JAOF 55: Unexpected Person

11 1 0
                                    

Chapter 55

Natalie's POV

"What?! Wait, susunod ako dyan."

Nalaman kong nag-away sila Brad at Tristan. And it's because of Trisha. So? Naka-move on na pala ang 'lil brother ko sa Lauren na yun? Mabuti naman, dahil in the first place, ayoko na talaga sa babaeng yun.

Pero bakit sila nag-away ni Tristan? And the worst is, dahil pa sa isang babae. I smell something... Naku! Wag naman sana silang mabuwag. Halos magkakapatid na ang turingan nila tapos mag-aaway na lang sila basta-basta para lang sa babaeng yun? She must be special.

Hmmm... I wanna know her. See you in a bit Philippines.

Trisha's POV

"Ano bang nangyari?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!" bulyaw ko agad kay Tan.

"Eh kasi ayaw niyang malaman mo. Hindi ko naman alam na ito ang gagawin niya." naiiyak na sambit ni Tan.

Nalaman kong sinuntok ni Rence si Brad kani-kanina lang. Knowing Rence, hindi siya nakikipag-basag ulo. Never pa nga yan nakipag-suntukan eh. Tapos biglang ganito? Malalaman ko na lang na sinuntok niya si Brad? Ano? Yan ba ang natutunan niya sa ibang bansa? Yan ba ang sinasabi niyang mas ikakabuti niya?

"Where is Brad?" tanong ni Tristan.

"Nandun daw siya sa room niya." tilid na sagot ni Tan.

"Pupuntahan ko siya. sabi niya. Maglalakad na sana siya pero hinigit ko siya.

"P-pwede ba akong sumama?" nahihiya at naka-yukong tanong ko sa kanya.

"Are you sure?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Okay you're coming." sabi niya at ngumiti ng tipid.

Hindi ko alam pero biglang gumaan yung pakiramdam ko nung narinig ko yun. Nag-aalala kasi ako sa kanya. Masokista ba? Tanga ba? Eh sa mahal ko pa di eh. Si Tristan? I'm trying to give attention for him naman. Oo mas lamang siya kay Brad. Mas mabait, maalaga. Pero hindi ko alam kung bakit si Brad pa din. Maybe it's because of my stupid heart. Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan yung taong minahal mo eh. Kahit na nasaktan ka niya. Oo andun yung galit. And at the same time, andun din pa din yung love.

Why do I kept loving a person who can't love me back?

"Trisha, we're here." sabi ni Tristan. Hindi ko namalayang andito na pala kami sa tapat ng room niya.

*tok tok tok*

"Oh Tris--" biglang napa-tigil si Brad sa pagsasalita at napa-tingin sa akin. I don't know but I can't look at him. Siguro nga, andito pa din yung sakit at galit.

"Pasok muna kayo." sabi niya at mas binuksan pa yung pintuan. Naramdaman ko namang hinawakan ni Tristan yung kamay ko bago kami pumasok. At ako? Ayun, naka-yuko.

"What happened?" panimula ni Tristan.

"I-I don't know. Pinatawag na lang niya ako sa lobby at ayun. Sinuntok. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa mga pasa ko kahapon tapos ngayon, may panibagong pasa na naman. Great!" he said sarcastically. Na-curious na,an ako sa itsura niya kaya bigla na lang akong napa-angat at napa-tingin sa kanya.

"*gasp* A-anong nangyari... sayo?" pahina ng pahinang tanong ko sa kanya. I don't know if I'm just assuming pero parang nag-liwanag yung mukha niya nung tinanong ko yun sa kanya.

"Ha? Ito?" sabay turo niya sa mga pasa niya. "Wala ito. Karma ko lang siguro." what does he mean?

"What do you mean?" tanong ko sa kanya. Karma saan?

'Baka sa ginawa niya sayo.' sabi ng isip ko. May part na parang naniniwala ako at may part naman na parang imposible.

"Look Trisha, mas masakit yung ginawa ko sa--"

"Brad?! Ohmy! What happened to you?!" muntik na akong mapa-talong sa gulat nung narinig kong may sumigaw. Unti-unti ko naman itong nilingon at...

"N-Natalie S-Simpson?" hindi ako maka-paniwala. Nandito siya? But how?

"What are you doing here?" tanong ni Brad. Halata sa mukha niya na nagulat din siya. Teka, hindi niya alam na dadating si Natalie? Ano kayang pakay niya dito?

"Uhm, I'm sorry miss. Can you please go outside for a while? Mag-uusap lang kami ng mga mokong na to." on the first place, parang nakaramdam ako na masungit siya. Pero yung sa pangalawa niya sinabi, gusto kong matawa. Kasi tinawag niyang mokong si Brad at Tristan. 😂 Siya lang nakaka-tawag sa kanila ng ganyan.

"Um, sure." nginitian ko lang siya at tumingin kila Brad at Tristan bago lumabas.

"Bes, ano daw? May nakita akong babae kanina ah. Tinatanong niya kung saan yung room ni Brad. Girlfriend niya ba yun? Ano ba yan di hamak na mas magada ka pa naman dun. Hindi ko alam na ganun pala yung mga taste ni Brad sa mga babae. Yung tipong mas matanda sa kanya-- aray naman!" bigla kong pinektusan si Tanya.

"Alam mo, ang daldal mo. Hindi mo ba siya kilala?"

"Aba bes, sa tingin mo ba tatanungin ko pa sayo kung kilala ko siya? Malamang hindi. Common sense naman oh-- mm..."

"Pano ka naging Vampette kung hindi mo siya kilala? Urgh! She's Natalie. Natalie Simpson. Sister of Brad." Tan was left there out of blue.

"Speechless?"

"Hindi nuh. Wala naman akong pake dyan. Buti kung kapatid pa yan ni Con. Eh di sana kanina ko pa kinaibigan yan-- aray! Kanina ka pa ha." pinektusan ko ulit siya. Jusko naman. Isa ding sakit sa ulo tong best friend kong to eh.

"Alam mo, parehas kayo ni Rence! Kayong lahat! Sakit sa ulo! Urgh!" iniwan ko na siya sa lobby at dumiretso sa katabi ng hotel na cafeteria. Oorder muna ako ng frappé.

"Teka bes! Wait for me! Iku-kwento ko na yung kay Terrence!"

Wait what? I need to know the reason.

---------------


Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon