Love Story Ng Aswang

377 13 3
                                    

Prologue

Sa panahon ngayon, ayaw na ng mga readers ng cliché na istorya. Yun bang mag-bestfriend na nagka-inlove-an? O di kaya panget na gumanda. Pwede rin naman yung gangster na-inlove sa bidang babae. Tapos samahan mo pa ng heartthrob na pumatol sa ordinary student.

Paulit-ulit di ba? Kaya naisipan kong isulat ito. Ang istorya ng..

Lalakeng na-inlove sa aswang.

Hahaha. O bago di ba? Marami na kasi yung vampire stories eh. Tapos meron na ring zombie at tao na nagka-inlove-an. Kaya eto naman.

I

Nagmamadali ako tumakbo papunta sa bahay ni Rosa. Marami kasing tao ang nakapaligid doon. May mga dala-dala silang itak, kahoy na patusok sa dulo, buntot-pagi, gaas at lampara. Sinusunog nila ang bahay nya. Malamang sa mga oras na ito, alam na nila kung ano talaga sya. Na isa syang

aswang.

Malakas ang mga sigaw nila. Halatang galit na galit sila sa kanya. Siya raw kasi ang dahilan kung bakit nagkakamatay ang mga alaga nilang hayop. Pero base sa pagkaka-kilala ko kay Rosa, hindi sya ganun.

*flashback*

“Paeng. Nagugutom ako.” sabi sa akin ni Rosa.

“Ano bang gusto mong kainin?”

“Dugo. Gusto ko ng dugo.” hindi na ako nagulat sa sagot nya. Kabilugan kasi ng bwan ngayon.

“Oh eto, kagatin mo na ang leeg ko.” pambibiro ko sa kanya habang inaalok ang leeg ko.

“Sira ka talaga. Bumili ka na lang muna sa palengke ng dugo ng baboy. Sige na?”

“Sige. Dito ka lang muna ha? Wag kang lalabas ng bahay.” bilin ko naman. Nagpapalit na kasi sya ng anyo, baka may makakita pang ibang tao.

“Oo. Bilisan mo ha?”

“Oo.”

Nang makabili ako ng dugo ng baboy, agad-agad akong bumalik sa bahay ni Rosa. Pagkapasok ko, nakatali na ang mga paa nya. Ganun kasi ang ginagawa nya sa tuwing magpapalit sya ng anyo.

“Rosa, ito na yung pinabibili mo.” inabot ko sa kanya yung dugo. Hindi ako natatakot dahil alam kong wala syang gagawing masama sa akin.

“Grrrr.” iyon na lamang ang naisagot nya sa akin. Iniisip ko na lang, “thankyou” ang ibig sabihin nun.

Pagkatapos nyang inumin yung dugong binigay ko, huminahon na rin sya at unti-unting bumalik sa dati nyang anyo. Kumuha naman agad ako ng kumot para takpan ang katawan nya.

*end of flashback*

“Paraan po.” panghahawi ko sa mga taong nakapaligid sa bahay ni Rosa.

Pinasok ko ang loob noon at agad na hinanap ang babaeng mahal ko. Naka-upo lang sya sa sulok habang umuubo-ubo dahil sa usok na nalalanghap nya.

“Rosa!” inalalayan ko sya sa pag-tayo.

“Paeng. Dumating ka.” sabi nya pagkatapos ay ngumiti sya sa akin.

Dinala ko naman sya sa labas ng bahay para maka-sagap ng preskong hangin. Pero katulad ng inaasahan ko, nagalit na naman sa kanya ang mga tao. Sinigawan nila sya. Kaya naman iniharang ko ang katawan ko para maprotektahan sya.

“Hindi si Rosa ang pumapatay sa mga alagang hayop ninyo!” sigaw ko.

“Paanong hindi? Eh aswang sya!” pabulyaw namang sagot nung isang babae habang dinuduro-duro si Rosa.

“Hindi nga!” sagot ko naman pabalik.

Napansin kong may binunot sa tagiliran ang isang lalake sa bandang kaliwa ni Rosa. Nagulat ako nang makitang baril pala iyon. Nang maiputok nya ang baril na hawak, agad kong hinarang ang sarili ko.

Napabulagta ako at naramdaman ang sarili kong dugo na umaagos. Nabaril pala ako sa dibdib.

“Paeeeeeeeeeeng!!” narinig kong sigaw ni Rosa.

Nagagalit sya. Ito ang unang beses na makita ko syang magka-ganun. Nagbago ang anyo nya. Nagi syang aswang at dinagit ang taong bumaril sa akin. Hindi nya ito pinatay, sinugatan lang.

“Rosaaaaaaaaaaa!” sigaw ko.

Sampung beses syang hinampas nung isang lalake gamit ang buntot-pagi. Dahil dun napabulagta sya sa tabi ko. Nakapikit lamang sya at hindi na gumagalaw. Kahit mahirap, iniayos ko yung sarili ko para maiharang ang katawan ko sa kanya.

“Rosa.. Gumising ka. Idilat mo ang mata mo.” pero hindi pa rin nya ito ginagawa. “Rosa, mahal na mahal kita.” ang mga salitang yan na lamang ang nasambit ko.

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Tatlong hampas pa ang natanggap ko mula sa lalaking iyon pagkatapos, nag-dilim na ang paligid ko.

Epilogue

“CUUUT!” sigaw ng direktor.

Tumayo ako pagkatapos sumigaw ni direk ng cut. Inalalayan ko rin si Kathleen, mas kilala mo bilang Rosa, sa pagtayo.

Ako nga pala si Andrew o Paeng sa pagkakaalam mo.

At dito nagtatapos ang love story namin ng aswang.

/END/

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon