Chapter 4: Yes.

12K 102 34
                                    

CHAPTER 4: YES.

“O-okay ka lang miss?”  tanong ito ng lalaki na nakasalo kay Claire. Si Claire naman ay hindi nakaimik dahil in shock parin ito sa pangyayari.

“Miss, wake up, hey! Are you alright?” tanong ulit ito nung lalaki kay Claire na ngayon ay marihin na tinatapik-tapik ang kanyang pisngi. Dun naman natauhan si Claire sa pinag gagawa niya.

“I-I’m fine, you can bring me down now.” Sabi ni Claire duon sa lalaki kaya naman binaba na siya nito. Nahiya naman si Claire kaya umupo na lang siya sa fountain at tinignan ang kanyang nasirang sapatos, nasira ang takong nito.

Shit this! Wrong timing pa.  sabi niya na lang sa isip-isp niya.

“I’m sorry for what happened earlier, nagulat kita. Akala ko kasi kung ano ang ginagawa mo sa taas ng fountain.” She was shock when the boy speaks to her ang akala niya kasi umalis na ito, ni hindi man niya lang napasin na tumabi ito sa kanya sa pag ka upo niya pero may pagitan naman ito.

“Okay lang.” yun lang ang tanging nasabi niya dahil nakatuon parin siya sa sapatos niyang nasira. Nag iisip kasi siya ng paraan kung papaano reremedyuhan yung sapatos niya.

“May hinahanap kasi ako.” dugtong niya.  Nag dahilan na lang siya kahit ang totoo naman ay wala talagang siyang hinahanap.

“Gusto mo tulungan kita?” pag aalok pa nung lalaki sa kanya. Dun lang napatingin si Claire sa lalaki. Bahagya siyang  natigilan nung matitigan niya yung lalaki, ngayon niya lang napansin na gwapo pala ito, maputi ang balat nito, matangos ang ilong nito at ang kanyang labi ay maliit ngunit mapupula. Tumaas ang tingin niya nakita niya ang mga mata nito na kulay light brown at mas lalo pa ito nakakaattract dahil nakasuot siya ng eye glasses. Napa tingin ulit siya sa mga labi nito at nakita niyang nakangisi na ito, duon lang pumasok sa utak niya na kanina pa niya tinitigan yung lalaki kaya naman na pa iwas siya ng tingin.

Ang tanga, tanga mo talaga Hyacinth Claire! Nakakahiya duon sa lalaki, mamaya kung ano isipin niya sayo eh. Sa loob-loob ni Hya.

“Ahmm, wag na.. baka nasa kotse lang yung hinahanap ko.” Duon lang sumagot si Hya. Hindi niya tinignan ito, sa halip ay inaayos-ayos niya  na lang yung sapatos niya.

“Okay, if you say so.” Sabi nung lalaki, hindi na siya sumagot dahil awkward parin para kay Claire yung pagtitig niya sa lalaki, buti na lang at hindi naman nag salita nung kung ano yung lalaki sa ginawa niya.

*SILENCE~

 

 

 

“Alam mo…”  naputol yung sasabihin nung lalaki dahil bigla nalang nito kinuha yung sapatos niya.

“Hey,  anung ginagawa mo?” nagulat kasi siya dahil biglaan kinuha yung sapatos niya. Subalit hindi siya pinansin nung lalaki. Nakita niya na lang na may ginagawa ito sa sapatos niya.

“Oh ayan, pantay na.” sabi nito sa kanya sabay ngiti tapos binigay na sa kanya yung sapatos. Tinanggal kasi nung lalaki yung takong ng isang niyang sapatos.

“Ah.. tha-thanks.” Aniya.

“No prob.” Nakangiting tugon ng lalaki, sabay ayos ng salamin nito na para bang nahuhulog sa  kanyang ilong.

“So pano una na ako ah?” sabay tayo nung lalaki sa pagkakaupo kaya naman napatayo narin si Claire bigay galang dito.

“Ah okay.” Sabi ni Claire. Naglakad na yung lalaki pero bigla itong huminto ito at humarap sa kanya.

Bestfriend with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon