"Samantha, kausapin mo naman ako, oh..." nilingon ko lang siya saglit saka ko nilipat ang paningin ko sa iba.
Nasa classroom ako ngayon. At halos dalawang linggo na din ang nakalipas magmula noong nag confess sa buong school si Jace Martin ng pagmamahal niya kay Denisse na nilumot na pala. Dahil since grade school kaming magkaklase, pati na din ni Jace Martin, ay unti-unting nahulog ang loob niya kay Denisse.
Who wouldn't? Denisse is one of the sexiest and smartest girl in our school. Consistent pa siyang class president ever since. Pala kaibigan din siya pero ako yung pinaka best-est friend niya. President din siya ng Student Council at member ng Glee at Math Club ng school. Lagi din siyang nananalo sa mga beauty pagent at higit sa lahat, maganda siya.
I sigh as I recall those traits of her that I doesn't have.
I difinitely not sexy nor smart. Average lang ako. Ang maganda lang ata sakin ay ang pangalan ko. Isa lang din ang club na kasali ako at yun pa yung photography club na halos iilan lang ang sumasali. Hindi din ako ideal na maging leader dahil pabaya ako. Di ako responsable dahil matigas ang ulo ko. I'm not the early type either. Kaya nakakafrustrate lang na yung taong nagustuhan ng taong gusto ko ay napakalayo sakin. Kaya nga dapat wala kong pinag-iinarte. Pero kasi, masakit. Lalo na nung nalaman ko na nililigawan na siya ni Jace Martin.
Napayuko ulit ako. Dapat nga hindi ako magtampo kay Denisse kasi I saw how she dump Jace Martin down. Pero dahil nilulumot at inaanay na daw yung nararamdaman niya para kay Denisse, ipopursue niya pa din daw yung panliligaw niya. Pero, shit lang diba? Kapag magkasama kami ni Denisse, bigla siyang susulpot at magsasabi ng sweet nothing kay Denisse although hindi niya iyon pinapatulan, masakit pa din kasi I've been imagining myself na ako yung sasabihan niya ng ganun and it turns out to be the worst. Its my besfriend whom he likes. Its my bestfriend. My best of friend.
Nakarinig ako ng singhot kung kaya't nilingon ko siya. She's already soaking with tears at talagang sumisinok pa. Napangiti ako. Surely, she will not fall with Jace Martin because she knows how I love that Jace.
Kaya, niyakap ko siya. Nagulat pa ata siya dahil bigla siyang natigilan sa pagsisinghot at pag-iiyak niya. Ilang segundo pa muna bago siya makabawi at niyakap ako pabalik.
"Sorry, Den-den. Napaka immature ko talaga. Eh, alam ko namang hindi ka maiinlove kay Jace Martin diba?" sabi ko sakanya habang yakap ko pa din siya.
"Naman, Samantha. Mahal na mahal kita and betreyal is not on my list. I love you best friend." she said.
"I love you too."
At ang salita niya ang pinanghawakan ko.
BINABASA MO ANG
One Mistake, One Night
General FictionSa isang gabi, ang isang masayang gabi nauwi sa isang napakalaking pagkakamali.