*Chapter 8 – You’ve got to be kidding me, right?*
Elerina’s POV
“Pagkatapos ng practice mo para sa performance mo sa birthday bash mo this 1pm, may interview ka tungkol sa series ng 3pm…”
Nandito kami ni Manager Noryell sa loob ng elevator, kakatapos lang ng workshop namin. At medyo na-we-weirduhan pa ako sa kung ang unayan nila Noryell at yung leading man kong si Jiro. Kanina kasi, nung natapos na ang workshop, niyaya sana ako ni Jiro na mag-lunch (for you know, getting to know each other, hehehe~) nang bigla akong hinila ni Noryell palayo kay Jiro at sinabing sa susunod na lang daw kami mag-lunch ni Jiro. And here we are, I stuck in this elevator with my manager, enumerating all my schedule this whole day…
“…Tapos mga 4pm naman, deretso tayo sa mall tour mo sa----”
“Wait! Anong oras naman ako makakapagpahinga ngayon, manager?” nag-puppy-eyes ako sa kanya, hoping na may vacant time ako para umuwi at humiga sa kama. I miss my bed already…(T^T)
“Ah…Eh… S-sa totoo lang k-kasi…” Ok, I knew it… ‘pag ganitong nauutal-utal na si manager, isa lang ang ibig sabihin nun…
Wala akong pahinga ngayong araw na ‘to. As in ‘W.A.L.A.’
“Elerina… ahmmm… sorry, ah. Tight talaga ang schedule mo ngayong week na ‘to lalo na’t birthday mo na this sunday. ” she gave me a sad look.
Inakbayan ko ang manager ko, “Hay naku, Noryell… ok lang yun. Sanay naman na ako na napapagod at walang tulog. Nakakalimutan mo na ba? Alam mo namang sobrang sikat kasi ng alaga mo kaya sorry kung pati ikaw napapagod na rin…” I gave her a smile.
“Ba’t ko nga ba nakakalimutan na sikat ang alaga ko, at dahil birthday mo na Sunday, may pre-birthday celebration tayo. I’ll buy you your favorite cake today!”
Napangiti ako, “Talaga, manager? You’ll buy me a black forest cake?”
“Eh, ano pa nga ba ang favorite mong cake kung hindi yun?”
“Yey! Thanks manager! Yung kotse ko na lang ang gagamitin natin no…” niyakap ko siya at hinila na siya papunta sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ko.
-----A few hours later (Elerina’s Residence)-----
“Hay… Ang sarap humiga sa kama!” tumalon ako sa kama at hindi na ako nag-bother na magpalit ng damit sa sobrang sakit ng katawan ko.
Tumagid ako na nakaharap sa side table ko kung saan nakadisplay yung picture ko kasama ang mga parents ko, isa pang solo picture, lamp shade at hair blower na nakapatong sa side table.
Kinuha ko ang hair blower sa side table at naalala ko ang first encounter ko sa isang exotic na nilalang. Kung tutuusin, hindi naman nakakatakot ang itsura nun kumpara sa mga monsters na nakikita sa TV, nakakatakot lang ang dating niya dahil may hawak itong kusilyo na parang espada na maliit na ewan at parang handa kang patayin anu mang oras. Pero gutom lang siguro siya kaya ganun siya umasta at hindi ako ang puntirya niya kundi ang ref ko =___=.
Anyong tao naman ito na meron lamang puting mabalahibong buntot at parang mala-sinaunang tao sa Japan ang suot. Siguro galing siyang Japan kaya hindi maintindihan ang lengwahe niya (Japanese kasi, pero medyo naintindihan ko… Medyo lang naman…)
Maamo naman ang mukha pero kung makatingin parang papatay talaga ng tao (Kaya nga nung tiningnan niya ako bigla akong natakot eh~), mahaba ang kuko, at may mahabang buhok na kulay itim at may highlights na white at kulay sky blue pa ang mga mata niya, (kaya nga lumapit ako noon sa kanya dahil sa sobrang ganda ng mga mata niya eh~) at sa totoo lang naghanap pa nga ako ng contact lens sa mall na kamukha yung sa kanya pero wala akong makitang ganun ang kulay.
BINABASA MO ANG
Kitsune [ON-HIATUS]
FantastikKitsune In Wikapedia, it is a Japanese term for FOX In this story, "Kitsune" is a Japanese mystical creature which people believe that they DO NOT EXIST and it was just a imaginary creature that Japanese ancestors made it up years ago just to scare...