Gail's POV
The days went by so fast. Ngayon? First day of school na. At yun na nga. Gumagawa na ako ngayon ng daily rituals kapag school days. Ang hirap pala kung may third eye ang isang tao. Marami kang makikita na hindi mo hinahangad na makikita mo pala. Noong nakaraang araw nga, yung nakita kong lalaki sa pinto ay Lolo ko pala. Psh. Pero nakaraan na yun. Huwag na nating isipin dahil kinikilabutan ako!
Nagsusuklay na ako sa harap ng mirror ng biglang nagvibrate at nagring yung cellphone ko.
"Hello. Abigail speaking."
[ Hello Bessy! Sabay tayong pumasok ha? ]
Napangiti naman ako ng marinig ko ang excited na boses ni Jessilyn.
"Sige, sige. Pumunta ka na lang dito."
[ Pupunta pa ba ako? Nandito na nga ako sa living room niyo eh! Bumaba ka na nga diyan! ]
At narinig ko kaagad siyang humagikhik. Kumaripas ako ng takbo papunta sa living room habang nasa tenga ko pa yung phone.
At nakita ko nga siyang komportableng nakaupo sa isang sofa namin sa sala.
"BESSY!!" pinatay ko agad yung tawag at tumakbo papalapit sa kanya.
"BESSY KO!!" sigaw din niya bago ko siya dinamba sa sofa.
Everyone, this is Jessilyn Marie Morales. Ang best among the best bestfriend ko.
"I miss you Bessy!" sigaw ko habang pinipisil ko yung magkabilang pisngi niya kaya napa-aray siya.
"I miss you too Bessy! Gaga, bakit gumanda ka?" tinulak niya agad ako patayo sa sofa at tumayo na rin siya habang sinusuri ako.
"Ganyan talaga ako. Laging gumaganda. Ikaw nga rin eh. Gumaganda ka rin." At kumindat pa ako sa kanya. Sus! Namula naman ang bruha!
"Ano ba yan Bessy! Kinikilig ako sa'yo eh! Don't state the obvious kasi." Maiya-hiya niyang sabi.
"Obvious ba? Mukhang hindi naman eh." Pambabara ko. Napatawa naman ako ng bigla siyang sumimangot.
"Uy joke lang yun. Siyempre, obvious na obvious." Hinaplos ko pa yung buhok niyang mahaba.
"Gail! Ready na yung breakfast mo!" narinig kong tawag ni Ate mula sa kusina.
"Coming na po! Bess, tara samahan mo akong magbreakfast." Kinaladkad ko siya papunta sa dining room namin. Pinaupo ko siya sa harap ko para makatitigan kami ng maayos.
"Sorry nakakain na ako sa bahay Bess." Sabi niya sabay upo sa harap ko.
"Nagsabi ba akong kumain ka? Nagpasama lang naman ako." Pasimple kong bara sa kanya. Lihim lang akong natawa ng nagshrugged lang siya.
Sinimulan ko na ang pagkain ng bigla siyang nagtanong.
"Bess, balita ko nagkasakit ka daw?" tanong niya habang kumukuha ng butterscotch sa ref.
"Ah.. oo." Napatingin agad ako sa wrist ko. Sasabihin ko ba sa kanyang may third eye ako? Alam ko namang maaasahan siya sa lahat ng bagay kaso ang problema lang, MADALDAL siya at OA. Baka kung madulas siya at masabi niya sa ibang tao.
Tsk. Sa tamang panahon Bess, malalaman mo din.
"Ano naman ang sakit mo Bess? Bakit hindi mo agad ako tinext? Para naman sinamahan kita dito. Tsk." Pailing-iling niyang sabi habang kumukuha ng panibagong butterscotch sa ref.
"Ang bilis mo namang kumain." I said while changing topic.
"Oo naman. Ikaw lang naman kasi ang slow-eater." At nagrolled eyes pa siya.
BINABASA MO ANG
When He Came in my Life (On-hold)
Teen FictionDiba kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kahit ano pa ang hitsura niya. Panget man siya o maganda basta ang importante, mahal mo siya. Eh, paano kung MULTO ang makakapaibig sa'yo? Matatanggap mo kaya? Hello guys! Ito po ang una kong nag...