JAOF 40: Tiring Day

14 2 0
                                    

Chapter 40

Tanya's POV

I can feel it! I can feel na parang nagugustuhan na ni Trisha si Tristan. Pero ramdam ko na naguguluhan din siya. Haler?! Ako nga tong best friend eh gulong-gulo din sa babaeng yan. Mahal si Brad pero parang may umaagaw sa atensyon na binibigay niya kay Brad. Eto namang si Tristan, ewan ko ba kung may gusto talaga yan kay Trisha. Pero sabi sakin ni Con, panay daw ang stalk sa kanya ni Tristan sa fb, twitter at instagram. Adik. Eto namang si Trisha, panay din ang stalk kay Brad. Ni hindi namamalayan yung ginagawang effort sa kanya ni Tristan. Manhid ata to eh. Kahit kay Terrence ganun din siya. Haaay buhay ng mga taong to. Buti pa kami ni Connor walang problema. Hihihi. 😊❤️ Ma-chat nga siya habang naka-red light pa yung traffic light.

Me: Hi Con! How are you? ❤️

Mamaya ko na lang hihintayin yung reply niya. Alam ko namang busy din siya for their 2nd album. Tumingin ako sa left side ko kung saan andun si Trisha. She looks so bothered. Halla, totoo ngang naguguluhan siya.

Bumusina ako sa kanya at agad naman siyang tumingin sa gawi ko. Sa tutuusin parehas kami ng sasakyan at busina. Ang sasakyan niya color red para daw kunwari related sa The Vamps samantalang ako color blue. Favorite color ni Con. 💙

Sumenyas ako if okay lang siya. Nag-aalala kasi ako dito eh. Gumaan naman yung loob ko nung nag-thumbs up siya. Pero alam ko namang naguguluhan pa din siya. Di ko naman siya masisisi eh. Gusto niya si Brad este mahal pala. Tapos eto nama si Trostan na todo kung nag-effort sa kanya. Yung tipong, kahit malayo sila sa isa't isa, andyan si Tristan lagi para kay Trisha. Na kahit gano pa sila ka-busy humahanap siya ng time para lang maka-usap/maka-chat si Trisha. Eto namang si bes, ewan ko lang kung napapansin yung mga ginagawa ni Tristan o talagang na kay Brad na lahat ng oras niya? Kung hindi ko pa siguro sinabi yung opinyon ko hindi pa siya matatauhan eh.

Trisha's POV

After ng klase namin, dumiretso kami ni Tan dito sa mall para naman mag-libang. Subsob kasi kami masyado sa trabaho. Dun kami sa may Bon Chon kumain.

"Bes, si Tristan ba nag-chat na sayo?" tanong niya habang hinihintay namin yung order namin dito sa table. Eto na naman po tayo. Kita na ngang naguguluhan na ako tapos binanggit na naman niya si Tristan.

Tinignan ko siya ng masama.

"Kung mang-aasar ka lang Tan, please wag ngayon. Masyado na akong naguguluhan." cold na sabi ko.

"Eh hindi naman ako nang-aasar bes eh. Kasi si Con. Di pa siya nagre-reply sakin." ay kay Connor naman pala. Akala ko mang-aasar na naman siya eh.

"Er... Di pa din nga siya nagre-reply. Hayaan mo na. Baka busy sila. Balita ko kasi sa November na yung ire-release yung 2nd album nila eh. So kailangan siguro nilang mag-double time para mabilis matapos. Sabay pa nung mga tour nila with The Tide."

"Talagang fangirl na fangirl ang dating ah. Naks naman. Kaya di ako nagsisisi na naging Vampette din ako eh." proud na sabi niya sabay bunggo sa balikat ko.

"If I know si Connor lang naman ang dahilan kung bakit ka naging Vampette. Like duh?" pang-aasar ko sa kanya.

"Eh okay na yun. Nga pala bes, anong plano mo sa class niyo? Malapit na ang Valentines Day." geez! Buti pina-alala mo Tan!

"Oo nga pala nuh!" sabay palo ko sa noo ko. "Sige mamayang gabi ko na lang iisipin." urgh! Grabe ang hassle ng schedule ko.

"Naku, tigil fangirling muna bes. Focus muna tayo sa school. Sabagay malapit nang mag-bakasyon. Isang buwan na lang." may point nga naman siya.

---------------

Pagdating ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nag-ayos. Naligo ako para naman ma-freshen up. Ang init na kasi ng panahon at feeling ko pati ako mainit na din.

Pagkatapos kong maligo, gumawa na ako sa lesson plan ko. Habang busy ako, nagpapatugtog ako ng musics ng The Vamps. Syempre para may inspiration.

9:48 na nung natapos kong gawin yung lesson plan ko. Kailangan ko pa palang ayusin yung mga pinamili namin ni Tan kanina. Bumili kasi ako ng mga pang-decorate for the coming Valentines Day at ganun din naman siya. Bumili din ako ng mga ballpen, scissors, notebook, coupon bond, etc. Hindi porket isa na akong teacher eh hindi na ako gumagamit ng mga ganyan. Syempre kailngan ko pa din yang mga yan kahit papano.

Pagkatapos kong mag-ayos, nag-isip na ko ng mga pakulo ko sa Valentines. Sana magustuhan ng mga estudyante ko yung plano ko.

---------------

*kriiing! kriiing! kriiing!*

Teka, alarm ko yun ah.

"Urgh!" napa-sabunot na lang ako sa sarili ko. Pano ba naman dito na pala ako sa desk ko naka-tulog.

Pero panong...

Tinignan ko yung phone ko at pinatay ang alarm. Napa-ngiti na lang ako dun sa naka-lagay sa alarm.

'Alam kong busy ka mamaya kaya sinet ko na tong alarm. Baka makalimutan mo na namang mag-alarm eh. :))'

Ang sweet talaga ng best friend ko. Kahit lagi akong inaasar nyan may sweetness pa ding tinatago yan.

---------------

Please vote, comment and share. Mag-comment naman po kayo para alam ko kung anong feedbacks niyo at yung mga pwede ko pang baguhin or i-correct. Salamat!

Fb: Trisha Mae Alamillo Burgo
Twitter: @TriiishaMae & @PHTheVampettes
IG: trishamae_vampettes.smiler

Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon