Chapter 1

48 3 0
                                    

Chapter 1

"Nakatulala ka jan?" Tiningnan ko ng masama ang kaibigan ko na parang nagtataka.

"Huh?" sagot ko pa kasi hindi ko na gets ang sinabi niya.


"Malala ka na," bulong niya na hindi ko nalang pinansin dahil nakita kong tumayo na ang grupo nila Jace Martin na papaalis.


Napatayo ako bigla. "Oh my gosh!" bulalas ko ng tuluyan na silang nakalabas ng canteen.


Dali-dali kong hinila ang kaibigan kong nabilaukan pa ata ng kinakain niyang french fries dahil biglaan ko siyang hinila patayo para maabutan namin ang grupo nila Jace Martin.


"Ano ba?! Magdahan dahan ka ngang bruhilda ka! Madadapa ako nito sa kakamadali mo eh!"


"Ang bagal mo kasi, Denise! Ugh! Nasan na yun?!" umikot pa ako sa field dahil wala na doon ang grupo nila Jace Martin.

Tirik ang araw pero hindi ko iyoj ininda, nasa gitna pa naman kami ng field, nakatayo habang ako naman ay umiikot. Umiikot na din pataas ang mata ni Denise.

"Gosh, friend! Ganyan ka na ba talaga ka obsess jan sa Jace Martin na yan at kahit tirik ang araw at mukhang magkaka heat strokeㅡ"


Natigil sa pagsasalita si Denise. Ganun din ako.

Natulala nalang ako sa isang malaking LCD screen dito sa may open field. Teka... tama ba itong nababasa ko? Nananaginip ba ako? Dahil kung oo, sapakin na ako ngayon din! Ayaw kong makulong sa isang panaginip na ito...


"F-Friend..." unti-unti kong nilingon si Denise. Di maipaliwanag ang mukha niya. Mababakas ang sakit sa kanyang mata habang unti-unting tumulo ang kanyang luha.

"D-Denisse..." di makapaniwalang usal ko.


Umiling siya saka pinunasan ang kanyang luha at niyakap ako. Para naman akong tuod na hindi makagalaw o kahit manlang makayakap pabalik sakanya. Parang nagising ako sa isang panaginip na unti-unti nang nagkakatotoo.



"Denisse, I love you... Noon pa man." at dahil doon, unti unting nawarak ang puso ko.


Why it has to be Denisse, huh? Jace Martin?

One Mistake, One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon