CHAPTER 16: Sharm at Mikee

2.4K 57 4
                                    

CHAPTER 16

RAEJEN'S POV

Hindi ako maka-move on sa pinost ni Axis sa Facebook. Pinagtitripan niya ako. Buti na lang hindi ako naka-nganga doon sa picture.

Babawi ako. Akala niya ah..

Mayroon ng pasok. Maaliwalas na nag panahon hindi katulad kahapon na umaambon pa. Kasama ko ngayon si Dash.

Ang tahimik niya tapos di niya ako gaanong kinakausap. "Ah Dash, 'yung tungkol pala doon sa itutulong ko sa iyo.."

Nakakaguilty. Simpleng tulong lang 'yung hinihingi niya sa akin hinid ko pa siya natulungan. Eh kasi naman kinasal ako kaya ayun..

"'Wag na nating ituloy. Kahit magbago naman ako hindi niya pa rin ako magugustuhan."

"Bakit naman? Ang bulag naman niyang nagugustuhan mo. Subukan mo kasing ligawan. Nothing bad in trying."

Umiling iling siya. "She likes someone else."

"Masyado ka kasing torpe kaya ka naunahan."

"Yeah."

Ikaw kasi Raejen! Hindi mo siya tinulungan kaya broken hearted tuloy siya. Kung tinulungan ko siya eh di sana lumakas pa ang loob niya. De bale, sigurado akong maraming pang ibang babae diyan na magkakagusto kay Dash. 'Yung tanggap kung ano siya.

Dumating na ang prof. "I have a surprise! Surprise quiz!" maligaya niyang sabi pagkapasok. Ngiting ngiti pa. Mapaparoll eyes ka na lang talaga.

Pagkatapos ng subject na 'yon, nagkita kita kami nila Sharm doon sa favorite spot namin. 'Yung lugar kung saan kami tumatambay kapag walang klase. Anniversary naming ngayong araw.

Oo, nagcecelebrate kami ng anniversary. Nag e-slumber party kami o gumagala sa kung saan saan. Parang magkakapatid na rin ang turingan naming tatlo. Mahal na mahal ko ang dalawang 'to kahit bully sila at abnormal.

Umupo kami sa damo tsaka nag umpisang kainin 'yung pagkain na binili ko sa canteen.

"Kumusta ang married life? Ang landi landi mong bruha ka!" ani Sharm.

"Syempre masaya." Humagikhik ako.

"Shet baka may fetus na sa tiyan mo?" Tanong naman ni Mikee. Hinawakan pa niya 'yung tiyan ko.

"Fetus ka diyan! Buntis agad? Syempre may family planning kami ni Axis. Wala pa kaming balak.." Hahaha!

"Hindi ka na virgin 'no?" Their eyes squinted.

"What? Baka kayo ang hindi na virgin. Hindi naman ako ganon kalandi gaya niyong dalawa."

"Sus!"

Patuloy lang sila sa pagdakdak tungkol sa aming dalawa ni Axis. Hinahayaan ko na lang. Sinasabi nila na hihiwalayan ako ni Axis kapag hindi ko naibigay ang.. you know.. 'pangangailangan.' Pero alam ko na may respeto siya sa akin.

"Punta kami sa bahay niyo please??" sabi ni Sharm.

"Hindi pwede."


"Di 'wag! Basta pupunta kami doon." Nag apir silang dalawa.

"Kung mahahanap niyo.."

"Kami pa."

Hindi ko pa sila naipapakilala kay Axis. Masyado silang maingay baka mabwisit 'yon. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Siguro kasama niya 'yung mga kaibigan niya. Hindi naman niya ako tinetext eh.

Kinuha ko na lang 'yung libro ko sa business statistics para mag advance reading. Si Sharm at Mikee naman ay may pinagkakabalahan sa phone. Tumatawa pa silang dalawa.

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon