Chapter 7

20 3 0
                                    

"What?!" His mouth hang open for what I say.

I raise my brow. And stare at him for a minute before I drifted my gaze outside.


"Take it or leave it, Jace Martin. Besides, after our date. I'll schedule you a date with Denisse. At sisiguraduhin kong lahat ng ibibigay mo sakanya ay tatanggapin na niya. At pwede ka pa niyangㅡ"


"I will not accept your crazy offer. That's it. This conversation is over." aniya saka nag walk out.

Napabuga ako ng hangin dahil sa hiya. Tumingala ako sa kisame. What have I done? Talagang nawawala na ako sa sarili ko. Nababaliw na talaga ako dahil sa pagmamahal sakanya.


Di ko na namalayan na dumidilim na pala. And when I glance at my wrist watch and its already 6:47 pm. Masyado na pala akong matagal na nakatunganga sa East.

Tumayo na ako at linisan ang lugar na iyon.






Nagpatuloy lang ang araw ko pagkatapos kong ipahiya ang sarili ko kay Jace Martin. At simula din kinabukasan ay tumigil na ako kaka stalk sakanya o kahit man lang tumingin. At sa twing makikita kong nakatingin siya sakin ay halatang galit ito. Mabuti nalang talaga at hindi niya iyon pinagsasabi sa mga kaklase namin. Dahil kung oo, matagal na akong lumayas sa skwelahang ito.


"Samantha, break na!" Nagulat ako ng bigla akong sigawan ni Denisse. Nakatulala na pala ako at hindi ko na namalayang wala nang tao sa classroom bukod saming dalawa.

Agad kong inayos ang gamit ko at isinalansan iyon sa bag ko.

"Daan tayong locker, Sammy."

"Okay." tipid kong sagot tsaka sinabit ang maliit kong backpack sa balikat ko.

Dumaan kami ng locker at pinagpalit ang mga gamit namin. As usual, ang daming bumabati dito sa kasama ko. Paminsan minsan pa ay humihinto kami kasi may tumatawag o di kaya nagtatanong sakanya kaya di maiwasang hindi niya iyon hintuan. Siya na talaga si Miss Nice Girl ng campus.


Nang sa wakas ay nakawala kami, halos takbuhin na namin ang locker room para makahabol pa sa 45 minutes na break. Kaya naman ng nakadating kami sa canteen ay meron nalang kaming 10 minutes para bumili at umakyat para di kami malate.


"Waaah! Sorry talaga, Sammy ah? Kung di lang sana ako humihinto at sinasagot yung mga tanong nila, edi sana hindi ganito ka bongga ang pagmamadali natin!"

Natawa nalang ako sa pinagsasabi niya. Lately, napapansin ko na nagiging maingay na siya. Minsan na din siyang gumagamit ng gay lingo o di kaya ay yung mga pang kalyeng term. Nakakapanibago pero natutuwa ako dahil doon. At lalo na sa mga kinekwento niya kung san niya iyon nakukuha.

Sa kapatid daw ni Yves na si Martin. Bakla daw kasi ito at natatakot maghayag ng kanyang sarili dahil alam niyang di siya matatanggap ng papa niya. Ang sabi pa ni Denisse, isa daw'ng retired General ang papa ni Yves habang ang mama daw ng mga ito ay nagmamay ari ng isang sikat na clothing line at chains of hotel. Ang bongga diba?


"Haha. Naku, okay lang Denisse. Nag eenjoy nga ako eh!" sarkastik kunwaring sabi ko.

"Sammy naman, eh! Halata namang naiinis ka eh! Sabihin mo na kasi." nag pout pa ang loka kaya mas lalo akong natawa.

"Sira. Hindi nga eh. Nagbibiro lang ako. Tara na! Late na talaga tayo niyan, sige ka. Magagalit na talaga ako sa'yo." at dahil sa sinabi ko ay walang kaabog abog na hinila niya ako paakyat sa 3rd floor kung nasan ang classroom namin. Kaya naman pagdating namin doon ay para kaming mga dugyot. Basa ng pawis at talagang hapong hapo.


Nasa tapat pa kami ng pinto. Catching our breaths.

Ikaw ba namang tumakbo mula first floor hanggang 3rd floor eh, tignan lang natin kung di ka hapuin.


Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napahalakhak dahil sa mga itsura namin.

Sabog ang buhok at napaka oily ng mukha. Sinong di matatawa?


Pumasok na kami. Nadaanan pa namin ang upuan nila Jace Martin ngunit di na namin pinansin. Nahahalata na din ako ni Denisse na iniiwasan kong mapatingin dun kaya umiiwas na din siya, bagay na hindi ko inaasahan.

Nang makaupo kami ay kumuha siya ng tissue sa bag niya. Nilapag niya ang biniling burger at mineral sa desk niya saka nagsimulang maghalungkat ng pulbo. Ako naman ay binuksan ang C2 Raspberry ko at inumpisahang lantakan ang cheese ring na binili ko.

"Oh." Sabay abot niya sakin ng tissue, bote ng pulbo at isang maliit na salamin. Tinitigan ko lang iyon.

"Hayst! Di ka nga pala nagpupulbo dahil alergy ka lalo na dito sa Johnsons. Hahaha. So silly of me." sabay sabi niya dahil hindi ko kinuha yung pulbo.


Pinunasan ko ang mukha kong napaka maraming magproduce ng mantika saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

Pero nagulat ako dahil sa sinabi ni Denisse.

"Sammy, di ba may tinext ka sa phone ko last day? Baka sayo tong text."

I froze.

One Mistake, One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon