CHAPTER 4: Idiots

2.7K 70 0
                                    

CHAPTER 4

Raejen's POV

Pagkatapos kong tignan ang kwarto, dumeretso ako sa labas. Sabi ni Axis may swimming pool daw at maliit na basketball court doon. Sa bahay meron ding basketball court. Doon kami naglalaro ni Kuya kapag wala kaming ginagawa. Siguradong mamimiss ko si Kuya kapag lumipat na kami dito.


Hindi naman gaanong mainit sa labas kasi madaming puno sa paligid. Bilog 'yung hugis ng pool, maluwang siya. Jusko baka malunod ako diyan? Hindi ko pa naman alam lumangoy. Muntik na akong malunod noong bata ako. It's traumatic.


Nung hapon na nagpasya na kaming umuwi. Hinatid ako ni Axis. Pumasok siya sa bahay tapos umuwi din kaagad. May aasikasuhin pa daw siya kaya ayun. Nalaman ko na may ipapamana sa kanyang isang Japanese restaurant. Pero nasa Japan iyon. May lahi kasi silang Japanese.


Ang bata pa ni Axis pero ganyan na ang mga ginagawa niya. Samantalang ako papetiks petiks lang.


Dahil linggo ngayon andito lang ako sa bahay na nakatunganga. Ilang days na lang pupunta na kami sa Spain. Siguro pagkatapos netong prelims pupunta na kami. Nag aalala pa ako sa grades ko baka bagsak. Never pa naman akonng nakakuha ng bagsak na grades.


"Himala ah. Hindi ka haggard." Sabi sa akin ni Sharm nung sumunod na araw. Inirapan ko siya at itinuon na lang ang pansin sa ginagawa kong activity. Ang totoo, nag ayos ako kanina. Konting powder lang naman.

"May crush ka? Sino?" usisa naman ni Mikee.

"Wala. Tumahimik nga kayo. Storbo."

"Tomboy!" nagtawanan silang dalawa at patuloy ang pag aasar sa akin.

"Sige lang, sige lang." lalamunin niyo rin 'yang sinasabi niyo.

Nakalimutan kong tanungin ang sched ni Axis. Siguradong mahihirapan siyang habulin ang mga namiss niyang activity. Prelims na kaya mas lalo siyang mahihirapan.

"Alis na ako mga bakla. Byers" Paalam ko kila Mikee. Tapos na ako sa giagawa ko kaya papasok na ako sa next class ko. Maaga pa naman pero pupunta na ako doon.

Halos lahat ng nakakasalubong ko sa corridor kilala ako. Ewan ko ba? Para akong langgam. Friendly ako masyado hehe.

Dumating na ako sa classroom. Binati ko si Dash na busy sa pagbabasa. Kaklase ko sia sa subject na ito. Tumango lang siya sa akin tapos binaling ulit ang mata sa libro. Wala pa 'yung prof kaya ang saya.

"Ah, Raejen.."

"Yep?" napalingon ako kay Dash.

"Pw-pwede ka bang yayain na kumain sa labas?" tanong niya. Napaisip ako. Kakain lang naman sa labas. Diyan siguro sa mcdo.

"Sure. Bakit?"

"I need your help. Tsaka.. di ba tutulungan kita sa pagrereview?"

"Ay oo nga pala. Sige. Bukas." Ngumiti ako.

Habang nagkaklase kami biglang nag vibrate 'yung phone ko. Bawal mag cellphone habang nagkaklase, malilintikan 'yung phone mo kapag nahuli ka nila.

Sinilip ko 'yung phone kong nasa ilalim ng bag. Nakita ko sa screen na si Axis 'yung nagtext.

Pasimple kong binasa. Nakatalikod naman yung prof kaya di niya makikita.

From: Axis ko

Sabay tayong mag lunch.

Asawa ko ang Crush Niyo season 2 [completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon