Chapter 10

35 2 0
                                    


Napabangon ako bigla at napahawak sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko pa ang lakas ng kalabog ng puso ko.

Then realization hit me.

Panaginip lang pala yun. Tinignan ko yung study desk ko malapit sa bintana. The coast is clear. Walang lalaking nakaupo dun.

Just a dream.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at bumuntong-hininga. Bakit ba kung ano-ano na ang napapanaginipan ko?

Nagsimula lang naman ang lahat ng dumating ang third eye kong 'to. Ang malas.

Napatingin ako sa bedside table at 4:00 am pa lang pala. Mukhang nasasanay na akong maaga kung gumising ah. Hindi pa kasi umuuwi sina Mama. Baka hindi na nga yun uuwi dito. Eh di magiging independent kami ni Ate niyan.

Dumiretso na ako sa banyo para makabihis na. Alam kong ang aga pa pero gusto kong ako ang gagawa ng mga gawaing bahay ngayon bago pumunta sa school. Pagod pa kasi si Ate eh.

Ng matapos na akong magbihis, dumiretso ako sa kusina para magluto ng scrambled eggs at noodles. Just a simple breakfast right?

Sige lang ang paghintay ko sa noodles ng maalala ko yung panaginip ko.

The boy. Bakit ba kailangan niya talaga ng tulong ko? Hindi ko siya kilala with his personality at ang alam ko lang ay tanging ang pangalan lang niya.

Okay. I conclude that it's a weird dream. Bunga lang siguro yun ng pagod ko kaya kung ano-ano na ang naiisip ko.

Tinapos ko na ang gawain ko at nagpaalam kay Ate na bagong gising lang.

ו×

Nakarating ako sa school at sinalubong ako ng isang walang katao-taong classroom. Expected na naman ang scenario na 'to eh. Kaya okay lang.

Kinuha ko yung broom at saka nagwalis sa classroom.

Napatigil ako sa pagdustpan ng alikabok ng may marinig akong isang matinis na boses babae.

Ewan ko ba basta bigla na lang akong nagpanic.

Wala sa sarili akong napatakbo palabas at sinundan ko kung saan nanggagaling yung sigaw. The girl must be in danger.

Tumatakbo lang ako at hindi ko alam kung saan ako pumupunta. Paa ko lang mismo ang gumagabay sa'ken sa pagtakbo.

Nakarating ako sa isang empty hall sa likod ng building. Ewan ko pero parang bigla na lang akong kinabahan. I flinched when I feel a sudden pain from my wrist.

And again, narinig ko na naman ang tili. But this time, napakalapit na nito. Napalingon ako...

"Shit." Napatakip ako sa bibig ko at napaatras ng makita ko ang babaeng minomolestiya sa harapan ko pa mismo.

Pinipilit ng rapist na gamitin ang babae pero nagpupumiglas ito. I think the girl is in her 20's. At ang lalaki naman, hindi ko makilala dahil nakatalikod siya sa direksiyon ko at mukhang hindi niya ako nakita.

Oh god! Parang iiyak ako sa nakikita ko. The girl seem to notice me and she began to beg. Puno na ng dugo ang daster niyang puti at ang mukha niya.

I try to move pero parang napako lang ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako makagalaw.

"Damn!" I cursed again. I hate myself! Wala man lang akong magagawa!

Napayuko na lang ako.


Ayokong makita ang harrassment na nangyayari sa harapan ko. Hindi ko gusto makita ang mga mata ng babaeng nagmamakaawa sa akin.

Ano ba ang magagawa ko!? Galit kong nakuyom ang mga palad ko. Eto ang hindi ko gusto eh. Yung wala man lang akong magagawa.

Narinig ko ang hagulgol ng babae kasabay ng pagsampal at pagbugbog sa kanya ng lalaki.

"How dare you to hurt her in this school!?" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako dahil sa sobrang galit.

Pero hindi pa rin ako makatingin sa kanila.

Naramdaman kong lumingon sa direksiyon ko ang lalaki at mahinang iyak na lang ng babae ang naririnig ko.

"Please... please.." I heard the girl sob and beg.

Tapos nakita ko na lang ang sarili kong sinasakal na ng lalaki.

"Acckk!!" Nagpumiglas ako at pilit kong tinatanggal ang malalaking daliri nung lalaki. Shit! Hindi na ako makahinga!

"Tumakbo... ka na... Miss!!" Pinilit kong makasabi kahit hinahabol ko na lang ang hininga ko.

Biglang humigpit ang pagsasakal sa akin nung lalaki kaya napapikit ako habang unti-unti na akong umaangat sa ere.

Pero laki talaga ang pagkabigla ko ng biglang lumuwag ang pagsakal sa'ken nung lalaki at bigla na lang siyang nawalan ng malay.

Napadilat ako at napahawak sa leeg ko. Huminga ako ng malalim at hinanap ko agad kung sino ang nagpatumba sa malaking lalaking yun.

Napangiti ako kahit hingal na hingal pa ako.

Yung babae kasi kanina ang humampas sa ulo ng lalaki gamit ang malaking kahoy.

"Thank you ah." Hingal na hingal ko pa ring sabi. Ngumiti lang siya sa'ken.

Napapikit ako ng dahan-dahan niya akong hinaplos sa mukha at naramdaman kong unti-unting nakukuha ang pagsikip ng dibdib ko.

Maya-maya pa ay nawala na ang pagkapos ng hininga ko.

"I'm Abigail." Dumilat ako at ngumiti sa kanya sabay lahad ng kamay.

Tinignan niya ang kamay ko at saka ngumiti na naman.

"Ikaw ano'ng pangalan mo?"

Tumingin lang siya sa'ken at napakainosente ng mukha niya.

Ah.. alam ko na. Hindi niya ako maintindihan. -_-

"You? What's your name?" Todo ngiti kong sabi habang nakalahad pa rin ang kanang kamay ko.

Pero biglang nawala ang ngiti ko at binalutan agad ako ng takot ng ngumiti siya at magpakilala.

"Slenderina. Thanks for saving me. Abigail."


A/N: OMO! Pati si Slendrina na feature na sa story!! XD Haha. Okay lang. Tutal maganda naman siya at sexy! (Check it out sa multimedia.) Nainlove nga ako sa kanya eh! Hehe Jowk! Geh, pakifollow nga pala ako sa twitter ha. Bagong gawa lang kasi eh. ∩__∩

@thatsilhouette

Thank you! Lovelots readers! (*^﹏^*)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When He Came in my Life (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon