Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa aking mga kasamahan, nagdiretso na lang ako palabas ng bakuran at nagtungo sa aming tinutuluyan.Nakapagdesisyon na ako. I quit.
As soon as I enter the house, I called Renz.
"Hello Renz. Ayaw ko na." Umiiyak kong sabi sa kanya.
"What happened? Sinaktan ka na naman ba niya?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Pagod na ko Renz. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Maybe it's not yet the right time para sa closure na sinasabi mo. Lalo lang kaming nagkakasakitan, mas maganda siguro kung lumayo muna kami sa isa't-isa."
"Are you really sure of that? I understand. Do you still want to work on my company? Ipupull-out na lang kita sa project dyan."
"Yes Renz. Thank you so much. I don't want to left them hanging pero tama na sigurong itigil na ang kahibangan kong to. Ikaw na bahalang umisip ng rason, just don't tell them the real reason why. I owe you a lot." sabi ko at tuluyan ng binaba ang tawag.
Renz is my forever saviour. Buti na lang at andyan siya lagi para sa akin. Kaya lang hindi ko maiwasang hindi maguilty, lalo na't umamin siya sa akin sa kanyang tunay na nararamdaman, ngunit para bang lagi kong pinaparamdam sa kanya na kailanma'y hindi niya mapapalitan si Eric sa puso.
Marami rin akong hindi nababanggit sa kanya lalo na ng pagkakaroon ko ng instant boyfriend.
Matapos kong iimpake lahat ng aking gamit ay lumabas na ako bitbit si mingming.
Hindi na ako nagulat ng makita ko si Eric na nakasandal sa aking sasakyan. It's like he's expecting na gagawin ko ang bagay na ito.
Nadako ang tingin niya sa akin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I ignored his presence at dire-diretsong lumapit doon.
"Cara, please don't do this. Pag-usapan natin to nang masinsinan." Sabi niya nang tuluyan na akong nakalapit.
I ignore him and tried to shove him para mabuksan ang sasakyan para mailagay ang aking gamit.
Mabuti na lang at lumayo siya ng konti dahil alam kong bubuhos na naman ang aking luha sa oras na magbibitiw ako ng salita.
Nang tuluyan ko ng maipasok ang aking gamit pati na rin si mingming, ay umikot ako para buksan ang driver's seat. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay naramdam ko ang baghawak niya sa aking braso at pinaikot niya ako para iharap sa kanya. Matapos ang ilang segundo ay naramdaman ko na lamang na nakasandal na ako sa sasakyan habang hawak niya ang aking balikat.
Wala akong magawa kundi ang makipagtitigan sa kanyang mga mata. Pinilit kong umiwas at pumiglas ngunit wala lang ito sa kanya.
Mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at patuloy lang din ako sa pag-iwas dito. I can't even say a single thing.
"Cara, I still love you. Listen to me, please don't leave." naramdaman ko na lamang na pinaglapat niya ang aming mga labi matapos niya iyong sabihin. The kiss was so passionate at hindi ko magawang itulak siya dahil sa pagkabigla. Para bang hinihigop ng kanyang labi ang aking lakas.
Tumigil lamang siya nang may tumulong luha sa aking mga mata.
"Please don't cry. Let me ease the pain that I've caused you. Huwag kang umalis, huwag mo akong iwan." he plead.
Sinuklian ko naman iyon ng isang malutong na sampal.
"Wala kang karapatang sabihin yan dahil ikaw ang unang nang-iwan!" sabi ko at nakita ko siyang yumuko at hindi rin nakalampas sa aking paningin ang pagtulo ng isang butil ng luha galing sa kanyang mga mata.