Chapter 4

27 3 0
                                    

Why am I hurting?

Masakit. Masakit na masakit na makita yung mahal mo na nasasaktan dahil may mahal nang iba ang mahal niya. Akala ko, mas masakit yung kaalamang may mahal ng iba ang mahal ko. Pero hindi pala. Mas masakit pala yung nasasaktan siya dahil sa iba.

But wait. Am I falling for him already? Or should I say, mahal ko na siya?

Pagkatapos tumulo ang luha ko, dali dali akong pumunta ng banyo. Nadaanan ko pa nun sila Jace Martin na binibigyan ng payo ng mga kaibigan niya. Talagang nasasaktan siya sa nakita niya. And I know by that time, he really fall for her. Hard.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko at nilampasan sila. Para naman akong nakahinga ng maluwag ng makapasok ako ng CR. Naghilamos ako saka ko tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Sinampal ko ang sarili ko.

"Wake up, Samantha Yvonne! You are not falling for him, okay? No. Not ever. And will never be. Dahil yang nararamdaman mo... paghanga lang yan... p-paghanga.." unti unting nawasak ang boses ko.

No. No, Samantha! Ang babaw mo naman para iyakan yun? Eh, ni hindi nga niya alam na may gusto o mahal mo na siya. Ang OA mo naman. Ni hindi mo nga masabi sabi sakanya na mahal mo siya! Tapos, maka inarte ka jan, kala mo pinagtaksilan ka niya?! You're crazy! I'm crazy!

Pinahid ko ang huling luhang tumulo. Huli na dahil pipigilan ko na iyon. But images of Jace Martin hurting keep haunting my mind kaya minabuti ko nalang na lumabas. Dahil baka dahil sa pag-iisa ko, baka lalo lang akong maiyak at hindi ko na mapigilan pa.


Nang makarating ako ng classroom ay may malaki nang ngiting naka plaster sa mukha ko. Nagmumukha na siguro akong si joker. Malapit na ding matapos ang vacant time namin at ang susunod na klase na ay ang Mathematics kung saan ako mahina.

"Okay ka na ba?" nag angat siya sakin ng tingin kaya nag okay sign nalang ako sakanya. Ngumiti naman siya.


Naupo na ako habang nakatingin kay Denisse na mas umaliwalas ata ang mukha. Mukhang gustong gusto nga niya yung Yves kesa kay Jace Martin.


Tiningnan ko ang pwesto nila. Andun na pala siya at nakadukdok ang mukha sa mesa. Tahimik lang siya at halatang pinababayaan muna siya ng barkada niya para makapag isip isip siya.


Biglang may ideya na pumasok sa utak ko.


Napalunok ako habang inilalatag isa isa ang plano sa isip ko.


Nilingon ko si Denisse na masayang nakatunghay sakanyang cellphone. It the plan flow on my mind...

If your happiness is my strenght, it would be my weakness too, Jace Martin. But I'll do everything, whatever it takes, just to make you happy, even if it means...hurting me.

One Mistake, One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon