May usap usapan akong naririnig na uuwi na daw dito sa Pilipinas ang lalaking mapapangasawa ko. Siya 'yung lalaking matagal nang sinasabi sa akin nila Mama. Parati nilang pinapakita sa akin ang baby picture ng lalaking iyon. Anila siya daw ang nakatadhana sa akin. Sinubukan ko siyang hanapin sa social media pero 'di ko mahanap. Hindi kasi sinasabi sa akin kung ano ang pangalan niya. Surprise daw.
Hindi pa ako pumapayag na magpakasal kasi... HINDI PA AKO READY. Alam mo 'yon? Yung para bang sinusubuan ka na ng mainit na kanin ng mga magulang mo? Alam nilang hindi mo pa kaya kaso pinipilit na nila.
Sinasabi ko sa kanila na hindi pa ako handa pero pinipilit nila akong magpakasal sa di malamang dahilan. Pinaghihinalaan nila akong tomboy dahil sa pananamit ko. Excuse me, magkaiba kaya ang tomboy sa boyish. Myghad! Hindi kasi ako mahilig magsuot ng kolorete. Alam niyo na, mga masyadong pa-girly na bagay. Mas gusto ko 'yung simple. Walang kung anu-anong arte sa katawan.
May isa akong kuya kaya nasanay akong lalaki ang kasama. Naglalaro ako ng basketball at soccer minsan kapag trip ko. Mahilig din akong mag skateboard diyan sa labas ng subdivision namin. I love cool stuffs.
Andito ako ngayon sa school. Third year college na ako. I'm taking up Bachelor of science in Business Administration. 'Yon kasi ang pinakuha sa akin ni Daddy dahil puro business ang pamilya namin. Kaya ayan uso ang arrange marriage. Akala ko hindi nag eexist 'yang arrange marriage na 'yan 'yun pala nagkamali ako. Bunga din pala ako ng arrange marriage.
"Nako nako nakakahiya 'yung score ko kanina. Ang sarap magbigti mga fren! Arrghh babagsak nanaman ako neto!" Sabi ng kaibigan kong si Sharm habang tumatalon talon sa harapan ko dahil sa frustration.
"Kasalanan mo 'yan! Puro boyfriend kasi ang inaatupag mo." Sabi ko naman.
"Buti nga ako may boyfriend. Eh ikaw? Wala! Wala. Tatanda kang dalaga! Hahahaha!" Nag apir silang dalawa ni Mikee.
"Eh di kayo na ang taken!"
Ikakasal na ako next month mga bruha. Sa Spain pa. Di kayo invited! Hindi ako tatandang dalaga. Unless, ayaw ko yung ipapakasal sa akin. Tamad kasi akong mag entertain ng mga manliligaw. Puro kasi sila Jeje at hindi ko type. Meron naman akong 'mga' crush dito sa campus kaso 'di ako pinapansin. Inaantay ko din 'yung guy na ipapakasal sa akin.
Wala pa akong naging ex boyfriend. As in wala. Sa 19 years na existence ko dito sa earth wala pa talaga akong karanasan sa mga relationships. Kaya parati nila akong inaasar. Ewan ko ba? Siguro takot lang ako. Ayokong maranasang ma-broken heart tulad ng iba jan. I've seen my bestfriend cried because of her ex boyfriend. Masakit daw. Sobra. At ayokong maramdaman iyon. Kung maari, yung una ay pang huli na.
"Hmm.. kailan kaya magkakaroon ng forever? Kapag naging white na ang uwak? Kapag na-master ko na ang algebra? Ako na talaga ang pinaka-masayang bestfriend kapag nagkaroon ka ng boyfriend!" Asar niya sabay tawa.
Umiling iling na lang ako. Hindi ko sasabihin na ikakasal na ako. Secret lang dapat. Dapat walang makaalam. Masyado pa kasi akong bata, nakakahiya.
"Baka nga mabuntis ka diyan ng maaga eh. Mas mabuti nang single kesa naman...err" inirapan ko siya.
"Malandi? So sinasabi mo na malandi ako? How dare you!!"
"Wala pa akong sinasabi ah! HAHA"
"Ganon na rin 'yon! Ang sama mo!!"
"Ewan ko sa iyo. Tara na nga late na ako." Dinampot ko na ang bag kong naka-lapag sa damuhan. Nasa mini garden kasi kami. Presko dito at walang gaanong naka-tambay. Dito kami pumupunta kapag wala pang klase.
BINABASA MO ANG
Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]
Teen FictionRaejen Louisse has no boyfriend in her 19 years of existence. Not that she's ugly or something. She's waiting the right guy who will change her relationship status. What will happen if she married the guy she's waiting? They say, Love is everything...