"I'm sorry! I really am sorry!" Hinging paumanhin ko ng lumapit sa gawi namin ang dalawang janitor.
Patuloy ang paghingi ko ng sorry ng biglang may humawak ng braso ko saka ako hinila palabas ng restaurant na iyon.
Ramdam ko ang titig ng mga tao ng dumaan kami kung kaya't napayuko nalamang ako dahil sa hiya.
Medyo mahapdi na din ang dibdib at hita kong natapunan ng kape ngunit hindi ko iyon ininda dahil sa nag-uumpaw na kasiyahan sa puso ko.
This is the first time that he holds my hand. I'll mark this day- 02.06.15
Nakatingin lang ako sa kamay naming magkasiklop. Hindi ganun ka higpit ang hawak pero atleast, nadarama ko ang mabilis na pagpintig ng kanyang pulso at lambot ng kanyang palad. I can also hear my heartbeat, loud and fast.
Bigla siyang tumigil kung kaya't napatigil din ako. Tiningnan ko ang kanyang likod na walang humpay sa pagtaas baba.
Bigla siyang humarap sakin kung kaya't nalaglag ang pareho naming kamay. Pakiramdam ko'y nahulog din ang kalahati ng puso ko.
Bumaba ang titig ko ng makita ang galit na nag-aalab sakanyang mata.
What is it again, Jace Martin? Ayaw mo na ba? Ni hindi pa tayo nag sisimula ah? Gusto ko sanang sabihin sakanya but I choose to remaine quite.
"Napaka careless mo naman!" Inis na pahayag niya then I heard him heave out a loud sigh.
Wala akong masabi dahil bukod sa malagkit na ang pakiramdam ko, mahapdi pa ang dila ko dulot ng pagkapaso sa kape.
He stamp his feet that causes a loud bang which makes me jump in surprise.
Nag angat akong muli ng tingin ngunit nakatalikod na siya sakin at nakaharap sakanyang kotse.
Napanganga ako ng ilang minuto bago ako kusang tunalikod at naglakad palayo.
Ang hirap naman nito. Di ba pwedeng pag nagmahal ka ay mahalin ka nalang pabalik? Bakit kailangang may mga kumplikasyon pa? Bakit madaming hindrances pa?
Nakakailang hakbang palang ako ng madinig ko siyang nagsalita.
"Stupid girl! Did I tell you to leave?! Are you really that stupid, huh?!"
Na shock ako sa sinabi niya. Hindi ko na pinansin na dalawang beses niya akong sinabihan ng 'tanga.' Basta dali-dali nalang akong lumapit sakanya habang nasa sahig pa din ang paningin ko.
"Wear this. Ang laswa tignan ng uniporme mong bakat ang kaluluwa mo."
My mouth hang open before I decided to look up on him, pero nakatalikod na siya at papunta ng kotse niya. This time hindi ako nalungkot ng tuluyan siyang umalis, in fact napangiti pa ako.
Tinanaw ko ang sasakyan niya palayo bago ko binalingan ng tingin ang tshirt niyang puti na pinatong niya sa balikat ko.
God! This is the first time he give me a shirt! And to think na tshirt niya ito?! My God! I'm gonna faint!
Ganito pala ang pag-ibig. Nagiging tanga ka sa lahat ng pinaggagawa mo at pinaggagagawa niya sa'yo.
BINABASA MO ANG
One Mistake, One Night
General FictionSa isang gabi, ang isang masayang gabi nauwi sa isang napakalaking pagkakamali.