*Chapter 9 – My Guardian?!*
Elerina’s POV
“You’re my... WHAT?!” gulat na tanong ko sa kanya…
Nakaupo pa rin sa mesa ‘tong nilalang na ‘to, “I’m your guardian…”
“Wow… Just wow!” I said sarcastically, I just can’t believe in this creature, “And now you’re already speaking in English!”
“Hindi lang kasi ako basta-basta nilalang lang…”
“A-at paanong…? Paano kita naging guardian?!”
“Dahil itinakda ako para promotekta sa’yo sa kahit sino na pwedeng manakit sa’yo…”
“At sino ang nagtakda niyan? Ang buwan ba at mga bituin?”
“Pwede rin…”
“Oh! This is just impossible!”
“Kung imposible, bakit ako nandito ngayon sa harap mo at nakakausap mo? Tandaan mo, hindi ka nanaginip ngayong mga oras na ito…”
“Sandali lang, ahh…” pumunta ako sa ref at uminom ng tubig...
Grabe! Hindi nga ako nananaginip!
Napaupo ako sa sahig dahil hindi talaga ako makapaniwala, at kahit pa ibuhos ko sa sarili ko ang lahat ng tubig sa ref…hindi na ako magigising dahil gising na gising ang isip at katawan ko.
Umalis sa pagkakaupo sa mesa itong nilalang na ‘to at sinamahan pa akong umupo sa sahig…
Ibang klaseng nilalang…
“Bakit ka nakaupo diyan?”
“Wala… hindi lang talaga ako makapaniwala na meron pala akong… G-guardian.”
“Ganun ba…” biglang gumalaw ang fluffy tail niya, napakunot-noo ako at bigla akong may naisip…
“Teka… Kung guardian kita, di ba dapat may pakpak ka na parang isang angel? Pero bakit ikaw, wala ka na ngang pakpak, buntot naman ang meron ka. May sa demonyo ka naman yata, eh!?”
“Nanishiten da yo? (Ano naman ang pinagsasabi mo?) Hindi porque’t may buntot ako ay isa na akong kampon ng kadiliman…”
“So, ano ka nga?”
Gumalaw ang buntot niya at ngumiti, “Isa akong Kitsune…”
“Kit-su-ne?” napakunot-noo ako sa sinabi niya, “Isa kang fox?”
“Hai… (Oo…) Tingnan mo na! Nakakaintindi ka nga talaga ng Japanese.”
“Heh! Hindi ah! Paano naman ako nakaintindi ng Japanese? Ni wala nga akong kilala na marunong mag-japanese eh!”
“Kung ganon, paano mo nalaman na fox ang ibig sabihin ng Kitsune?”
Paano nga ba? Ay ewan!
“Aba’y malay ko! Basta ko na lang nalaman…”
“Kung ganon, bilang ako na guardian mo, magpakilala na ako ng pormal…”
Kung sabagay, ilang beses na kaming naguusap pero hindi pa namin kilala ang isa’t isa… At ang tawag ko lang kasi sa kanya ay ‘exotic creature’…
“Watashi wa Yujin desu. Anata no, o-namae wa nanto iimasuka? (Ako nga pala si Yujin. Ikaw, anong pangalan mo?)” tanong niya sa’kin.
So, Yujin pala ang pangalan niya at kung paano ko naintindihan ay hindi ko rin alam.
“Elerina Carmie Salazar…”
“Ang pangalang ‘Elerina’ ay pwede na, ba’t mo pa sinabi yung buong pangalan mo? At ang haba naman ng pangalan mo.”
“Eh, sa ganun ako magpakilala, masama ba?” sabay taas ng isang kilay.
“Hindi naman…” gumalaw na naman ang buntot niya. Shocks! Gusto kong hawakan at gusto ko rin malaman kung malambot ba o hindi.
“Ba’t ba galaw ng galaw yang buntot mo?”
“Ah… Wala lang yan------*KRRRUUUKK!*”
“T-teka… Ano yun?”
Parang alam ko na kung anong ibig sabihin nun, ah…
“Wala lang yun.” Ngumiti ng pilit, “Kirimasen-----(‘Wag mo nang pansinin-----)*KRRRUUUKK!*”
“Ok ka lang?”
“Oo-----*KRRRUUUKK!*”
“Sure ka? Hindi ka ba… Nagugutom?” tiningnan ko siya ng mabuti
“Iie… (Hindi…)” umiwas siya ng tingin…
Hahaha! Grabe, ang cute niya kapag nagugutom!
“Talaga? Kahit pa…” binuksan ko yung ref at naglabas ng isang plato ng pork chop, “…ilabas ko ‘to?”
Nanlaki ang mga mata niya at biglang kuminang, (O__O) ---> (*Q*)
“O? ba’t hindi ka makapagsalita dyan-----!” agad niyang hinablot yung plato at sinimulang papakin ang pork chop.
Infairness, hindi na ako natakot dito sa kakaiba, cute, matakaw at self-proclaimed ‘guardian’ ko…
-------------------------------------------------------------------------
Kumiko the WITCH Curse:
Hello sa mga nagbabasa pa dyan!
Dedic ko po ito kay KITTI KITTI!
---------------------------------------------------------------------------
Kaichio wa Maid-Sama! (Ayuzawa Misaki~)
BINABASA MO ANG
Kitsune [ON-HIATUS]
FantasyKitsune In Wikapedia, it is a Japanese term for FOX In this story, "Kitsune" is a Japanese mystical creature which people believe that they DO NOT EXIST and it was just a imaginary creature that Japanese ancestors made it up years ago just to scare...