CHAPTER 26: Fieldtrip

2.2K 65 0
                                    

CHAPTER 26

RAEJEN'S POV

Pagkapasok pa lang ni Axis sa bus, pinagtitinginan na siya ng mga nandito. Kinakausap niya 'yung instructor namin kasi nga lilipat siya dito.

"Bakit siya nandito?" tanong ni Sharm.

"Kasi gusto niya kasama niya ako." Ngisi ko.

"Pinilit mo ata eh? Bawal mag asawa dito."

"Che! Inggit ka lang." siniko ko siya.

Hinanap ako ng mata ni Axis. Tinaas ko ang ulo ko para makita niya ako. Lumapit kaagad siya sa akin.

"Doon na kami sa likod. Bwahahah~" Paalam ko kila Mikee. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko. Doon kami pupwesto ni Axis sa likod.

"Landi landi mo!" hinila pa ni Sharm 'yung dulo ng jacket ko. Nag belat na lang ako sa kanya.

Pinagtitiginan kami habang papunta sa likod. Nagbubulungan pa 'yung iba. Ang gwapo ng asawa ko di ba? Mainggit kayo.

"Buti pinayagan kang lumipat dito." Sabi ko kay Axis pagkaupo namin.

"Ako pa."

Nakita ko ang pagsulyap ng instructor namin sa amin. Wala po kaming gagawin ok?

Nag umpisa nang umandar ang bus. Mahaba haba pa ang byahe. Itutulog ko na lang. Hinawakan ni Axis ang ulo ko at isinandal iyon sa balikat niya. Inakbayan niya pa ako. Emergerd. I really like this.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paggiti. Nag wawala nanaman ang mga alaga ko sa tiyan. Seriously? Kakakain ko lang ah?

May epekto talaga siya sa akin na hindi ko maintindihan. Masyado siyang sweet. Dinadaan niya lahat sa actions, hindi sa salita. Hindi ako magsasawa sa kanya promise.

Paano kung pinapaasa niya lang pala ako? Na paasa moves lang ang mga ginagawa niya? Tapos kapag nahulog na ako sa kanya bigla na lang niya akong iwan? Awts.

Kailangan moderate lang ako. Wag masyadong magpapadala. Para kapag iniwan niya ako mababaw lang ang sugat. Dapat ganon. Maingat.

Sana hindi siya 'yung tao na nangiiwan sa ere!

Matapos ang mahabang byahe, nakarating na kami sa Vigan. Tanghali na rin.

Una naming pupuntahan ay 'yung museum. Pero kakain muna kami ng lunch. Kumain kami ng lunch kasama ang squad ni Axis. Kasama rin sila Sharm.

Ang iingay talaga nila.

"Dapat mag roadtrip tayo minsan. Sa malayong lugar naman." Ani Maxx.

"Kapag birthday ni Axis!" tinuro ni Kael kay Axis. Kailan ba ang birthday ni Axis? Hindi ko alam! Bakit hindi ko alam?

"Hindi papayag si Dad." Iling niya.

"Papayag 'yon. Ano tara? Palawan?"

"I'll ask him."

Siguro kailangan ko pa siyang i-stalk para malaman ko pa ang mga information tungkol sa kanya. Feeling ko mauuna pa ang birthday niya kesa sa akin.

Kailangan kong malaman para makapag handa ako... ng corni na surprise. Haha..

Pagkatapos naming kumain ng lunch, bumalik na kami sa kanya kanya naming bus para sa orientation. Sinabi sa amin kung saan kami pupunta at kung kailan kami babalik dito.

Pagkatapos nun, pumasok na kami sa Crisologo museum. Isa siyang lumang bahay.

"Doon tayo~" naghihilahan naman si Mikee at Sharm. Sige iwan niyo ako. Ayos lang. Tss...

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon