From: 09271234567
I'll agree. Lets meet later. Same time, same place. Idiscuss mo sakin, lahat.
Yan ang laman ng text. Wala namang kaide ideya si Denisse kaya di niya na gets ang text na yun.
Kinulit pa niya ako kung sino daw yun. Kaya napatingin ako sa pwesto nila Jace Martin. Nagulat pa ako ng makita kong nakatingin siya sakin... I mean, kay Denisse pala.
"Huy! Sino nga yun?!" pangungulit pa din ni Denisse habang papalabas na kami ng school.
Kanina pa siya nangungulit simula nung nabasa niya yung text. At simula din niyon ay lumutang na ang isip ko. Di ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan dahil pagkatapos ng dalawang linggo, alam ko na ang mangyayari sakin. Alam kong mas mahuhulog ako. Pero hahayaan ko nalang ang sarili. Bilang gift ko nalang iyon sa sarili ko. Malapit na ang pasko kaya hahayaan ko nalang ang sarili kong sumaya. Kahit sa loob ng dalawang linggo lang.
"Wala nga yun, Den-den, okay? Tsaka, special someone ko yun."
Bigla siyang napasinghap. "Oh my! For real?! As in?! Overlicious ka na kay fafa Jace?!" bulong niya sa huli niyang sinabi.
Nakangiti naman akong tumango tango. For once, I wanted to fool myself that I'm over him. Na wala na talaga. Kasi, nakakapagod na.
Gusto kong sabayan si Denisse sa impit na tili niya pero hindi ko magawa. How could I? If after all these sacrifices I'll make, ako at ako pa din ang masasaktan? Na sa lahat pa ng tao, bakit ako at ang bestfriend ko pa?
Di ko siya sinisisi. Dahil ang magandang sisihin dito ay ang universe. Siguro nga tama ang yung horoscope na hindi pwede ang kapwa niya Oxen. Dahil ang compatible sa isang Oxen ay isang Tiger.
Lihim akong natawa sa naisip ko. Nababaliw na nga ata ako dahil pati ang universe na walang ka muwang muwang sa gawa ng tao ay sinisi ko na. Lintek kasing paasa yang mga chinese chuchu na yan. Masyadong paasa eh!
Tumigil na sa kaka usisa sakin si Denisse ng may humintong kotse sa tapat namin. Paglingon ko kay Denisse ay nakangisi na siya ng malaki. Na para bang artista ang nasa loob ng sasakyan. Kaya naman, inaninag ko ang nasa loob. Though, sobrang tinted niyon.
Lahat ng estudyante ay napapahinto at napapatingin sa sasakyan. I heard one them say na SUV daw yung sasakyan at bagong model daw iyon. Wala akong hilig sa sasakyan kaya hindi ko din alam kung anong pinagkaiba ng mga iyan.
Biglang bumukas ang backseat at lumabas ang isang napakagwapong lalaki. Napasali pa ako sa mga taong sabay sabay na napasinghap dahil napaka stunning ng kaharap namin ngayon. Para ngang nakita ko si Luhan. Siya na ang Luhan PH para sakin.
His dark brown eyes shine as sun rays hit them. His messy brown hair looks perfect. And his nose, katamtaman ang taas na bumagay sa kanyang magagandang kilay. I unconciously feel my brow. Di iyon gaanong makapal at higit sa lahat, walang korte iyon. Pero yung kanya? Perf!
"Yves!" natauhan ako ng biglang sumigaw si Denisse.
Napasinghap muli ako. Mas gwapo pala siya sa personal!
BINABASA MO ANG
One Mistake, One Night
General FictionSa isang gabi, ang isang masayang gabi nauwi sa isang napakalaking pagkakamali.