CHAPTER 25: Bus

2.4K 60 2
                                    

CHAPTER 25

RAEJEN'S POV

Ngumiti siya sa kin pagkatapos ng kiss na iyon. Parang ngiting natatawa. Kiss na ba 'yon? Parang wala akong naramdaman. Parang nawala ako sa huwisyo. Isa pa please? Omg.

Nilagay ko ang palad ko sa mukha niya para ilayo ang mukha niya sa akin. Nakakatemp masyado. Tumawa siya at umayos ng higa.

"Hay nako!" sabi ko nung naging awkward ang atmosphere. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kahit na pagod na pagod ako.

Ang lakas ng ulan sa labas. Ang lamig pa dito sa kwarto. Dim pa ang paligid. "I like your smell." Aniya.

Ghadd! Shut up Axis. Sobra sobra na. Hindi ko na kaya ang temptation. HAHAH!

Kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. Tinitignan niya ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Why are you doing this to me? You are tempting me so much. Punishment ata 'to?

Ngumuso ako huminga ng malalim. Wala akong masabi sa kanya. Wala akong maisip na topic. Bakit kasi hindi pa ako dalawin ng antok?

"Good night." Aniya tapos hinalikan ulit ako sa cheek. He's so sweet. Nakakinit ng puso. Sana ganyan siya parati sa akin. Sana hindi magbago ang lahat.

Kung magbabago man lahat sana mas masaya pa. Feeling ko nahuhulog na ako. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalaking tulad niya?

Ang swerte swerte ko nga kasi bumagsak siya sa aking ng walang kahirap hirap. Sigurado akong maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Sana hindi niya ako ipagpalit. Kasi ako wala na akong balak tumingin sa iba.

Siya na. Ibibigay ko na ang sarili ko sa kanya. Buong buo. Pati puso at kaluluwa. Kung papakawalan niya ako, feeling ko mababaliw ako. Siya kaya? Akin ba siya?

Nababaliw na ata ako.

****

Tinupad ko 'yung sinabi ko na magpapagupit ako ng buhok. Hindi ko sinabi kay Axis na nagpagupit ako. Nagulat na lang siya nung nakita niya 'yung buhok kong hanggang leeg. Hindi naman siya nagalit. Kailan ba 'yon nagalit sa mga ginagawa ko?

Nagmukha akong matured. Sawang sawa na kasi ako sa ahabang buhok. Gusto ko ng new look. Madaling humaba 'yung buhok ko kaya ok lang.

Binigyan ako ni Axis ng hair clip na cute. 'Yon parati ang nasa buhok ko. Nagustuhan niya ata itong hair style ko eh.

Tapos na 'yung isang linggo kong pagtatrabaho sa restaurant ng auntie ni Dash. Natanggap ko na rin 'yung sweldo ko. Ayos lang naman. Mayroon na akong pang shopping.

Nung sabado at linggo, inubos ko ang oras ko sa paglalaba ng mga damit. Hindi kasi nagpadala sila mommy ng labandera. Tsaka kailangan ko ring matutong gumawa ng mga gawaing bahay.

Naghahanda na kami ngayon para sa pagpunta namin sa Vigan. Pagkatapos ng fieldtrip na ito, midterms na.

Nalulungkot ako kasi hindi ko kasama si Axis sa bus. Pati si Dash.. hindi ko naman iniiwasan si Dash. Wala akong paki kung magselos ulit si Axis. Mas maganda nga 'yon eh kasi alam ko na may pakialam siya sa aming dalawa.

Tsaka wala naman siyang dapat ikabahala kasi siya lang ang gwapo sa paningin ko. Hehe..

As if naman napapatulan ako ni Dash o ng mga lalaking kaibigan ko. Alam naman na ng lahat na may asawa na ako.

Kasalukuyang namomroblema si Sharm dahil hindi raw full charged 'yung phone niya. Hindi niya pa mahanap 'yung power bank. Nag away daw kasi sila nung boyfriend niya kagabi kaya ayun...

Nasa bus na kami ngayon. Nakaupo kaming tatlo sa pang tatlong upuan. Medyo matagal rin ang byahe papuntang Vigan. Siguro aabutin ng 8 hours or 7 hours.

Madaling araw pa lang ngayon.

Katext ko si Axis. Nakikibasa naman si Mikee sa convo namin. Nakiki usyuso. Hinahayaan lang namin si Sharm na mamroblema.

From: Axis ko

Lipat na lang ako diyan.

To: Axis ko

Hindi pwede hahaha

From: Axis ko

I want to hug you. I'm cold *sad emoji*

Inilayo ko bigla 'yung phone para hindi mabasa ni Mikee. "Ang landi~" Aniya. Hinawi niya pa 'yung buhok ko. Bumelat na lang ako.

To: Axis ko

Mas lalo namang hindi pwede. Papababain nila tayo sa bus.

Nag check ng attendance ang instructor namin na nandito sa bus. Nung kumpleto na nag umpisa na ang bus na umandar. Patuloy pa rin ang pagtetext ni Axis. Natatawa na lang ako sa kakulitan niya.

From: Axis ko

Sana nag kotse na lang tayo.

To: Axis ko

Kulit mo haha matulog ka na lang

From: Axis ko

Yoko.

To: Axis ko

I'll text you na lang mamaya pagkababa sa bus. Libre mo ko ng coffee *kiss emoji*

Para akong tangang nakangiti. Hinahayaan ko lang sila Sharm na makibasa. Bahala sila diyan. Basta ako healthy ang lovelife ko, di tulad nila na namamatay na ang sparks.

Natulog na lang ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Mikee. Si Sharm naman nakasandal 'yung ulo sa bintana. Nasa gitna nila ako.

Alasyete na ata nung nag stop over kami para kumain. Agad kong tinext si Axis pagkababa. Nauna na sila Sharm na bumili ng pagkain.

To: Axis ko

Where are u?

From: Axis ko

Tingin ka sa left

Tumingin naman ako sa left. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Kasama niya sila Kael. Lumapit ako sa kanila.

"Are you hungry?" tanong niya kaagad.

Umiling ako. "Gusto ko ng coffee," kasi nilalamig ako.

Pumunta kami sa starbucks para bumili ng kape. Nilibre niya ako. Pagkatapos naming bumili ng coffee, pumunta kami sa puregold para bumili ng mga pagkain. Nilubos lubos ko na ang pagbili. Siya ang nagbayad ng lahat.

"Ano pa?" tanong niya.

"Wala na. Thank you." I smiled at him.

"Don't eat too much chocolate. Baka mahilo ka." Paalala niya.

"Ok. Uminom naman ako ng gamot kaya hindi ako mahihilo."

"I can take care of you if we are in the same bus."

"Tanungin mo 'yung instructor mo kung pwedeng lumipat."

Bumalik na kami sa kanya kanya naming bus. Tatanungin niya sa instructor niya kung pwedeng lumipat. May ten minutes pa bago umalis itong bus.

Nagtingin ako ng vacant seat sa likod. Doon kami pwepwesto kapag pinayagan siya. Walang makakapigil sa'min.

Bigla siyang nag text.

From: Axis ko

Papunta na ako diyan.

Sheeett! Buti na lang may bakante pang upuan sa likod. Maglalandian kami doon. HAhaha! Ito na ata ang pinaka masayang fiedtrip na mararanasan ko.

�R����_


Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon