Chapter 3

25 3 0
                                    

"Den-den! May answer ka na ba sa equation number 3?" I ask dahil hindi ko maintindihan kung pano kuhanin muli ang Angle of Elevation na sinasabi ni Mam.


Three days. At sa loob ng three days na muli kaming magkasama ng bestfriend ko ay pinadama niya sakin na wala talaga siyang paki alam sa panliligaw ni Jace Martin sakanya kaya wala na akong dapat ipag-alala.



"Ah, yun ba?" tapos sinulat niya sa papel kong iilan palang ang sagot. "Ganito kasi yan." pagkatapos ay nagsimula na siyang disscuss kung paano. Lero syempre, nagbigay siya ng ibang number. Yun kasi ang isa naming code. Kanya kanyang sunog ng kilay. Walang kopyahan. And luckily, sa halos isang dekada naming magkaibigan ay never pa akong nangopya sakanya. Promise, mamatay ka man.


"Hi, Denisse. May nagpapabigay sa'yo." natigil kaming dalawa sa pagsasagot ng lumapit samin si Ulysses, kaklase naming maangas at hambog na may gusto kuno sakin. Isa din siya sa mga tropa ni Jace Martin.


Kinuha naman ni Denisse ang bulaklak na inabot sakanya ang isang long stem red rose. Nakakunot ang noo ni Denisse habang ako naman ay nakadungaw sakanya para sana tignan kung kanino galing iyon. May kulay blue kasing note na nakasabit.


Biglang kumunot ang noo ko.

YDR

Yan yung initials na nakasulat. Imposible namang si Jace Martin ang magpabigay niyan kasi may alergy yun sa mga bulaklak. Imposible din na siya kasi, wala namang Y sa pangalan niya. So, kanino galing ang bulaklak.

"Kanino galing, Den?" di na ako nakatiis na tanungin siya. Nakaka curious kasi. Wala naman na akong natatandaan na manliligaw niya bukod kay Jace Martin.


Malaki ang ngisi ng bruha ng bumaling sakin. Impit pa siyang tumili. Tumaas ang kilay ko ng isang inch dahil doon. Never pa kasi itong kinilig o kung ano man. Kung may nagpapalipad hangin man sakanya ay isang poker face lang ang natatanggap. Kahit nga si Jace Martin na gwapo at pinakasikat sa school ay walang epek sakanya. Kaya naman kung sino man ang nagpakilig sa isang Denisse ay saludo ako.


"Naalala mo ba yung sabi ko sa 'yo na internet sensation na si Yves?" tumango lang ako. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tumili. Mabuti nalang at vacant namin. Kaya nagsasagot nalang muna kami ng posibleng ipasagot mamaya ni Sir saamin.


Tila automatic na lumipad ang paningin ko sa pwesto nila Jace Martin. Magkatapat lang kasi kami ng upuan dahil ito talaga ang napili ko. Para lagi ko siyang makikita.

Nagtataka siyang tumingin kay Denisse, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin kahit na alam naman niya na nakatingin ako sakanya.



"Si Yves! Siya yung nagbigay nito." masyadong malakas ang boses na pagkakasabi niya kaya dinig na dinig sa buong classroom ang sinabi niya.

Nakapako pa din ang tingin ko sa kay Jace Martin. Pain was the only expression that can visibly seen in his eyes. Para din akong nasaktan dahil doon kaya iniwas ko ang paningin ko at bumaling kay Denisse na sinisinghot singhot pa ang bulaklak na galing kay Yves.

"P-Para kang sira.." nuutal na sabi ko sakanya.

Lumingon siya sakin. At ang traydor na luha ay biglang pumatak.

One Mistake, One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon