-Next day-
Naglalakad na ako sa hallway ng school ng maalala kong haharapin ko na naman ang araw na 'to na wala si Bessy. Nalungkot ako bigla. Bukas pa pala papasok si Jessilyn.
Nakayuko lang ako habang naglalakad papuntang classroom kaya nabunggo ako sa isang mabangong pader.
"Aray!" Nawalan ako ng balance at naupo sa sobrang lakas ng impact.
"Uy. Sorry." Napatingala ako ng may makita akong kamay. Doon ko lang nalaman na hindi pala pader yung nabunggo ko. Kundi tao.
"Okay lang Keith. Nagmamadali ka ba?" Ngumiti ako sa kanya at tinulungan niya agad akong tumayo. Inayos ko yung palda ko at nakita ko siyang nakatingin sa'ken. Yung parang kinikilala niya ako.
"O? Anong mali Keith? Sorry kung tatanga-tanga ako kanina kaya nabunggo ako sa'yo." Patawa-tawa kong sabi kaya napangiti naman siya.
"Ikaw pala yan. Bessy." Nanlaki bigla yung mga mata ko. Tinawag niya akong Bessy? Saan naman niya napulot yun?
Lumingon ako sa likod ko kung may tinatawag ba siyang Bessy.
"Ikaw yung tinatawag ko na Bessy." He smiled.
"Alam ko. Tumingin lang ako kung may tao pa sa hallway. Sige. Parang time na eh. Bye." Pagtatago ko sa kahihiyan ko. Tapos lumakad na ako.
"Wait! Sama ako Bessy!" I just shrugged kaya sumabay siya sa paglalakad.
"Bakit mo naman ako tinawag na Bessy? Close ba tayo?" Biro ko.
"Siyempre. Nasa tabi mo nga ako ngayon diba? Hehe. Tapos isa pa, yan ang tawag sa'yo ng asawa ko eh." Mas lalong lumaki yung mga mata ko na parang lalabas na sa socket! At the age of 15 may asawa na siya? Pwede na ba yun?
"M-may asawa ka na?" Hindi talaga ako makapaniwala. Paano na si Jessilyn? Akala ko ba mahal niya yun?
Tumango naman siya na parang proud na proud pa.
"O—kay. Congrats! Best wishes na lang sa inyo." I smiled.
"Clueless ka ba kung sino ang asawa ko?" He grinned.
"Mukha ba akong may clue? Sorry pero hindi ko kilala yung asawa mo."
"Yung asawa ko ay ang.... bestfriend mo!" Mahina niyang sabi kaya napatigil ako.
"Asawa mo pala si Jessilyn? SI JESSILYN!?!?" yung mga schoolmates namin ay napatigil sa kani-kanilang ginawa at napatingin sa amin.
"Sorry!" Sigaw ni Keith kaya binalik naman agad ng mga lalaki yung atensyon nila sa ginagawa. Yung mga babae naman ay kinikilig pa.
Grabe si Jessilyn. Hindi niya sinabi na may asawa na pala. Arrange marriage siguro yung ginawa sa kanila kaya wala ng magawa si Bessy! Pero lihim akong napangiti. Bestfriend ko nga talaga yung gusto ni Keith! Wahihihi! At sana makita ko ulit yung crush ko na bestfriend ni Keith! (Blushes)
"Uy! Huwag kang OA magre-act diyan. I'm just joking kanina. Yung totoo, magpopropose pa lang ako sa mahal mong bestpren. Ayokong mabasted. Gusto ko makuha ko na agad yung puso niya. Bahala na si Batman. Pero, dahil Bessy kita, tutulungan mo ako. Diba?" Napangiwi ako ng marinig ko ang word na 'Bessy' mula kay Keith. Ang manly kasi ng boses tapos magsasabi ng ganun. Parang bakla eh.
Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi siya madiscourage. Seryoso pa naman ang isang 'to.
"Siyempre. Ikaw pa." At nagpaalam na agad ako at pumasok sa classroom.
-Breaktime-
Mag-isa lang akong pumunta sa cafeteria at bumili ng snacks. Pineapple juice at sandwich lang siguro okay na. Hindi naman kasi ako gutom.
BINABASA MO ANG
When He Came in my Life (On-hold)
Teen FictionDiba kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kahit ano pa ang hitsura niya. Panget man siya o maganda basta ang importante, mahal mo siya. Eh, paano kung MULTO ang makakapaibig sa'yo? Matatanggap mo kaya? Hello guys! Ito po ang una kong nag...