Chapter 6 - Language Barrier

60 4 1
                                    

Noryell’s POV

Hello! Ako nga pala si Noryell Pineda a.k.a. Manager ni Elerina Carmie Salazar. Bali ako na rin ang second mother niya. Kung tinatanong niyo kung paano maging super sikat si Elerina ay masyadong mahabang kwento at isa ako sa mga tumulong sa kanya para maabot niya ang kasalukuyan niyang kinalalagyan ngayon.

Na-discover ko siya ng sumali siya sa isang singing contest when she was 8 years old. Napakaganda niya at pati na rin ng boses niya na parang feeling mo nagagayuma ka sa sobrang ganda kaya siguro agad ko siyang hinasa at kinuha bilang isang child singer and eventually naging sikat na artista sa industriya.

Masaya ako sa lahat ng mga blessings na nakukuha niya tulad na lang ng bagong project na isang teleserye. Pero nababahala ako sa magiging leading man niya, si Jiro Villanueva. Hindi naman sa baguhan lang siya pagdating sa malalaking projects pero may something talaga siya na parang kailangan kong bantayan ng mabuti…

Elerina’s POV

“OISHI YO! (ANG SARAP TALAGA!)” (*Q*) --> si exotic na nilalang

Buwisit! Kailangan ba talagang ipagsigawan na masarap yon at sa harap ko pa!?

Well… talaga namang masarap yan dahil luto ko yan pero…

…Bakit? …Bakit? …Bakit?

Pero bakit kinain mo ang Beef Steak ko!? (TTOTT)

(O_________o)??

Teka nga…

Bakit naintindihan ko ang sinabi niya? Pano ko nalaman na “ang sarap talaga!” ang sinabi ng exotic na nilalang na’to?!   

Baka instincts ko lang siguro… (-___-)

Napatingin tuloy ako dito sa nilalang na’to. Habang sinisimut-simut na niya ang Beef Steak ko, bigla siyang tumingin sa kin, na-feel niya yata na nakatingin ako sa kanya.

Our eyes met just like that, and it feels like there is something in his eyes that I just can’t read. Parang may sinasabi siya na hindi ko mabasa sa tingin niya.

Inalis niya ang pagkakatitig niya sa’kin at tumingin sa sala at naglakad doon, papunta sa may malaking portrait picture ko…

Shocks! Baka sirain niya yung picture ko! Yun pa naman yun pinakagusto kong picture at ang pinakamalaking picture portrait ko sa bahay! Tumakbo ako papunta sa sala, at pipigilan sa kung ano man ang iniisip niya pero nung lumapit ako bigla siya humarap at tumitig sa’kin…

At parang na-stun ako sa titig niya at parang hindi ako makagalaw…

Tumingin ulit siya sa picture ko at tumingin ulit sa’kin…

Kung makatingin naman ito, parang hindi makapaniwala na ako yung nasa picture! Buwisit! Pangit ba ako sa personal?

“Anata datte? Tabun tsigaw na… (Ikaw ‘to? Parang hindi naman…)” sabi nitong bwisit na creature na ‘to! Pinapakulo niya ang ulo ko, ah! Hindi daw siya makapaniwala na ako yun nasa picture! Kaasar lang!

“Bulag ka ba?! Ako kaya yang nasa picture! Inaamin kong photogenic ako pero mas maganda ako sa personal!” bulyaw ko dito sa nilalang na ‘to!

“AHAHAHAH!” tumawa pa ang creature na ‘to pero… MY GOLLY! ANG GWAPO NIYA!

“Anata no sugata mitte miro? Okuru dattara buso dayo dakara tabun anata janai! (Tingnan mo yang itsura mo! Ang pangit mong magalit kaya walang dudang hindi ikaw yan!)” dagdag pa niya sabay turo sa picture ko!

“SHISHUKA NISHITE! (MANAHIMIK KA!)” sigaw ko sa kanya… natulala ang mokong sa’kin, nagulat siguro sa sinabi ko---- TEKA!? ANONG SINABI KO?!

SHISHUKA NISHITE!

SHISHUKA NISHITE!

SHISHUKA NISHITE!

(O____________o)???

What…Did…I…Just…Said?

At saka… pa’no kami nagkaintidihan? Eh may ‘language barrier’ kami? ‘wag niyong sabihing nakakaintindi na ako ng Japanese, at take note: Nakakapag-japanese din ako, ah…

Tinapik ko ang pisngi ko at kunurot-kurot ang braso ko. Hindi naman ako nananaginip, ah…

Elerina… Don’t panic… Don’t panic…

Kulang lang siguro ako sa tulog…

Oo, siguro nga…

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto nang biglang may humawak sa kamay ko, tumingin naman ako dito sa humawak sa kamay ko…si exotic creature…

“Kuko de toreaisu tumaru I desu ka? (Pwede bang dito muna ako tumira?)” tanong niya sa’kin, at dahil bangag at hindi ko alam kung nasa katinuan pa ako. Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto, at humiga sa kama…

This night is weird... ( _ _ )zzZ

----------------------------------------TO BE CONTINUED-----------------------------------------------------------

Kumiko the WITCH's CURSE:

wala po akong bago update ngayon dahil busy-busihan ang peg ko ngayon.

nag-edit lang ako ng konti at nilagyan ng prolouge, so...

i-enjoy niyo muna ang summer niyo at baka sa sobrang kaka-enjoy niyo, eh, hindi niyo na namalayan na nakapag-UD na ako...

P.S: 

may update na po pala ang "My Slave is a GANGSTER!"

supportahan po natin gaya ng pagsupporta niyo sa KITSUNE... thanks!

READ + COMMENT + FAN + RECOMMEND = MASAYA NA ANG MANGKUKULAM NA 'TO XD!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AMNESIA (Toma-kun!)

Kitsune [ON-HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon