JAOF 57: He Stole My First Kiss

12 2 0
                                    

Chapter 57

Trisha's POV

"I. Can't. Believe. This." nakatulalang sabi ni Tan.

Hanggang ngayon hindi pa din kami maka-get over sa nangyari kanina. At hanggang ngayon, andito pa din kami naka-tayo at naka-tingin sa kawalan.

"Ayaw mo ba nun? May bago na si Rence. We should be happy." sabi ko sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Hindi naman sa ganun but... Parang may mali eh. Parang biglaan. Eh wala naman siyang naku-kwento saking ganyan. At never siyang nag-kwento ng ganyan simula nung umalis siya ng Pilipinas."

"Eh malay mo, balak ka ding i-surprise?" tanong ko.

'Pero bakit si Natalie pa?' tanong ko sa sarili ko.

Is it just coincidence or sinadya? Pero bakit naman niya sasadyain? Hay! Ewan! Ang sakit talaga sa ulo!

Natalie's POV

"So, you two, what do you think are you doing huh? Magpapatayan ba kayo?!" singhal ko sa dalawang mokong na nasa harapan ko. Balita ko, bati na daw sila pero kahit na. Kailangan ko pa din silang kausapin.

"I'm telling you, we're okay now." iritadong sagot naman ni Brad.

"But look at you! Mukha ka bang okay? Sa itsura mo ngayon mukha kang kinidnap for ransom! Baka gusto mong dagdagan ko yang mga pasa sa mukha mo ha?" hindi ko nature ang pagtataray pero ewan ko ba dito. Jusko!

"Go ahead. Sa totoo lang, kulang pa nga tong mga to sa ginawa ko kay Trisha." narinig kong bulong niya. I'm really curious of Trisha. Sino ba talaga siya? Bakit niya napag-away ang dalawang mokong na to?

"I'm sorry? What did you say?" I acted like I didn't hear anything.

"Nothing." walang ganang tanong niya.

"Look Natalie, nagka-ayos na kami ni Brad so nothing to worry about." inakbayan pa ni Tristan si Brad at kumindat sakin. Si Brad? Ayun, ngumiti ng matamlay.

'There's somethng happening here that I don't know." sabi ko sa sarili ko.

"Okay? So you two can talk to each other now. Pupuntahan ko lang sila James at Connor." I didn't wait for their answers and leave them alone.

"Oh sakto. May kailangan ako sa inyo." sabi ko sa kanila at umupo sa sofa.

"What it is?" tanong ni James sa akin.

"Who is Trisha and where is she?" seryosong tanong ko sa kanila.

"Uhm... I think mas maganda kung ikaw mismo ang makaka-alam kung sino siya." - Connor

"I'll just tell you the place kung nasaan siya." - James

Sino ba talaga siya? Bakit ayaw nilang sabihin sa akin kung sino siya? Anong kinalaman niya sa away ni Tristan at Brad?

"Be sure. Pupuntahan ko siya." iniwan ko sila dun sa may lobby at pumara na ng taxi.

*bzzzt*

May na-receive akong text at yun yung place kung nasaan si Trisha. We (me and the driver) just used GPS to locate the place easily.

"Thank you kuya. Keep the change."

Naglibot muna ako sa buong place nang may narinig akong parang nag-aaway. Lumapit ako sa direksyon kung saan ko yun narinig at napunta ako sa parking lot. Tama! Dito nga!

Ay teka. Mali naman ata to. Baka masama pa ako sa away nila. Pero baka kilala nila si Trisha. Hindi naman masamang magtanong di ba? Malay niyo matigil pa yung away nila.

"Excuse me? Who's Trisha--" napa-tigil ako sa pagsasalita nung nakita ko na umiiyak yung isang baba at yung lalaki.

Teka... Kilala ko to ah.

"Hey I know you--" hindi ko na natuloy yung sinabi ko dahil bigla niya akong hinigit at... At... At... At... H-hinalikan.

Fuck. H-he stole m-my first k-kiss.

Naramdaman ko na lang na hinila niya ako paalis at isinakay niya ako sa kotse. I think kotse niya to.

"I hate you! I hate you! I hate you!"

"A-aray! Stop it! Aw!" sigaw niya habang hinahampas ko siya.

"Fuck it! Don't you know how to say sorry?! You stole my first kiss!" sabi ko sa kanya at lumabas na sa kotse niya.

Hahanapin ko na lang yung dalawang babae kanina.

"Uhm miss... Do you know who's Trisha?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Me." tipid na sagot nung babaeng kasama nung nagnakaw ng first kiss ko. Leche yun!

"Ikaw?! Ohmy. Sa ganda mo kasing yan sinong hindi mapapa-away?" bulong ko sa sarili ko.

"What? Nag-away kayo ni Rence dahil sakin? Wait Natalie, we're not in a relationship and I'm telling you the truth. I'm sorry." sabi niya at yumuko. Teka? Ano bang pinagsasasabi neto?

"No! Hell no! Walang kami ni nung lalaking yun. I just met him on UK. Oh! By the way I'm here to talk to you." kinindatan ko siya sabay turo sa kanya. At siya, mukhang gulat na gulat sa ginawa ko. "Oh ofcourse kasama ka. Ikaw. Yung girlfriend ni Connor. Let's go!" hinila ko na sila papunta sa isang park.

Park...

"Uhm, Natalie bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong ni Trisha sakin.

"Ay oo nga pala!" napa-tayo pa ako ng di oras sa bench at inubos agad yung ice cream na kinakain ko. "I'm here to ask you kung anong kinalaman mo sa away ni Brad at Tristan? Ayaw kasing sabihin sakin--"

"What?! Nag-away sila? I'm so sorry I don't know about that. Ako ba talaga yung pinag-awayan nila?" natatarantang tanong niya.

"Oo nag-away sila. But don't worry bati na daw sila ngayon."

"I'm really sorry kung ako man yung pinag-awayan nila but believe me wala akong alam. Actually kasama ko si Tristan kanina at wala naman siyang naku-kwento sakin na ganun."

"I believe you. It's just that... hay ewan ko ba sa dalawang yun. If you want to know the reason, just talk to them. Kasi kahit ako hindi ko alam yung rason eh." hinawakan ko ang kamay niya.

Whatever the reason is, she's very lucky. Hindi ko alam kung bakit but I have a strong feeling that she's really something.


Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon