Sorry sa late na UD hehe. Sunod sunod kasi ang ganap sa kpop. Play nyo po yung song!!! -s
CHAPTER 23
RAEJEN'S POV
Tinawagan ko na sila Sharm para sumunod dito sa batangas. Agad naman silang pumayag.
Mamayang tanghali na sila makakarating. Kakatapos lang naming kumain ng breakfast kasama sila Kael. Kasama rin 'yung girlfriend niyang si Kylie.
Hindi ko alam kung single ba sila Kenneth at Maxx. Sigurado akong maglalaway mamaya 'yung mga abnormal kong kaibigan. Isusumbong ko sila sa boyfriend nila.
Nandito pa kami sa restaurant na kinainan namin. May sariling mundo sila Axis. Kausap ko naman si Kylie. Hindi siya nauubusan ng sinasabi. Parehas sila ni Kael na happy virus.
Kung anu-ano ang pinag uusapan namin. Puro Kpop at social life. Masyado ata kaming maingay dito.
"Paano kayo nagkakilala ni Kael?" Tanong ko bigla sa kanya.
"Dahil sa bestfriend ko. Si Allison. May mission kasi kami ni Kael noon. Haha. Breezy lang siya kaya naging kami."
"Anong mission?"
"Ah.." napakamot siya ng ulo. "Eh kasi ganito.."
Kinuwento niya sa akin kung paano naging sila ni Kael. Naguluhan nga ako eh.
(Asawa ko ang crush niyo season 1: Chap 15: Shota)
May imemeet daw si Kylie na lalaki sa starbucks. Kaso hindi siya sinipot kaya si Kael ang nakadate niya.
Tapos naging sila dahil sa isang deal. Magb-break sana sila pagkatapos ng deal kaso hindi na nila kayang maghiwalay.
Biro biro lang daw ang relasyon nila. Pero nung tumagal na naging totohanan na.
"Playboy 'yang lalaking 'yan noon. Araw araw nagcecelebrate ng monthsary. Basta isang araw nagbago na lang siya. Narealize niya na nag eexist ako." Aniya.
"Ang cute niyo nga eh."
"Sus. Ako lang ang cute. Hahaha!"
Nagkwentuhan pa kaming dalawa. Nalaman ko na nagmomodel siya sa mga magazine. Trabaho niya raw iyon.
Sinusuportahan din daw siya ng pamilya ni Axis sa pag aaral kaya close siya sa kanila.
"Uh.. may tatanungin ako." Sabi ko.
Tatanungin ko 'yung tungkol kay Axis at Allison. Wala lang. Gusto ko lang malaman 'yung mga nangyari sa past nila.
"Ano?"
"Yung si Allison ba nagkagusto rin kay Axis noon?" Mahina kong tanong. Ayokong marinig ni Axis!
"Si bestie at Axis? hindi ko alam eh. Ang alam ko, hindi. Patay na patay kasi 'yung bestfriend ko doon sa asawa niya."
"Ah.."
"Mahal na mahal ni Allison si Hiroshi. Hindi niya ipagpapalit. Kitang kita ko kung paano sila nagsimula."
"Anong nangyari kay Axis nung binasted siya ng bestfriend mo?"
"Bumalik siya sa US. Nagulat na lang kami nung nalaman namin na ikakasal na siya sa iyo." Tumawa siya.
Pagkatapos naming mag usap, bumalik na kami sa resort kung saan kami tumutuloy.
"Maliligo tayo sa beach." Ani Axis habang tinitignan ang phone na nagchacharge.
"Ngayon na?" tanong ko sabay upo sa kama.
"Yep. Don't wear bikinies." tinignan niya ako.
"Magsusuot ako ng papajama at jacket." Biro ko.
BINABASA MO ANG
Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]
Teen FictionRaejen Louisse has no boyfriend in her 19 years of existence. Not that she's ugly or something. She's waiting the right guy who will change her relationship status. What will happen if she married the guy she's waiting? They say, Love is everything...