Fanmeeting ng GOT7 bukas 111415. Sheett! Ang sakit maging team bahay. Hindi ako makapag isip ng matino. Hindi ko makikita si Markeu T^T-- s
CHAPTER 15
RAEJEN'S POV
Isang linggo na ang lumipas. Nalaman ko na ang result sa exam. Syempre pasado ako sa lahat ng subject. Ako pa. Ganon din si Axis. Kahit late enrollee siya nakapasa pa rin. Paano nangyari 'yon?
Hindi ko siya tinatanong tungkol sa Ex niya. Hindi ko alam kung nagkausap na ba silang dalawa. Sana matanggap na ng ex niya na wala na talagang pag asa.
Nasa bahay ako ngayon. Wala kasing pasok. Mayroon atang bagyo kaya suspended lahat ng klase. Wala akong magawa kaya naglalaro ako dito sa sala kasama si Coco. Nakahiga ako sa sofa. Tinatamad akong maghanap ng matinong channel sa TV kaya hindi ako nanunuod.
Maghapon na ata akong naglalaro ng kung anu anong games dito sa iPad. Ginagawa ko ang lahat para hindi mabored. Ang lakas din ng ulan sa labas kaya hindi ako makagala.
Si Axis? Hindi ko alam. Siguro natutulog sa kwarto. May pinuntahan kasi sila nila Kael kagabi kaya napuyat. Drag racing ata? I don't know.
Biglang nag vibrate ang phone ko. May nagtext. Tinigil ko muna ang laro ko tsaka ko binasa 'yon.
From: Axis ko
Come here. Let's cuddle.
Binasa ko ulit..
"Let's cuddle?"
KYYAAAA!!! KYAHH!!!
Sinabi niya talaga 'yon? Shet! Baka wrong send? O hallucination ko lang? Gusto kong itapon 'tong phone ko dahil sa kilig. Mukha akong timang na gumugulong dito sa sofa.
Agad akong pumunta sa kwarto namin. Hindi na ako magpapabebe pa. Ang landi landi ko talaga kahit kailan. Asawa ko naman kaya ayos lang na landiin ko no!
Ambaho ko ata? Maligo muna kaya ako? Ayokong maturn off siya sa akin.
Inamoy ko ang kili-kili ko. Mabango pa ako. Amoy baby. Hindi naman ako pinagpapawisan. Jeskelerd. Nagwawala na ang mga peste sa tiyan ko.
Kumatok ako sa pinto. Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na. Nilamig kaagad ako. Eh kasi naman bukas na bukas 'yung aircon!
Nakita ko si siyang nakadapa sa kama. Ganyan talaga ata siya matulog. Yakap yakap niya pa 'yung unan.
"Axis!" tawag ko. Hindi niya kasi ako pinapansin. Baka naman para sa iba 'yung text niya? Assuming lang ako? Wrong send? wtf.
"Hmm?" inangat niya ang ulo niya. Gulo gulo 'yung buhok niya tapos white sando ang suot. Hindi siya nilalamig?
Kinuha ko ang remote at pinahinaan ang aircon. Ang lakas na nga ng ulan sa labas, sobrang lamig pa dito. Kaya siguro siya naghahanap ng kayakap kasi malamig.
"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko. Umupo ako sa gilid ng kama.
Umiling siya tsaka ako hinila. Napahiga tuloy ako sa tabi niya. Wahh! Hindi 'yon wrong send!
Siniksik niya ng husto ang katawan niya sa akin. Ang init ng katawan niya. Wala siyang lagnat o ano. Mainit lang talaga. Ang sarap yakapin.
"Kanina pa kita inaantay.." bulong niya sa tenga ko. Gusto ko siyang murahin dahil pinapakilig niya ako ng husto. Halos malunod pa ako dahil sa yakap niya. Para siyang tarsier na todo yakap.
"Nandoon lang naman ako sa sala. Malay ko ba?" sabi ko.
Gustong gusto ko ng ganito. Dati napapanuod ko lang 'to sa mga Korean novela pero ngayon nangyayari na. Dati naiinggit ako sa mga cute couple na napapanuod ko sa youtube ngayon hindi na. Kasi andito na siya.

BINABASA MO ANG
Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]
Teen FictionRaejen Louisse has no boyfriend in her 19 years of existence. Not that she's ugly or something. She's waiting the right guy who will change her relationship status. What will happen if she married the guy she's waiting? They say, Love is everything...