabi.
"(yawn) Ang aga-aga naman po ng sorpresa niyo."
"Siyempre para sa'yo." Papa
"Sige bihis ka na Gail." Ate
Hi, I'm Abigail Grace Fernandez. Grade 9 student na po ako at ngayon nga ang 15th birthday. Heehee.
Agad naman akong nagshower at nagbihis. Ng bumaba na ako sa sala, bigla na lang akong nahilo. Kaya napasandal ako bigla sa pader.
"Honey, okay ka lang?" hindi ko masyado maaninag ang mukha ng nagsalita pero sa boses niya, si Mama 'to malamang.
Ugh! Napahawak ako sa ulo ko dahil parang masusuka ako.
"Gail!—"
Bigla na lang akong napaupo sa sahig at bigla na lang dumilim.
Pagdilat ko, nasa loob na ako ng kwarto ko at nakita ko agad ang nag-aalalang pagmumukha nina Ate at Mama.
"Gail, anong nangyari sa'yo? May sakit ka ba?" Ate
"Oo nga anak. Bigla ka na lang hinimatay kanina. Kaya tumawag agad kami ng doctor." Mama
"A-ano?! Okay lang—"
Naputol na lang ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.
"Nandito na ang doctor." Papa
Si Papa at ang doctor pala ang pumasok.
"Siya ba ang pasyente?" tanong ni doc. Tumango naman si Mama.
Nilapitan agad ako ni Doc at chineck-up.
"Anong kalagayan niya doc? May sakit ba siya? Malubha na ba? May magagawa pa kayo diba?" kinakabahan na tanong ni Mama.
Aish. Maka-acting parang mamamatay na ako.
"Ma, kumalma lang kayo."
"Okay lang naman po siya." Mabilis na sabi ng doctor at pagkatapos nun ay lumabas na agad siya na para bang nagmamadali.
"Ay, ano yun? Hindi man lang nagreseta ng gamot." Mama
"Pabayaan mo na siya Mama. Okay lang naman po ako." I gave Mom an encouraging smile.
"Are you sure Honey?"may tunong pag-aalala pa rin si Mama.
"Yes Ma."
Mom just smiled at me. Ng mapatingin ako sa nakabukas na pinto, nanindig bigla ang mga balahibo ko ng makita ko ang isang silhouette ng isang matangkad na lalaki. Kaso, nakatalikod siya at aakmang aalis na kaya hindi ko nakita kung sino yun.
Maya-maya pa ay bigla na lang umihip ang malamig na hangin at bigla na lang naglaho yung lalaki. A-ang lamig. Napayakap ako bigla sa sarili ko.
"Gail, talagang okay ka lang? Namumutla ka na oh." Ate
"W-wala po Ate. Nilalamig lang po ako." Ngumiti agad ako sa kanya.
"Sigurado ka ha? Teka at liligpitin ko lang yung sala. Tara Ma. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha?" At umalis na sila ni Mama. Bago pa sila umalis, hinalikan pa ako ni Mama sa noo.
Ng makaalis na sila, napatingin ulit ako sa nakabukas na pinto.
'Sino kaya yun?'
-Next Day-
BINABASA MO ANG
When He Came in my Life (On-hold)
Teen FictionDiba kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kahit ano pa ang hitsura niya. Panget man siya o maganda basta ang importante, mahal mo siya. Eh, paano kung MULTO ang makakapaibig sa'yo? Matatanggap mo kaya? Hello guys! Ito po ang una kong nag...