Chapter 7: The mysterious Oldie

232 4 0
                                    

Gail's POV

Nagshake hands kami ni Enrico at nag-usap ng mga bagay-bagay tungkol sa life namin. Maya-maya pa ay nagbell na at pumasok na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Ako naman ay nagpaalam na kay Enrico at pumasok na sa classroom habang kinikilig pa. Shit! Dream come true na ba 'to?!

Clyde's POV

Totoo bang nakita talaga ako ng babaeng yun? I shook my head for the nth time. Bakit ko ba siya iniisip? Ni hindi ko nga alam kung kilala ako ng babaeng yun. Tsk.

Naglakad-lakad ako sa park ng maisipan kong puntahan ang bahay ng babaeng yun. Ewan ko ba basta parang may tumulak sa'ken na pumunta ulit dun. Nagteleport na lang ulit ako dun at halos lumuwa yung mga mata ko ng pinasok ko ang kwarto niya. Babae ba talaga yun?! Parang nagkamali lang ako ng pasok eh. Bodega siguro nila ang napasukan ko. Sobrang gulo eh. =_=

Pumasok pa ako at napakamot na lang ako sa ulo. Aantayin ko pa ba siya? Nakita ko ang study desk niya. Mukhang yun lang siguro ang malinis na parte ng kwarto niya. Umupo ako dun at nangalumbaba. Hays. Ang hirap ng buhay kapag multo ka na. Wala kang makakausap at walang makakakita sa'yo, pero maliban lang sa babaeng yun.

Ano bang powers ang meron yun? Grabe. Nagfaflashback pa yung pangyayaring nakita niya ako sa paanan nung hagdan nila. Tsk.

Napatingin ako sa labas ng window. Gagabi na ah, pero wala pa rin yung babae.

I stare at the moon and whisper...

Lord, makasalanan na ba talaga ako? Bakit mo ako kinuha agad?

Naramdaman kong bumibigat na naman ang pakiramdam ko. F*ck!

Sinapo ng dalawa kong kamay ang ulo ko. Shit! Namimiss ko na siya. Alam niya kaya ang nangyari sa'ken?

Clyde, hindi ibig sabihin na kung naging multo ka na, makasalanan ka na agad. And remember that you're not dead after all. You're half dead. May mission ka lang na tutuklasin at tatapusin.

Napaangat ang ulo ko sa narinig.

"The heck!?" muntik na akong mahulog sa silya ng makita ko ang matandang lalaki sa harap ko.

"Who the hell are you?!" napailing lang siya sa'ken.

"I'm you're guide Clyde." I frowned. Guide for what?

"Paano mo ako nakikita?" I asked him.

"Ginamit ko ang mga mata ko siyempre. Alangan namang makikita kita gamit ang butas ng ilong ko diba?" Okay. Siya na ang pilosopo.

"Sino ka ba talaga?!" Ugh! This oldie is pissing me off!

"Alam, mo Clyde---"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko!?"

"Patapusin mo munang magsalita ang matanda Clyde." He said with a tone of warning. I shrugged.

"Alam mo, may mission ka pang tatapusin. At ang mission na yan ay ang makakatulong sa'yo na makapasok sa kaharian ng Diyos." Mission? Ano na naman ang mission na yan?

"Ano na naman ba ang mission na yan?" I asked him.

"Ewan ko. Ikaw dapat ang makakaalam niyan dahil ikaw ang gagawa nun."

"What!?" Wow. Just unfair. =_=

"Uulitin ko pa ba?" Psh. Pilosopong matanda.

"Don't worry too much Clyde. Mahaba pa ang panahon mo. May 4 months and... 26 days ka pa para maaccomplished mo ang mission." He winked. What the frick is this!? Parang torture na 'to ah.

"And before I forgot," napatingin naman ako sa kanya. He's wiggling his eyebrows at me.

"May tutulong pala sa'yo. Alam mo kung sino?" I look at him with bored look. Uso ba ang suspense ngayon?

"She is..." biglang bumukas at pinto at pumasok yung babae.

"That girl."

Blue Note: Uy. Hello sa mga readers ko kung meron pang natira. Hahaha. Sorry talaga kung matagal na akong hindi naka-ud ha? May mga bagay pa kasi akong dapat i-priority. Sana po maunawaan niyo si Otor. Basta po kung matapos ko na 'tong i-edit, tatapusin ko talaga 'to hanggang ending. ^_^

Thank you po sa pagbasa!

When He Came in my Life (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon