Elerina's POV
Nakaupo ako sa sahig...
Tumingin ako sa paligid ko...
Iniisip ko kung bakit ako nandito...
Sa isang silid na Japanese Style ang interior design...
Napatingin ako sa suot ko...
Naka-kimono ako na kulay puti...
Bakit ako nakasuot ng ganito?
Kinapa ko ang pisngi ko...
Basang-basa ito ng tubig... O hindi kaya...
Nang dahil sa luhang dumadaloy sa aking mga mata...
Nararamdaman ko na lang na umiiyak ako sa hindi malamang dahilan...
Umiiyak na lang ako sa sobrang sama ng loob ko na biglang sumibol sa aking dibdib...
Ang daming tanong na bumabagabag sa aking isipan...
Bakit ako nandito?
Bakit pakiramdam ko sobrang sakit ng pinagdadaanan ko?
Tumingin ako sa sahig...
May kutsilyong nakalapag doon...
Kinuha ko ito...
Bakit pakiramdam ko, gusto kong isaksak ito sa sarili ko?
Yung feeling na...
Gusto ko nang tapusin ang buhay ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...
Itinaas ko ang kutsilyo gamit ng dalawang kamay ko...
At...
*RIIINNGGG!!! RIIINNGGG!!! RIIINGGG!!!*
Napabangon ako bigla sa kama sa sobrang ingay ng cellphone ko. Tumingin ako sa paligid ko.
Nasa kwarto lang pala ako.
Panaginip lang pala yon. Akala ko, totoo na...
Kinuha ko na ang cellphone ko sa side table at sinagot ang tawag.
"Hello, Noryell. It's just 3 o'clock in the morning?! Ba't ba kayo napatawag ng ganito kaaga?!"
"Elerina, nireremind lang kita tungkol sa press conference mo mamayang 10 o'clock."
"I know... I know... Nagpapa-refresh pa ako ng skin cells ko for that pero bigla na lang akong ginising ng phone call mo."
"I'm just reminding you as your manager, It's my responsibility."
"Ok. Thank you for your 3 0'clock AM reminder. I'm so touched. Love yah! Good night! Sweet dreams! Bye..."
Tinapos ko na ang phone call galing sa loving kong manager. at humiga na ulit ako sa kama.
Sweet dreams...
Pero bakit ganon ang panaginip ko?
Bakit nagkaroon ako ng nightmare?
BINABASA MO ANG
Kitsune [ON-HIATUS]
FantasiKitsune In Wikapedia, it is a Japanese term for FOX In this story, "Kitsune" is a Japanese mystical creature which people believe that they DO NOT EXIST and it was just a imaginary creature that Japanese ancestors made it up years ago just to scare...