JAOF 39: Natalie Simpson

36 3 0
                                    

Chapter 39

Terrence's POV

Andito ako ngayon sa labas ng bahay nila Brad. Pero parang wala siya dito. Baka nasa tour? Tsaka baka di pa nakakabalik.

Bumaba na ako sa kotse ko at pumunta sa harap ng bahay nila. Baka may tao sa loob.

Kakatok ba ako? Pero kung kakatok ako, anong sasabihin ko? Hinahanap ko si Brad? Luh, baka pagakalain akong bakla. Eh alangan namang si Jesse ang pinunta ko dito? Ulol lang? Yung ate niya? Psh di naman kami close nun. Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa eh.

Habang nag-iisip ako, pabalik-balik lang ako sa paglalakad. Nung nakaramdam naman ako ng pagod, umupo ako sa may hagdan dito sa may terrace nila. Wala bang tao dito? O sadyang tahimik lang sila? Ganito kasi sa ibang bansa eh. Mga kapitbahay ko nga ang tahimik. Kahit ata masunugan na eh tahimik pa din. Di tulad sa Pilipinas, sa sobrang ingay akala mo mga naka-walang ewan. Tapos--

*splash*

"Ayputanginangyan!" nagulat ako nung biglang may bumuhos saking malamig na tubig. Oo! Malamig talaga! As in may yelo eh. Tumayo ako at basang-basa na ako. Tangina! Tumingin ako sa taas at nakita ko ang isang babae na may hawak ng isang timba. Urgh! Siya siguro yung nagbuhos nun sakin?!

"Hey you! Are you crazy? Why did you do that?" dinuro-duro ko na yung babae.

"Me?" pa-inosenteng tanong niya sabay turo din sa sarili niya.

"Ay hindi. Ikaw nga di ba? May iba pa bang tao dito ha? Common sense naman oh!" badtrip!

"What did you just said? I can't understand you! Is that what you call alien language? Oh, so obvious because you look like alien. HAHAHAHA." sobra na to ha. Ako mukhang alien? Sa gwapo kong to?

"The ef did you just said? Look at me! I'm wet! It's your fault! And you really don't understand me because I'm using Filipino language. And you don't know that kind of language. It was only used in our country Philippines." ay teka. Bakit ba ko nakikipag-usap dito? May atraso pa sakin to eh.

"Oh I'm sorry. I thought you're a thief because I saw you in our cctv and you're walking like an idiot infront of our house." aish! Ginagalit ba ko ng babaeng to? Leche to ah.

"Your sorry has nothing to do. Where's Brad?" di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Siya lang naman ang pinunta ko dito eh. And the worst is, ganito pa kinahinatnan ko.

"He's not here. So you can go now. Bye!" umalis na siya sa bintana. At take note! May wink pa siyang nalalaman nung bye siya. Malandi ata to eh. 😑

Wala pa siya dito, so wala akong magagawa kundi umalis at sumakay sa kotse ko ng basa! Natalie Simpson you will pay for this!

Trisha's POV

Mabuti naman at nagising ako ng maaga. Hindi din ako late. Naalala ko nga pala, naka-tulog ako sa paghihintay sa reply ni Brad. Pero wala eh. Sakit!

I decided to go downstairs and eat my breakfast. Nadatnan ko din naman si Tan dun sa may living room.

"Hay salamat at hindi ka na late na nagising." dadaldal na naman to buong magdamag eh. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa may kitchen.

"Ay! Snob ganun?" sinundan niya ako hanggang dito sa kitchen. "Teka, seenzoned ka na naman nuh? Kay Brad ba o kay Tristan? Ay hindi ka pala masi-seen kay Tristan kasi--"

"Kung ayaw mo akong ma-late let me eat my breakfast and stop talking about them. Okay?" badtrip naman kasi Brad.

"Ow. Sabi ko nga. Eatwell bes! Wait na lang kita sa may sala. Kain mabuti ha? Baka gutom lang yan." tumingin naman ako sa kanya at bigla siyang nag-peace sign.

Kailan ko kaya ulit makaka-chat si Brad ng matino? Ang last kasi na chat namin ng matino at mahaba eh nung kagagaling nila dito. After that, wala na. Madalang na kaming mag-chat. Di tulad ni Tristan. Urgh! Tristan na naman!

"Ummm... Bes? Kawawa naman yung ham. Gutay-gutay na." kung hindi pa sinabi ni Tan yun sakin hindi pa ako mapapa-tingin sa pagkain ko.

"Ah kasi mas masarap pag ganito." palusot ko tsaka ngumiti na lang.

"I know that kind of smile bes! Wala kang maloloko dito. Ano na naman bang nangyari ha? Go spill. Makikinig lang ako." kumuha siya ng ham at tinapay sa may lamesa sabay taas baba ng kilay niya sakin.

"Bes. Ikaw kasi eh!" panimula ko sabay palo ng mahina sa braso niya.

"Aray ko! Ako? Bakit ako?" pagtataka niya.

"Nalilito ako."

"Saan? Ano? Pa-suspense ka pa dyan eh." inirapan niya ako at kumagat ulit sa tinapay.

"Kay Tristan at Brad kasi--"

"Ha?!" napatayo siya ng di oras. "Naku! Sinasabi ko na nga ba eh! Nanliligaw na si Tristan nuh? Hindi mo alam kung sinong pipiliin sa kanilang dalawa? Naku, kung ako sayo piliin mo si Tristan-- *chomp*" sinubo ko sa kanya yung tinapay na kinakain niya kanina at pina-upo ulit.

"Hinay-hinay nga bes! Hindi ganun. Kasi naman si Brad eh. Lagi na lang kasi akong ini-snob ni Brad eh. Buti pa nga si Tristan may oras sakin."

"May oras si Tristan sayo pero ikaw wala kang oras sa kanya kasi kay Brad lang atensyon mo all the time?" taas kilay na tanong niya.

"Parang ganun na nga."

"Naku! Maligo ka na at male-late na naman tayo. Ayoko ng tumakbo at matapilok ulit ha. Susumbong kita kay Connor ko." tinulak na niya ako pataas ng hagdan.

Hindi ko pa din talaga maiwasang isipin yung mga sinasabi ni Tan. Urgh! Sumasakit ang ulo ko.

---------------

Vote, comment, and share. Thank you.

Natalie Simpson. May nadagdag na naman sa mga characters natin.

Fb: Trisha Mae Alamillo Burgo
Twitter: @TriiishaMae & @PHTheVampettes
IG: trishamae_vampettes.smiler

Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon