One last time by Ariana Grande. Play niyo guys :))
CHAPTER 7
RAEJEN'S POV
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Axis ang nalaman ko. Parang ang kapal kasi ng mukha ko kapag makikialam ako sa lovelife niya. I'm just nothing.
Panay na ang paghahanda nila Mommy ng mga documents para sa pag punta namin sa Spain. Excited na excited na raw sila.
At ako? Hindi ko alam.
"Ilang araw ka doon?" tanong ni Mikee. Sinabi ko na kasi sa kanila na pupunta ako sa Spain. Pero hindi ko binanggit ang gagawin ko doon.
"1 week? I don't know?" nagkibit balikat ako. Kahit dalawang araw lang kami ay ayos na. Marami akong mamimiss na activity dito sa school kapag nagtagal kami doon.
"Pasalubong, ah? Alam mo na kung ano ang gusto ko." Kumindat si Sharm. Ano naman ang gusto ng bruhang 'to? Damit siguro or cosmetics.
"Ako din, Rae. Alam mo na. Hahaha!" hindi ko din alam kung ano ang gusto ni Mikee. Basta bibilhan ko na lang sila ng makita ko doon.
"Oo na."
Napatingin ako sa gymnasium kasi nagtatakbuhan ang mga estudyante papunta doon.
"May game ngayon ang mga CMA! Tara nuod tayo!" yaya ni Sharm. Tumayo kami para pumunta doon. Kanina pa kasi kami nakatambay dito sa student's plaza. Uwian na pero hindi pa rin kami umuuwi.
(CMA= college of management and accountancy)
"Nga pala Raejen, kahapon may naghahanap sa iyong lalaki. ANG GWAPO NIYA!!" umalingaw ngaw ang boses ni Sharm sa campus. Ang laki talaga ng bunganga niya.
"Oh? Ano name?" tanong naman ni Mikee.
"Hindi niya sinabi, eh. Basta hinahanap niya si Raejen. Siya 'yung nasa phone mo!" pinalo niya ako sa braso. Naaalala niya pa talaga 'yung lalaking nakita niya sa phone ko noon.
"Ah? Baka kakilala ko lang." Ngumiwi ako.
"Baka naman manliligaw mo? Pero imposible. Imposibleng manliligaw mo 'yon kasi walang may balak pumatol sa iyo haha!"
Grabe lang! shit lang! napaka hard talaga sa akin ng bruhang ito! Babawiin niya 'yang sinabi niya pagdating ng panahon!
"Ano bang itsura?" tanong ni Mikee.
"Ang gwapo gwapo niya! Hindi ko madescribe basta boyfriend goals siya. Mukha siyang half Chinese or Jap. Ewan. Gwapo talaga shet."
Nakarating na kami sa Gym. Naghanap kami ng mauupuan sa bandang itaas. Binigyan din kami ng pahabang balloon na kulay yellow. Red team at yellow team pala ang maglalaro.
Malapit na siguro ang CMA night kaya nagkakaroon na ng mga palaro.
"Yellow si honeybunch koo!! Kya!!" tili ni Sharm nung naalala niya 'yung boyfriend niya.
"Sayang blue si Lalabs ko." Sabi naman ni Mikee. Grabeng mga tawag 'yan. Jusko.
Ilang saglit lang, lumabas na ang mga players ng Red team. Syempre ang iingay nung mga supporters nila. Mayroon pa silang bass drum at pompoms. Kami balloons lang.
"Wahh ang gwapo nung number 1 tsaka 'yung 23 tsaka 'yung 17 kyaaa!" mapapapokerface ka talaga kapag kasama mo si Sharmaine. Masyado siyang hayok sa gwapo. Palagi niyang sinasabi.. "okay na kahit bobo basta gwapo!" jusme.
"Kilala ko 'yang mga 'yan, eh. Kabarkada ni Kuya 'yung isa. Si Ballesteros."
"oh? Talaga?" hugis puso na ang mata nilang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/46339444-288-k749050.jpg)
BINABASA MO ANG
Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]
Ficção AdolescenteRaejen Louisse has no boyfriend in her 19 years of existence. Not that she's ugly or something. She's waiting the right guy who will change her relationship status. What will happen if she married the guy she's waiting? They say, Love is everything...