Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya tinext na magkita kami.
Hiniram ko ang cellphone ni Denisse at palihim na tinext si Jace Martin gamit ang number niya. Wala nga pala talagang pakialam si Denisse kay Jace Martin. Napatunayan ko iyon ngayon lang dahil wala siyang contact number sakanya. Kahit nga sa mga call logs at sent messages man lang ay wala. Kahit unknown number na nagttext sakanya ay hindi niya nirereplayan. Kilala ko si Denisse sa paggiging masinop sa gamit. Kahit lang ilang taon ng messages sa cellphone niya ay nandito pa din. Natawa pa ako ng mabasa ko ang convo nila ni Melissa, yung kaaway niya last year.
Bigla akong nataranta ng mag vibrate ang cellphone ni Denisse. Napatingin naman siya sakin, nagtataka.
Nandito na kami sa labas ng campus. Tapos na ang klase pero andito pa din kami. Sabi daw kasi ni Yves ay ihahatid daw kami. Sa isang private high school nag aaral yung si Yves kaya rich kid. Kami naman ni Denisse ay sa isang semi private lang.
"Sino ba yang katext mo?" sabay dungaw sa teleponong hawak ko.
Agad ko naman iyong tinakpan.
"W-Wala..." sabi ko saka tinulak ang mukha niya para mapalayo iyon sakin.
"Sus! Duda lang ako sa'yo noh! Yang mga ngiti mo at pag shine shine ng mata mo, imba eh! Parang may 'something'."
Napailing nalang ako dahil sa kalokohan niya. Bumaling nalang ako sa telepono ni Denisse. Nagreply na kasi si Jace Martin at hanggang ngayon ay hindi ko pa din binubuksan.
From: 09271234567
Sige. Kita tayo sa East. 5pm.
Sinulyapan ko ang wristwatch ko. 4:23pm na kaya tumayo ako. Napatingin naman sakin si Denisse. Nagtataka siguro dahil biglaan kong pagtayo.
"Mauna na ako sa'yo, Denisse." sabi ko.
"Huh?" napatayo pa siya sa sobrang pagtataka. "Bakit?" Aniya.
"May pupuntahan kasi ako. 5pm daw kasi."
"O sige, mag-iingat ka ha?" Nag aalangang aniya.
Tumango nalang ako at nakipag beso beso sakanya. "Bye, den-den!" Paalam ko sabay talikod.
Sumigaw pa siya ng huling Bye bago ako sumakay sa taxing nakaparada dito sa gilid ng school.
"Manong, sa East po."
And that's how it started that night with my biggest mistake.
BINABASA MO ANG
One Mistake, One Night
General FictionSa isang gabi, ang isang masayang gabi nauwi sa isang napakalaking pagkakamali.