Chapter 6

21 3 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ko sa East ay agad bumungad sakin ang malamyang tugtog na nanggagaling sa stereo ng restaurant kung san kami magkikita.

5 pm na kaya naman sakto lang ako. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang sadya ko. Nakita ko naman siyang nasa sulok at nakatingin sa labas ng glass wall. Kita mula roon ang malaking fountain na umiilaw kapag gabi. Malamang ay gusto niyang makita ang ilaw niyon oras na dumilim na.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lakas loob na lumapit sakanya.

Huminto ako sa gilid niya habang siya naman ay nakatingin pa din sa labas.

Nang sa wakas ay naramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sa gawi ko. Mula paa, patungong ulo. Nagtaka pa siya ng ako ang nakita niya. Kunot na kunot ang kanyang noo, tila hindi inaasahan ang nakita.

"Excuse me?" Di na siya nakatiis at talagang sinabi niya yan.

I sigh and drifted my gaze on my foot. Kumuha ako ng loob saka ako tumingin sa mata niya.


"J-Jace Martin..." the only word I utter because I am shaking, literally.


He looked puzzled, "I thought..."

"Jace Martin, it was me. I'm sorry." sabay iwas ko ng tingin.


He sigh because of frustration. Bigla siyang tumayo. Nataranta bigla ang sistema ko kung kaya't hinawakan ko ang braso niya at pinilit siyang umupo.

"Please..."

"Why?" sabi niya pagkatapos kung umupo sa tapat niya. Naiirita ang itsura niya at parang ayaw na ayaw niya talaga sa ginagawa niya.


"I... I just wanted to talk to you."

"Talk about what?"

Napabuntong hininga muli ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pumunta ako dito ng walang malinaw na plano. Ang tanging larawan lang na rumirihistro sa isip ko ang yung nasasaktan niyang mukha. And I just realize that I came up on this decision na hindi inaalam kung paano isasagawa iyon. Gulong gulo ako.


"About... Denisse." tiningnan ko siya ng seryoso. Napa ayos naman siya ng upo na tila ba may isa akong ibibigay na magandang regalo sakanya.


"Anong meron sakanya?" ngayon naging interesado na siya. Ang kaninang irita niyang boses ay napalitan ng masaya. At yan ang gusto kong makita sakanya. But why it has to be this painful?


"I can help you to get her." matapang kong pahayag na siya namang nagpataas ng kilay niya.


"At bakit mo ito ginagawa? At ano ang kapalit?" Walang alinlangan niyang sagot.

Now that he said it already, meron na namang ideya ang nagsulputan sa isip ko.

Umayos ako ng tayo at hinilig ang likod ko sa sandalan ng upuan. I stare at him, seriously.


"Date me for a couple of weeks." matapang kong pahagyag.

And that's how I started hurting myself.

One Mistake, One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon