Whoa, oh, I'm feeling you baby
Don't be afraid to
Jump then fall
Jump then fall into me
Be there, never gonna leave you
Say that you wanna be with me too
So I'mma stay through it all
So jump then fallCHAPTER 11
Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang telepono ay tinignan niya ako. Magkasalubong ang kanyang mga kilay, disgust is written on his face. Sinuklian ko ito ng pagkunot sa aking noo.
"Akala ko ba uuwi ka ng Maynila? And as far as I can remember, you're car is in good condition." I said.
Iniwas niya naman ang kanyang tingin sa akin.
"It's not that important. And listen Cara..." muli siyang tumingin sa akin at muli kong nakita ang seryoso niyang mga mata. "Just the thought of you and my cousin staying here, just the two of you makes me insane. I won't ever let that happen." Aniya at tumalikod na sa akin at nagtungo palabas ng bahay.
Naiwan naman akong tulala sa aking kinatatayuan. What he said keeps replaying in my mind.
'Ano naman gusto niya palabasin?'
'Nagseselos kaya siya.?' Posible naman diba? Ayoko mag-assume pero wala na akong iba pang dahilan na maisip kung bakit siya ganun.
Napangiti tuloy ako. Does he still wants me in his life? Paano na yung closure na sinasabi ni Renz?Napailing na lang ako sa aking mga naiisip. Unti-unti nang nagugulo ang aking isipan
Before I knew it, lumabas na pala ako ng bahay at hinahanap si Eric.
Then I saw him sitting in a hammock. Medyo madilim sa lugar na iyon ngunit naaninag ko siyang nakayuko with his hands on his face.
Nagdadalawang-isip ako kung lalapit ba ako o hindi.
Kung lalapit ako, ano naman sasabihin ko? Mukhang malalim ang kanyang iniisip at baka makaistorbo lang ako sa kanya.
In the end, napagpasyahan ko rin lang na lapitan siya.
Nakayuko pa rin siya nang makalapit ako kaya I assume hindi pa niya naramdaman ang presence ko.
I just stood infront of him and waited until he finally noticed me.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata, marahil hindi niya inaasahan na susundan ko siya rito.
"Is there something bothering you?" kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyan.
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at nakita ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Can you join me for a while?" yan ang sabi niya imbes na sagutin ang aking tanong.
"Huh? Pasok na tayo sa loob, medyo malamok na kasi dito." I told him.
"Please just for few minutes. Alam ko pag pumasok tayo dun, your attention will be on Renz again. Bigyan mo muna ako ng oras para masolo ka." He said and pulled me patabi sa kanya.
Dinikit niya ako sa kanya habang ang kanyang mga braso ay nasa aking balikat.
I feel really awkward at the moment.
Nasa mukha ko pa rin ang pagkagulat dahil sa kanyang mga sinabi at ikinikilos.
"Alam mo ba, I've waited long for this to happen again. Alam ko naman na wala na akong karapatan sayo. And what I'm doing right now isn't right, alam nating dalawa na I'm committed. But damnit! Whenever you're around I lose my control." he said while looking at the sky above.