Chapter 4: Stranger

198 7 1
                                    

Gail's POv

"And that's it. Class dismissed." Pagkasabi nun ng adviser namin ay mabilis pa sa alas kwatro ang mga classmates kong nagsilabasan. Grabe. Hindi na pala uso ngayon ang 'Goodbye Ma'am'. Tapos first day of school pa lang pero naglesson na kami kanina. Tsk. Tsk. Ganyan talaga kung nasa higher level ka na.

"Ms. Fernandez." Nagliligpit na ako ng gamit ko ng tinawag ako ni Ma'am Austin, yung adviser namin.

"Yes Ma'am? May I help you?" nakangiti ko siyang pinuntahan sa teacher's table niya.

"You are such an intelligent kid. At hanggang ngayon ay alagang-alaga mo talaga ang scholarship mo. I'm so proud of you. Sana magkaroon ako ng anak na katulad mo." Lumapad naman ang ngiti ko sa sinabi ni Ma'am.

"Thank you po Ma'am. Ang bait niyo po talaga." Ngumiti lang si Ma'am sa akin at hinaplos niya yung tiyan niya.

"Hala. Buntis ka Ma'am?" bigla-bigla kong tanong sa kanya. Oh my gash!

Tumango naman siya sa'ken.

"Wow naman. Babae ba siya Ma'am o lalaki?" excited kong tanong. Iniimagine ko kasi si Ma'am na may dinadalang cute na bata sa school.

"She's a girl. And I will name her, Abby Gale." Nabigla naman ako sa sinabi ni Ma'am.

"Abby Gale?" pag-uulit ko. Tumango naman siya at ngumiti.

"O, siya. Baka magabihan ka. You can go now."

"Sige po Ma'am. Goodbye." Pero nabigla na lang ako ng bigla niya akong kiniss niya ako sa noo.

"Take care." Pahabol niya kaya ngumiti na lang ako. I flung my bag in my shoulder then went out.

--

Hindi ko alam pero ang lapad ng ngiti ko ngayon. Habang naglalakad nga ako, parang mapupunit na yung bibig ko sa kakangiti na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. Hala. Paano na yan? Baliw na ang bida ng story na 'to? Wahaha!

Nagtatanong kayo kung nasaan ang dakilang bestpren ko? well, nabuntis na yun ni Keith. Hahaha, joke lang. Yung totoo, nauna na siyang umuwi kanina kasi sumakit yung tiyan niya.

"ATE!! I'M HOME!!" I yelled ng makapasok na ako sa loob ng bahay. I closed the door behind me. (Sigh) It's a very tiring day pero nakangiti pa rin ako. Nabubuang na nga talaga ako. Wahihihi. Eh, di mabuti!

Aakyat na sana ako sa kwarto ng may makita akong strange guy na nakatayo sa paanan ng hagdan namin.

"W-who are you?" tanong ko habang sinusuri siya. Ang gwapo ng isang 'to ah. Boyfriend kaya 'to ni Ate? Mukhang kaedad ko lang siya eh.

Mukha siyang nagulat sa tanong ko kaya... ewan ko kung saan na yun pumunta at bigla na lang nawala. Psh. Nakakatakot ba yung tanong ko? o ang mukha ko nakakatakot? =_=

I just shrugged then went upstairs to my room. Nagbihis na ako at tinulungan si Ate sa kusina.

"Kailan pala uuwi sina Mama, Ate?" tanong ko habang pinupunasan ko yung table.

"Ewan ko. Baka next week nandito na yun."

"Ang tagal naman. Bakit ang tagal Ate? Akala ko kunting galos lang yung natamo ni Mama." Ang OA naman ng hospital na pinasukan ni Mama. Palalakihin niya lang yung bill namin sa hospital eh. Tsk. Tsk.

"Ewan ko nga dun. Yan din nga yung iniisip ko eh. Aray! Naku po!" napatigil ako sa ginagawa ko ng masugat si Ate ng kutsilyo. Nanghihiwa kasi siya ng watermelon.

"Ate naman eh. Hindi ka nag-iingat." Kinuha ko agad yung first aid kit sa drawer at ginamot yung sugat ni Ate.

"Hays. Abigail, mababaw lang 'tong sugat ko kaya huwag ka ng mag-alala." Kinuha niya yung kamay niya pero hinablot ko yung pabalik.

When He Came in my Life (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon