Gail's POV
Gumising ako ng maaga para pumasok. Mahirap na baka kung malate pa ako.
Pagkatapos ko gawin yung daily rituals ko, naglakad na ako papunta sa school. Ewan ko nga dun kay Jessilyn. Hiindi na nagpaparamdam eh.
Pagkadating ko sa Hamilton Academy, ay nakadapa pa ako sa hallway kaya todo bulungan at tawanan na naman ang narinig ko. psh. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na lang sa classroom.
"Oww!" ungol ko bigla the moment na umupo ako sa armchair ko. Ang sakit ng paa ko. Tinignan ko yung humahapdi na parte nun at nakita kong dumudugo na yung sugat dun. Pinataas ko yun at nakita kong ang laki pala ng sugat. =_= Hindi ko nga alam kung anong nakasugat dito eh. Pero gasgas lang naman yun.
Paano na 'to? Ang hapdi. Inihipan ko lang yung sugat ko habang nanginginig pa yung kamay ko. Sorry, takot kasi ako sa dugo.
"How pathetic." Napaayos agad ako ngupo ng marinig ko ang boses ni Monica. Hala. Wala pa si Bessy. Wala pa akong tagapagtanggol.
"Alam mo, ang clumsy mo na nga, sipsip ka pa sa teacher." Nakasmirk niyang sabi kaya napayuko na lang ako. Sorry naman kung hindi ko kayang maipagtanggol yung sarili ko. Hindi kasi ako nasanay sa pag-aaway eh.
"Kita mo, hindi ka nagsasalita dahil totoo ang mga sinasabi ko. Mabuti pa kung tigilan mo na ang sipsip mo kay Ma'am Austin. Alam mo namang buntis siya diba? Baka kung maging katulad mo pa yung baby niya. Maging MALANDI din yung anak niya katulad mo. Kawawa naman si Ma'am." Napahinga ako ng malalim sa mga pinagsasabi niya tungkol sa akin na hindi naman totoo. Bakit ba ganyan siya? May kasalanan ba ako sa kanya?
Ng kumisap ako, saktong tumulo din yung luha ko. Sige, ako na ang weakling.
"Aww. Tignan niyo oh. Umiyak yung loser natin dito." Tapos tawanan na naman. Nagsasawa na ba sila sa buhay nila kaya sila ganyan?
Lihim kong tinignan yung relo ko at nakita kong may 20 mins. before time pa. Kaya pwede pa akong magwalk-out. Di ko na kasi kaya.
"Wait, saan ka pupunta?!" narinig kong sigaw ni Monica pero pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.
"Akala mo makakatakas ka?! You freak!!" bigla niya na lang akong hinablot sa braso kaya napangiwi naman ako sa sakit.
"Walk out Queen ganun?! Ahaha! Sorry! Hindi bagay sa'yo! Eto ang bagay sa'yo loser!" hinila niya agad ang buhok ko kaya napahampas ako sa braso niya.
"Ouch! The actual f*ck?!" napabitaw siya sa'ken at nakita kong namula yung hinampas ko. Pati nga yung kamay ko namaga eh.
"Sor-" pinutol niya agad ako.
"SORRY!? ARE YOU SERIOUS?! ANG SAKIT NG HINAMPAS MO OH!!" sigaw niya sa mukha ko. Umaligid naman yung mga classmates namin at iba pang mga ususera't ususero.
"Hindi ko naman yun sinadya eh." Mahina kong sabi.
"HINDI SINADYA?! EH, ANO YUN?! INVOLUNTARY MOVEMENT GANUN?! 'DI KO NGA ALAM KUNG PAANO KA NAGING VALEDICTORIAN LAST YEAR EH ANG BOBA MO!" marami na ang nagbubulunga sa paligid namin pero wala akong pakealam.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Di ko na kaya ang pinagsasabi niya sa'ken. Sa buong buhay ko, siya lang ang nakapagsabi sa akin ng ganun. Ang sakit kahit hindi naman totoo. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.
"Kapag ba sinabing valedictorian alam na niya ang lahat? Walang perpektong tao Monica." I smiled in front of her.
"Di ko nga alam ang dahilan kung bakit mo ako binubully eh. Wala naman akong kasalanan sa'yo diba? Pero grabe ka makapagsabi ng MALANDI, SIPSIP, BOBA at LOSER sa akin. Gusto mo sabihan din kita ng ganun? Para naman malaman mo kung gaano kasarap." Pinunasan ko pa yung luha ko sa harap niya.
BINABASA MO ANG
When He Came in my Life (On-hold)
Teen FictionDiba kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kahit ano pa ang hitsura niya. Panget man siya o maganda basta ang importante, mahal mo siya. Eh, paano kung MULTO ang makakapaibig sa'yo? Matatanggap mo kaya? Hello guys! Ito po ang una kong nag...