Chapter 34: Bridal Shower

2.1K 41 2
                                    

Hello! Kung binabasa mo pa rin to, Thank youuu!- s

CHAPTER 34

RAEJEN'S POV

Umalis din ang mga kaibigan ni Axis sa bahay nung sumapit ang lunch.

Si Sharm ang sabog na sabog tapos si Mikee naman sobrang sakit ng ulo. Ang dami kasi nilang nainom kagabi.

Naalala ko tuloy yung nasaksihan kong make out session nila ni Maxx sa banyo. Mygad!! May something talaga sa kanilang dalawa ni Maxx!

Ang higad talaga ng mga kaibigan ko! Paano nila naakit si Kenneth at Maxx? Sobrang gwapo ng mga kaibigan ni Axis. Parang di-mareach. Di ko talaga alam kung paano nagkaroon ng ganito sa kanila.

Masyado yata akong outdated sa lovelife ng mga bestfriend ko.

Si Kylie lang ang matino kagabi. Apat kaming natulog sa kama namin ni Axis tapos sa guest room naman yung mga boys.

Mag isa na ako rito sa bahay ngayon. Kausap ko si Axis sa messenger. Busy raw siya kaya di kami pwedeng mag skype. Inis na inis na nga ako e.

Masakit din ang ulo ko. Para akong magkakasakit. Gusto ko na lang matulog buong araw. Matutulog na lang ako mamaya tapos gigising ako para sa party na sinasabi ni Sharm. Yung bridal shower.

Masaya siguro 'yon. Sasama na ako para makalimutan ko ang pagkamiss kay Axis. Gusto ko na lang maiyak kasi miss na miss ko na talaga siya.

Pag uwi talaga niya dapat bumawi siya sa akin! Dapat mag date kami sa malayong lugar. Gusto kong bumalik sa Spain.

Tinuloy ko na ang pagchachat kay Axis.

Raejen Louisse Castillo:
I'm not feeling well. Uwi ka na

Axis Cortez:
I'll try next week. Uminom ka ng gamot tsaka matulog.

Umirap ako sa hangin. K. Axis. K.

Raejen Louisse Castillo:
Ok. Sige matutulog na lang ako. Aalagaan ko ang sarili ko. Ingat ka na lang diyan.

Nakakainis! Nakakainis talaga! Gusto ko na siyang mayakap ngayon. Gusto ko na siyang maamoy. Gusto ko na siyang halikan. Miss na miss ko na siya.

Axis Cortez:
I love you and I'm sorry. Mamayang gabi pwede na tayong mag usap sa skype.

No! Di ako pwede mamayang gabi. Pero sige, kakausapin ko muna siya bago pumunta sa party. Magpapaalam ako.

Sineen ko na lang ang message niya dahil naiinis talaga ako. Bahala ka nga, Axis!

Umakyat na lang ako sa kwarto namin para matulog. Nasa kusina kasi ako kanina.

Habang nag e-scroll ako sa instagram may nakita akong inumin. Parang lemonade. Nauhaw ako bigla. Parang may naamoy na akong lemon.

Hmm...

Lemon. Lemon. Lemon. Gusto ko bigla ng lemonade! Tinitigan ko lang yung inumin na kulay yellow green na may lumulutang na lemon.

Ah alam ko na! Meron ito sa restaurant nila Dash. Syempre nagtrabaho ako doon kaya alam ko ang mga pagkain nila.

Kung pumunta kaya ako doon? Baka sakaling gumaling ako sa lemonade. Baka maalis itong hangover na nararamdaman ko.

Tagal ko na ring di nakikita si Dash. Well nakikita ko siya sa school pero di ko siya nakakausap. Umamin na kaya siya doon sa babaeng gusto niya?

Nagbihis ako ng damit. Loose shirt at short. Tapos nagpara na ako ng taxi sa labas. Halos masuka pa ako sa taxi. Anobayan! Hindi naman ganito dati ah?

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon