CHAPTER 7

40 2 0
                                    

You lift my feet off the ground,
You spin me around
You make me crazier crazier
Feels like I'm falling and I'm, I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier....

CHAPTER 7

Tahimik ang biyahe namin pauwi ni Eric, gaya lang nung papunta kami, nothing's new. No one of us bothered to open up what happened earlier.

There are lot of things that are running on my mind now. Bakit ganun ang inaakto niya? He even called me baby which is our endearment when we were still together.

Naguguluhan na talaga ako, yung tipong gugustuhin ko na lang maaksidente at magkaamnesia nang makalimutan ko lahat ng ito.

"You want to eat dinner first bago kita ihatid sa inyo?" He asked me. His eyes are focused on the road.

6:00 na kasi nang marating namin ang kaMaynilaan.

"No I'm good sa bahay na lang siguro." I said and didn't even bothered to take a glance on him.

"You're still not hungry? Lunch pa ang last na kain natin. Mukhang matatraffic pa tayo. Drive-thru?"

"When I said I'm not hungry, I actually mean it. Kung gusto mo kumain, kumain ka mag-isa mo." Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses.
Damn! This guy can make me crazy. I can't even control my emotions when I'm with him.

"Okay. I'll just take you home." He said at halatang may lungkot sa kanyang tinig.

Hindi ko na siya kinibo pa. 7 na ng gabi nang marating namin ang subdivision namin.

"Just drop me there in the guard house. Papasundo na lang ako kay Manong Edgar." I said. Manong Edgar is our family driver.

"No. I insist, ihahatid na kita sa inyo para siguradong safe kang makakauwi." He said.

"Wala kang gate pass di ka nila agad papapasukin. At saka bago yung guard, for sure hindi ka kilala niyan." I told him. May maximum security kasi sa aming subdivision at hindi kaagad makakapasok ang sinumang walang gate pass. Nakatira kasi dito ang ilan sa mga mayayamang negosyante at mga kilalang personalidad.

"Ako bahala. Wag ka na umangal please." he  said  and maneuvered again  the car.

We stopped infront  of the guardhouse. Binaba niya ang bintana para harapin ang guard.

"Good evening po Sir. Kakaalis lang po nung sasakyan ni Mam Brianna." Aniya medyo nagtaka siya nang madako ang tingin niya sa akin pero agad niya rin naman akong binati.

"Good evening din po sa inyo Mam Cara." I just nodded at him.

So, his girl also lives here, maybe that's the reason kung bakit may gate pass siya at kilala siya nung bagong guard.

"Ihahatid ko lang po itong kaibigan ko." Eric said.

Kaibigan? At least he still considers you a friend Cara.

"Sige po, pasok na po kayo Sir."

Pinaandar nang muli ni Eric ang sasakyan papasok sa loob ng subdivision.

"Bree also lives here, huh?" I can't help but to ask him.

"Not really just her relatives. Nakikitira lang siya pansamantala habang naghahanap siya ng condo unit. By the way san ka nakatira ngayon, the one in Block 1 or your other house in Block 4?" He asked. Dalawa kasi ang bahay namin dito.

"Dun sa may Block 1. The other one in block 4 is being renovated." Saad ko at tumango lang siya.

Niliko niya sa isang kanto papunta sa bahay namin. Malayo pa lang ay nakita kong may nakaparadang dalawang sasakyan sa tapat ng bahay.

You Still Have My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon