You dont have to call anymore
I wont pick up the phone
This is the last straw
Dont wanna hurt anymore
And you can tell me that you're sorry
But I dont believe you baby
Like I did before
You're not sorry...Chapter 14
Madaling araw pa lamang ng Lunes ay bumyahe na ako patungong Tagaytay. I'm now using my car, maayos na ito at maganda na rin ang takbo.
Nasa passenger seat si minging at payapa itong natutulog.
Maamo at malambing si mingming kaya naman agad ko siyang nagustuhan.It's already 6:30 in the morning when I reached the hacienda.
Naabutan ko si Mang Tonyo, isa sa mga trabahador na may hila-hilang mga kambing.
"Magandang umaga po Mang Tonyo!" masigla kong bati sa kanya nang ako'y makababa ng sasakyan.
"Oh. Mas maganda ka pa sa umaga Mam Cara." ganting bati niya sa akin.
"Napakabolero niyo naman po. Kamusta na po? May mga naganap po ba nung mga panahong wala ako?" tanong ko.
"Wala naman gaano iha. Ngunit nitong mga nakaraang araw, laging may inuman dito.Para ngang laging may pista." matawa-tawa niyang tugon na siya namang ikinakunot ng aking noo.
Sa aking pagkakaalam ay hindi pa sa mga panahong ito ang kanilang anihan.
"Huh? Bakit niyo naman po nasabi?" tanong ko ulit.
"Eh paano ba naman, yung mga kasamahan mong mga lalaki ay panay ang yaya sa aming mag-inuman. Lalo na yang si Sir Eric. Kung tatanungin naman namin kung may problema siya ay iiling na lang siya at sasabihing pagod daw siya sa trabaho kung kaya't nais niyang mag-inom para mawala ang pagod." mahabang paliwanag niya sa akin.
"Ah ganun po ba, hayaan niyo na lamang po. Siguro ay nasanay lang siya sa mga gawain niya nung nasa Amerika pa siya." ganting saad ko naman.
"Pero parang may pinagdadaanan po siya. Lagi siyang nalalasing at kailangan pa naming ihatid sa kanyang tinutuluyan. At kung pwede sana'y kausapin mo siya baka sakaling sabihin niya sayo ang kanyang problema." aniya.
"Susubukan ko po. Sige po mukhang nakakaabala na po ako. Magandang umaga po ulit." sabi ko at tuluyan ng pinutol ang aming pag-uusap. Sinuklian niya naman ako ng ngiti bago siya humayo upang magpastol.
Bumalik ako sa aking sasakyan para kunin si mingming at aking ang aking mga gamit.
Nagtungo ako sa tapat ng aming tinutuluyan, bubuksan ko na sana ito gamit ang aking susi nang bigla na lang itong bumukas at tumambad sa akin ang matipunong pangangatawan ni Eric.
Opo. Tama po kayo ng nabasa, ang katawan niya talaga ang tumambad sa akin. Ewan ko ba sa mga lalaking ito kung bakit ang hilig nilang ibalandra ang katawan nila.
"Enjoying the view huh?" aniya.
Namula naman ang aking mukha at agad iniwas ang aking paningin sa kanyang topless na katawan.
Like I said before, sa kanya lang ako nagkakaroon ng ganitong klaseng reaksyon.
"Ahh...Hindi ah! Alis ka nga dyan haharang-harang ka sa daan!" depensa ko sa aking sarili.
Tumalikod ako saglit upang kunin ang aking mga gamit at dumiretso na papasok.
I went directly to my room and laid there for a while.
"Cara, you need to avoid him as much as possible. Don't talk to him if it's not important. And maintain at least a meter ayaw from him. No physical contacts and no stuttering when talking to him." pabulong na pangaral ko sa aking sarili.