CHAPTER 20: Pregnant

2.7K 53 0
                                    

CHAPTER 20

RAEJEN'S POV

Sinabi na ni Axis sa Daddy niya na gusto kong magtrabaho sa restaurant nila. Hindi pa sinasabi sa akin ni Axis kung pumayag na ba ang Daddy niya.

Nasa school ako ngayon. Saan pa nga ba? Kasama ko si Dash. Nasa student's plaza kami. Tambay tambay lang. Wala kasi kaming klase sa Sociology.

Kumakain kaming dalawa ng icecream. Kanina ko pa tinitignan ang paligid. Hinahanap ko si Axis. Nasaan kaya siya ngayon? Nararamdaman ko, malapit lang siya. Naglalakad lang sa tabi tabi.

"Thank you pala dito sa ice cream ah." Sabi ko kay Dash. Libre niya kasi itong icecream na kinakain ko. Hindi siya umiimik. Kung hindi mo siya kakausapin, hindi siya magsasalita.

Tumango lang siya. Ang sarap bigwasan ng isang 'to! Ang tamad tamad ibuka ang bibig jusko.

"Mayroon daw fieldtrip. Sasama ka ba?" tanong ko. Kukulitin ko siya hanggang sa magsalita.

"I'll see."

"Sumama ka."

Nagtatapid talaga siya ng words. Pero sigurado ako na kung anu-ano ang nasa utak niya. Kapag tahimik maraming iniisip. Kapag puro daldal ang alam walang laman ang isip. Naalala ko tuloy si Sharm.

Pupunta kami sa Vigan next month. Syempre sasama ako. Pandadag din 'yon sa mga experience.

"Dash, mayroon ka bang alam na pwedeng pagtrabahuan. 'Yung mga restaurant na pwedeng pag applayan?" tanong ko ulit. Kung sakaling hindi ako payagan nung Daddy ni Axis na magtrabaho sa restau nila, maghahanap na lang ako ng iba.

"Why?" kumunot ang noo niya.

"Mag aapply sana ako. Gusto ko kasing magtrabaho."

"Meron akong alam. Kailangan mo ba ng pera?"

"Hindi. Experience ang gusto ko. Nakakabored kasi sa bahay,"

"Okay. Mag start ka na bukas."

"Ha? Agad agad? Saan ba 'yan?"

"Sa restaurant ng auntie ko. Nagtatrabaho ako doon."

"Oh? Nagtatrabaho ka? Sige susubukan ko bukas." Ngumiti ako.

Doon na lang ako magtatrabaho para mas madama ko ang hirap ng pagtatrabaho. Gusto kong kumita ng pera na galing sa paghihirap ko. Sana maintindihan ako ni Axis. Sigurado akong hindi siya makakahindi sa akin.

Inantay ko na lang ang oras hanggang sa sumapit ang klase. Iniwan ko na si Dash sa student's plaza kasi papasok na ako.

Habang naglalakad ako sa corridor biglang tumunog ang cellphone ko. Ang laki ng ngiti ko kasi inaasahan ko na si Axis 'yung tumatawag. Kaso hindi. Unknown number.

Na-curious ako kaya sinagot ko. "Hello? Who's this?"

"This is Margarette. We need to talk, Raejen." Aniya. Kumunot kaagad ang noo ko. Saan niya nakuha ang number ko?

"Huh? May klase ako."

"I want to tell you something important. Kung may klase ka.. I'll wait."

Huminga ako ng malalim. "Ok. Sa starbucks." Pinatay ko na ang tawag.

Siguradong tungkol nanaman ito sa pag ibig niya kay Axis. Sigurado akong magmamakaawa siya na ibalik ko sa kanya 'yung lalaking 'yon. Kahit anong mangyari hindi ko ibabalik sa kanya si Axis. Kahit magpakamatay pa siya o lumuha ng dugo wala akong pake!!

Habang nagkaklase, iniisip ko 'yung mga sasabihin ko kay Margarette. Iniisip ko na 'yung mangyayari mamaya para ready na ako sa sagutan namin.

O baka naman natauhan na siya? Narealize niya na wala na talagang pag asa? Aba magpaparty ako kung mawawala na siya.

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon