Parang lahat ay napa 'aww' dahil sa gesture na ginawa ni Yves kay Denisse. Hinalikan lang naman niya sa noo ang kaibigan ko. Hinawakan pa ang dalawang pisngi saka hinaplos iyon ng buong puso. Ang taray! Ang haba ng buhok ng kaibigan ko. Kinikilig ako sakanila.
"Ay! Yves. Siya nga pala si Samantha Yvonne, bestfriend ko. Samantha, siya nga pala si Yves! Uhmm... future boyfriend ko." Gusto kong humalakhak sa huli niyang sinabi. Pabulong kasi iyon at halata namang ayaw niyang iparinig kay Yves.
"Hi, Yves! Nice meeting you." nakangiti kong saad saka nilahad ang kamay ko sakanya.
Kinuha niya iyon sabay sabing, "nice meeting you, too. Finally." sobrang lapad ng ngiti niyang sabi.
Nagulat pa ako ng dalhin niya ang kamay ko sa labi niya. Marahan niyang hinalikan iyon saka tumingin sakin at kumindat. Natawa ako ng mahina bago binawi ang kamay ko. Inakbayan naman niya si Denisse na sobrang lapad ng ngiti. Tila natutuwa sa nakikita.
"Yay! Nagkakilala na din kayo sa wakas!" Bulalas ni Denisse ng akbayan siya ni Yves.
"Sabay ka na, Samantha." aya ni Yves saka inakay si Denisse papasok ng sasakyan.
Gustuhin ko mang sumabay ay hindi pwede dahil makikipagkita ako kay Jace Martin. Nakakatawa lang dahil nakuha pa talagang sumingit yan sa utak ko sa kabila ng pagkabuhol buhol niyon ngayon.
"Hindi na, Yves. May lakad kasi ako sa East eh." marahang tanggi ko.
Liningon ako ni Denisse. Naningkit ang mata niya ta maya maya pa ay ngumisi siya ng parang aso.
Naku. Kung alam mo lang Denisse kung sino ang kakatagpuin ko.
Napairap nalang kunwari ako sa inasal niya.
We finally bid goodbye to each other bago maghiwalay ng landas. Nag initiate pa silang dalawa na ihatid ako sa East pero tumanggi na ako kasi baka makita pa nila si Jace Martin sa loob ng restau, glass wall pa naman iyon kaya kitang kita mula sa labas.
~•~
I'm getting cold feet as I enter East.
Nung una kong punta dito, di ko pa masyadong na-appreciate yung lugar. Ngayon lang talaga dahil ngayon ko lang ata nalibot ang paningin ko dito.
May ambiance ang lugar ng parang romantic. Tapos napakalamig sa mata ang mga funitures nila na bumabagay naman sa mga taong nandirito- couples.
Agad kong tinahak ang daan patungo sa pwesto ni Jace Martin na kasalukuyang humihigop ng kanyang kape habang nakatunghay sa kanyang cellphone.
His deep but expressive eyes are dark. Mukhang galit na naiinis ang mga iyon. And I almost gasp when his eyes landed on mine.
Biglang nawala ang galit na nababasa ko sa mata niya at napalitan iyon ng blankong ekspresyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil dun. Pero gusto ko nalang maramdaman yung nauna. Para kahit paano, mapasaya ko ang sarili ko.
Naupo na ako but his stare didn't leave me. I am having goosebumps already because of the intensity of his stares. God, nababaliw na ako sa kanya.
Naglapag ang waiter ng isa pang kape kaya dali dali ko iyong kinuha at nilagok.
At dahil sa katangahan ko, bigla ko iyong nabitawan kung kaya't natapon ang mainit na laman niyon sa skirt at blouse ko. At dahil sa gulat ko, napatayo ako, causing the cup to fall into pieces.
"Oh my God!" Is the only word I utter habang sapo ang bibig kong napaso ng kape.
BINABASA MO ANG
One Mistake, One Night
Fiction généraleSa isang gabi, ang isang masayang gabi nauwi sa isang napakalaking pagkakamali.