Chapter 11 - The Guest Room (The Birthday Celebration PART 2)

7 1 0
                                    

*Chapter 11 - The Birthday Celebration (PART 2)*

Elerina's POV

Nang papasukin ko na si Clarence sa bahay...

"Hoy! Nasaan pala yung Guest Room dito!?" ---- Yujin

Someone, please help me???

"Teka? Sino yun-----?" tinulak ko palabas ulit ng bahay si Clarence and this time, nasa labas na din ako at sinarado bigla ang pinto...

"Parang may narinig yata akong tao sa loob ng bahay mo----?"

"Hahaha! Ano bang sinasabi mo? Hahaha! Nababaliw ka yata? Wala akong kasama sa bahay... Remember?" palusot.com ko kay Clarence... Please make my acting more convincing to Clarence, Lord?

"Ahh, yes. I remembered Noryell told me that you're just by yourself in this house..." mukhang naniwala naman 'tong si Clarence... Hay, salamat po, Lord!

"Oo, ako lang talagang mag-isa dito at wala nang iba..." pilit akong ngumiti kay Clarence.

"Nasa'n nga yung Guest room?!" nakalusot na sana ako nang bigla na namang sumigaw si Yujin!!!

IIIYYY! Ang ingay mo naman, YUJIN!!!

"Anu yun??" tanong ulit ni Clarence

"Ahhh! Wala lang talaga yun!" grabe, kinakabahan na ako dito, ah!

"Teka?! Parang may tao talaga sa loob..." hindi kumbinsidong sagot sa'kin ni Clarence at lumalapit na sa pinto papasok sa bahay.

"Wala! Wala talaga yun!" Isip! Isip, Elerina! "T-TV! Oo, tama! TV lang yun! Wait lang, ahh... Papatayin ko lang!" agad-agad kong pununtahan si Yujin sa may hagdan at mabilis na ipinasok si Yujin sa Guest room at tumakbo palabas ulit ng bahay...

Napakunot-noo ako nang nakabuka lang ang bibig ni Clarence at mukhang gulat na gulat na nakatingin sa'kin...

"C-cla---rence? What's wrong?" tanong ko dito, ano bang meron? HAY! BAKA NAKITA NIYA SI YUJIN!?

"H-how? How did you m-manage to come back here in just a s-split second?" nauutal-utal na tanong niya sa'kin...

"S-split second? What are you talking about?"

"Babe, I'm telling the truth... Pa'no mo napatay yung TV sa sala mo at nakabalik dito sa labas in just a snap of a finger?"

In just a split second? In just a snap of a finger? Anong pinagsasabi niya? Huwag niyang sabihin na kasing bilis ko lang si Yujin sa pagtakbo, ah? That's far from weird...

"Ahhh, forget it, babe..."

Nagtataka na talaga na ako sa mga sinasabi nitong Clarence na 'to. Pero hindi ko na lang inintindi, "Okay..."

"Ah, pwede na bang pumasok sa loob? Medyo malayo pala 'tong bahay mo. Napagod ako sa byahe, pwedeng i-pangkuha mo ako ng maiinom?" nauna pang pumasok ang buwisita sa loob ng bahay kaysa sa may-ari ng bahay.

"Sige..."

Dumeretso na ako sa kusina at kumuha ng fruit juice sa ref. At nang pagpunta ko sa living room, prenteng nakaupo na ang buwisita ko at may hawak pang magazine galing sa ilalim ng center table kung saan ko nilalagay ang mga iba pang magazines at newspapers.

Kitsune [ON-HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon